MIKAEL'S POV
Maaga siyang pumunta sa school para makita si Kaden hindi niya alam kung bakit araw-araw, oras-oras namimiss niya ito, basta ang alam niya lang gusto niyang makita ito palagi. Nagmamadali siyang pumasok sa kanilang classroom ng makita niyang may lalaking bigla nalang yumakap Kay Kaden. Bigla lang uminit ang tenga niya hanggang sa umakyat pa ito sa ulo niya. Mabilis siyang lumapit dito at ipinaghiwalay ang dalawa. Mabilis niyang hinarap ang lalaki at isang malakas na suntok ang pinakawalan dito.
"Gago ka. Bakit mo niyakap si Kaden. galit na wika nito habang patuloy sa pagbogbog sa lalaki. Nagkagulo ang lahat at marami na ang umaawat sa kanya ngunit baliwala lang ito sa kanya. Duguan na ang pagmumukha ng lalaking binubogbog niya ngunit wala siyang pakialam. Susuntukin pa sana niya ulit ito ng may pumigil sa kamay. Galit niyang tinignan ang kamay na pumigil sa kanya..gusto niyang bogbogin din ito dahil sa pang-aawat nito..may kasalanan sa kanya ang lalaki kaya dapat lang mabogbog ito. Ayaw niyang may yumakap na iba Kay Kaden..dahil siya lang dapat. Tiningala niya ang may-ari ng kamay at napatigil siya ng makita ang pagmumukha ni Kaden na walang emosyon.
"Tapos kana diyan? malamig na tanong nito. Napatingin siya sa lalaki at ganon nalang ang pagkagulat niya ng makita ang mukha nito. Napatayo siya ngunit nawalan din ng balanse. Nawala ang lakas niya ng napagtanto ang kanyang ginawa.
"I'm sorry. I'm sorry. mangiyak-ngiyak niyang sabi habang nakaluhod sa harapan ng lalaking nakahiga sa semento.
"Tumayo ka nga diyan. wika ni Kaden sa kanya habang itinatayo siya.
"Ano bang nangyayari sayo ha! pikon na tanong nito.
"Kasalanan mo to e. paninisi niya dito. Kung hindi ka nagpayakap sa lalaking yan, e di sana hindi ako nagalit. anitong ikinulong ang mukha sa pamamagitan ng kanyang kamay.
"At bakit ako ang may kasalanan? Hindi naman ikaw ang niyakap a..ako naman.
"Diba ayaw mong may humahawak sayo.
"Oo. Pero nagpapasalamat lang naman siya sa akin e. Nagpapasalamat siya kasi nga niligtas ko yong kapatid niya sa mga manyakis na yon. wika nito sa kanya. Lalo siyang nakonsensiya at sinisisi ang sarili. Mabilis niyang binuhat ang lalaki at patakbong dinala ito sa clinic ng school. Nagsisisi siya ngayon...ng sobra sobra. Nahihiya siya sa mga kapwa niyang estudyante kaya napatakbo siya palabas ng campus at pumasok sa loob ng kotse niya. Maya-maya dumating si Kaden at pinapauwi siya ngunit imbes na umalis isiniksik lang niya ang sarili Kay Kaden.
"Don't leave me please. pakiusap niya dito. Bumuga ito ng hangin bago siya niyakap.
"Salamat Kaden. Pakiusap huwag kang magpayakap sa iba...nagagalit ako e. Hindi ito sumagot sa kanya bagkus hinimas himas nito ang likod niya.
"Maybe I can stay with you. si Kaden.
"Thanks. at humalik siya sa pisngi nito bago pumikit.
______
"Mikael, ano ang ginawa mo? galit na galit na tanong ng kanyang ina sa kanya. Hindi na siya naka-attend ng klase sa buong maghapon dahil sinundo siya nito sa paaralan nila. Kaya ngayon mas lumalala na ang nerbiyos niya dahil for the first time sinigawan siya ng kanyang ina. The 19 years of his existence ngayon lang siya nabulyawan ng ina. Tumulo ang mga luhang nakayuko lang siya dahil ayaw niyang tignan ang galit na mukha ng kanyang ina.
"Ano ba ang pumasok diyan sa utak mo at ginawa mo yon? Hindi mo ba iniisip ang reputasyon mo? galit na wika nito sa kanya.
"Sorry mommy. hinging paumanhin niya habang umiiyak. "Di ko alam kung bakit ko nagawa yon basta ang alam ko lang nagalit ako. patuloy niyang wika sa pamamagitan ng pag-iyak. Dinig na dinig niya ang pagbuga nito ng hangin at lumakad ng pabalik-balik sa harapan niya. Aminado siyang stress na stress ito sa kanya.
"Mommy...sorry. tumayo siya at niyakap niya ang ina ng mahigpit. "SORRY, mom. Sorry. paulit-ulit wika. Naramdaman niya ang paghagod nito sa kanyang likod.
"Ano ba ang gusto mo anak? malumanay nitong tanong habang patuloy sa paghagod sa kanyang likod.
"Wala mom. aniyang umiling pa. "Wala akong ibang gusto ngayon kundi ang mapatawad mo. aniyang sumisinghot singhot pa.
"Where's Kaden mom? tanong niya sa ina at humiwalay sa pagkakayakap dito.
"Umalis na. sagot naman ng ina niya.
"Bakit mo siya pinaalis. nagtatampo niyang wika sa ina. "Pagmalaman ko lang na may niyayakap o may kasama siyang lalaki bobogbogin ko talaga. aniyang galit na nakatingin sa ina.
"What the heck! Mikael stop thinking that. gulat na wika ng ina niya. Hindi ito makapaniwala sa sinabi niya. At sigurado siya naguguluhan na ito sa pagkatao niya.
"Oh my God Mikael. What happened to you?
"Yon ang nararamdaman ko e.
" What? Obsess ka Kay Kaden? nanlaki ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Siya, obsses Kay Kaden? As in? Sa mommy pa niya mismo narinig ang mga katagang yon. Siya? Di makapaniwalaang tanong niya sa sarili.
"Whatever mom basta ayokong may ibang lalaki siyang kasama. Dahil makakapatay ako ng wala sa oras.
"Your horrible!
BINABASA MO ANG
She is My Opposite Dream Girl (✓)
RomanceWhat if one day you find your opposite dream are you willing to risk?? Si Mikael Willan ay isang gwapo at sikat sa kanilang school na sila lang naman ang tagapagmana. Mikael si the certified na mabait, masunurin at mapagmahal na anak ayaw niya kasin...