MIKAEL'S POV
Di ako makapaniwala na ang isang Kaden Kit Dela Cruz ay magreregalo ng ganon sa ama ko. For the first time nakatanggap nang isang CD si daddy at mabuti sana kung matino o action katulad nang sa Kay James Bond o Keanu Reeves na paborito niya e sa porn. Mabilis kong tinignan si Kaden habang busy sa pagsusuklay ng kanyang buhok. May pasok na kasi kami ngayon at narinig niya ang pagmumura nito dahil sa sumabit ang suklay nito sa nagkabuhol-buhol niyang buhok.
"Fish tea! Kaya ayoko sa mahabang buhok e. rekalamo habang pilit nitong sinusuklay ang nagkabuhol niyang buhok.
"Wala talaga siyang self patience. umiiling Kong wika sa sarili. Lumapit ako sa kanya para ako ma ang magsuklay sa buhok niyang kinagalitan niya.
"Sweetheart ako na. sabay kuha ko ng suklay sa kamay niya. Hindi naman ito nagprotesta at agad na binitawan ang suklay na nasa kanyang buhok. Kinuha ko naman ang suklay at dinahan-dahan ang pagsuklay nito yong ibang hindi madala sa suklay kaya inayos ko muna o tinitignan ko muna kong saan at kung paano ito maayos saka padaanan ng kamay bago suklayin.
"Sweetheart huwag na huwag mong papagupitan itong buhok mo ha. ako. Pumadyak ito ng bago nagsalita. Alam niyang nakalukot ang mukha nito sa basi sagot niya.
"Sa mahirap suklayin e. At isa pa ayoko ng mahabang buhok mainit at mahirap suklayin.
"Basta huwag mong papagupitan.
"Sayo ba to? ha? Sayo? sarkastikong wika nito sa kanya habang pilit itong lumilingon sa akin.
"Simula ngayon sa akin na to. deklara ko.
"O sige na..sayo na. Tanggalin mo na. inis nitong wika habang pilit na inilapit sa mukha niya ang hawak-hawak niyang buhok. "Di mo man lang sinabi na gusto mo pala ang buhok ko di sana nakapaghanda ako.
"Gusto ko ang buhok mo kasi bagay sayo.
"Huwag ka na ngang magkailang bakla ka. Naiinggit ka sa buhok ko no? Napipikon akong inikot siya patalikod sa akin at marahas ma sinuklay at kanyang buhok para tumanda.
"Aray naman bakla. Dahan dahan lang. reklamo niya sakin habang nakahawak ang dalawang kamay sa anit niya.
"Ang daldal mo kasing babae. Hindi naman ako nagtaka kasi ang babae dalawa ang bunganga.
"Gago! sabay batok sa akin ni Kaden ng malakas. "Ang bastos mo. Isa pa sisipain na kita. lumalaki ang butas ng ilong niyang wika sa akin. Napatawa naman ako sa hitsura niya.
"Sweetheart, wag ka ng magalit lumalaki kasi ang butas ng ilong---di ko na natapos ang iba ko pang sasabihin dahil sinikmuraan na ako ng babaeng mahal ko. Pakiramdam ko nawalan ako ng hangin sa katawan sa lakas ng suntok niya sakin. Grabe. Anlakas talaga niyang sumuntok. Hindi talaga siya babae. Parang kapatid siya ni Manny Pacquiao. Nakangiwi akong tumingin Kay Kaden habang nagsusuklay siya na ang nagpatuloy dito. Hindi ko na maipagpatuloy ang pagsuklaya sa kanya dahil sa nabogbog na naman ako. Hindi ko nga alam kong Bakit mahal ko siya. Hinimas-himas ko ang ang tiyan kong sumasakit pa rin ng kaunti at humakbang ng dalawang beses palapit Kay Kaden sabay yakap sa kanya mula sa likuran.
"Mahal pa rin kita. Simula ngayon pagmamay-ari ko na ang buhok mo ako ang magsusklay at mag-aayos niyan kaya wala kang karapatang ipaputol yan. sabi ko sa kanya sabay kuha ng suklay sa kamay niya kinuha ang tali para sa buhok niya na nakapatong sa ibabaw mesa sa harap ng salamin at itinali ko na ito.
_________
"Hayst. Nakakapagod at nakakabato ng ulo. sabi ko habang nag-iinat ng bahagya ng katawan. Dalawang oras din ang ginugol nilang mga officers sa pag-uusap tungkol sa nalalapit na Halloween party na gaganapin sa school nila isang linggo nalang at magaganap na ito. Sumasakit ang ulo niya sa daming kaartehan na suggestions ng mga officers na babae andami talagang comments. Pwede namang simplehan lang sa kanila napakadaming arte. Saan ka ba nakakakita ng multo hindi pangit? Argh. Nasa ganong posisyon ako ng bigla nalang sumulpot si Kaden na may dala-dalang pagkain na nasa plastic. Tinignan ko ang seryoso niyang mukha habang papalapit sa kinauupuan ko.
"Why are you here?
"Bringing this to you. sabay angat ng supot sa kanyang mukha. Sa mukha pa talaga niya ha. Kahit kailan napakabastos talaga ng babaeng to. wika ko sa isip ko. "I know your tired and starve, so I bring this to you. patuloy nitong sabi. Nakaramdam naman ako ng tuwa dahil sa may ugaling bastos at gangster nito ay may pagkathoughtful din pala ito. Lalo na sa'kin pakiramdam ko tuloy mahal na din ako ni Kaden. Nakangiti kong kinuha sa kamay niya ang supot at tinignan ito. Isang cold bottled juice at dalawang cupcakes. "Sweet. nakangiti kong wika sa isip ko. "Thank you sweetheart..ay cupcake na. nakangiti kong wika sa kanya imbes na matuwa ito dahil sa sinabi ko smirk lang ang sinukli sakin.
"For the first time ever you brought me food. wika ko sabay angat ng cupcake at kumagat. "Hmm. sarap. Thank you cupcake. Love you. sabi ko sabay halik sa kanyang pisngi. Ngumiti lang siya sa akin saka kinuha ang bottled juice at binuksan.
"Kaya ko naman cupcake e. sabi ko nang makita kong binuksan niya ang bote ngunit ganon nalang ang pagkadisappoint ko ng dinala nito sa bibig niya.
"Cupcake sakin yan e. Dala mo yan sakin e. pagmamaktol ko sa kanya.
"Sa nauuhaw ako e. reklamo nitong nakanguso pa sakin at napangiti nalang ako sa inasal niya.
"Sige, inom kapa cupcake. sabi ko pa sa kanya.
"Okay na ako. sagot niya sakin. Magsasalita pa sana ako ng bigla nalang bumukas ang pinto at isang maganda at seksing babae ang pumasok nalang bigla ni katok hindi nito ginawa. Pareho kami ni Kaden ang nagulat..ngunit mas nagulat ako ng mapasino ang intruder. Si Jennifer Harriston ang babaeng may gusto sa akin Simula pa noong High School pa kami. Malapad ang ngiti habang nakatutok ang tingin sa akin.
"Jesus Christ! mahina kong wika habang nag-alala Kay Jennifer dahil alam niyang hindi siya sasantuhin ni Kaden.
OOPSS! ANOTHER LAME UPDATE AGAIN. GOODNIGHT EVERYONE! MUAH. Unedited.
![](https://img.wattpad.com/cover/134356114-288-k652285.jpg)
BINABASA MO ANG
She is My Opposite Dream Girl (✓)
RomanceWhat if one day you find your opposite dream are you willing to risk?? Si Mikael Willan ay isang gwapo at sikat sa kanilang school na sila lang naman ang tagapagmana. Mikael si the certified na mabait, masunurin at mapagmahal na anak ayaw niya kasin...