TGBU 05

1.6K 56 3
                                        


Kabanata 5- Mahal


Ella's POV



"Iha, gising na"



Aish. Sino ba yun?! Kanina pa na may bumibwisit sakin para gumising! Si Mommy na naman siguro 'to.



"Fvck, mom. Five more minutes. I'm hella tired" sleepy pa na sagot ko.



"Ano daw?"


"Nasasapian ba siya? Ano yung mga sinasabi niya?"



"Jusko. Si mayordoma na ang gumising sa kanya pero di parin siya gumigising"



"Tanghali na pero tulog parin siya?"



"Iha, bumangon ka na. Gising na ang mga amo natin ngunit natutulog ka pa rin. Hindi magandang gawain yan lalo na't hindi ka isang Donya na naghihintay pagsilbihan. Nagiging mabait pa ko sa iyo dahil si Ginoong Marcus ang nagpasok sa iyo rito"


Huh? Ano daw?



Ginoong Marcus? Who the fuck is that?



"Pasensya na po Ginang Lara, kung maaari po sana ay ako na lamang po ang gigising sa kanya. Galing pa po kasi siya sa malayong lugar kaya maaaring pagod pa siya. Pagpaumahin niyo na lamang po at sisiguraduhin kong hindi na po ito mauulit muli" boses ng isang lalaki.



Familiar yung boses na yun ah?



Naramdaman ko naman na umalis na yung mga tao dito sa kwarto ko kanina. Teka ba't parang ang dami pala nila? Nandito na naman ba mga kaibigan ni Mommy sa bahay? Omaygash.



"Binibini, gumising ka na diyan kung ayaw mo mapaalis dito sa aming tirahan"



Boses ba ni Dad yun? Ba't niya ko tinawag na binibini? Hwaaat?



Sabagay, kung ano ano nga tinatawag sakin ni Dad para lang magising ako. Like 'sweetie' 'baby' 'anak' 'princess' etc. Siya lang yung nagtitiyaga na gisingin ako na hindi ako sinisigawan. Instead, dinadaan niya pa sa paglalambing. Sweet ng Dad ko 'no? Hihi.



Naramdaman ko namang dahan dahan na may yumugyog sa balikat ko. Sus nahiya pa 'to si Dad eh. Nagpapalambing lang siguro 'to. Gawain namin 'to pag umaga eh!



Inantay ko yung timing na yuyugyugin niya ulit yung balikat ko. Nung naramdaman ko na yung kamay niya sa balikat ko, hinawakan ko na agad siya sa wrist pahigit sakin BWAHAHAHA. Kilitian time!



Automatic na sumampa ako sa kanya at dinaganan siya habang kinikiliti siya.



"Hahahaha! T-Teka hahaha b-binibini hahahaha! A-anong g-ginagawa hahahah m-mo hahahah!"



Natatawa naman ako hanggang sa tumigil na ko at tiningnan si Daddy.







W




T





H




?
!
?
!






HINDI NAMAN SI DADDY 'TO EH!





Automatic naman na umalis ako sa pagkakadagan sa kanya kaya nahulog ako sa kama. Ouch! Sakit sa pwet ha!



"B-Binibini! Ayos ka lang?" Tanong niya at bumangon sa kama para lapitan ako.



Kung kanina, nakangiti yung mga mata niya. Ngayon, halatang nagaalala na siya. Omaygash ano ba 'to!



The Gap Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon