TGBU 09

1.3K 59 3
                                        


Author's note: Kamusta naman ang pagbabasa? Hindi ba boring or smthn? You may message me if you have suggestions :)

Enjoy reading!

Kabanata 09- Nobya

Ella's POV

"Maaari ko ba malaman ang iyong buong pangalan, binibini?" Tanong nung kaibigan ni Marcus na Julio ata ang pangalan. Nandito kami ngayon sa top deck ng barko. Syempre old style parin 'to. Hinihiling ko nga na sana hindi kami lumubog o ano eh. Masyado kasing maalon kaya kaloka!

Wow ha, interesedo ba sakin 'tong lalaking 'to? Tsaka bakit kailangan whole name ko pa? Arte.

"Marinella Serephina" sagot ko habang nakatingin sa dagat.

"Isang napakagandang pangalan ngunit hindi pamilyar ang iyong apelyido, binibini"  sabi niya na parang nagiisip pa. Kailangan familiar? Kailangan sikat ako, ganern? Sabagay, maganda ako eh HAHAHAHAH

"Huwag mong bibigyan ng ibang kahulugan ngunit sa unang tingin ay hindi ka mukhang alipin. Dahil sa iyong kutis at kagandahang taglay, napaisip ako kung galing ka ba sa mayayamang angkan" sabi niya pa. OH DIBA ANG GANDA KO TALAGA.

Hindi ko alam kung nambobola lang ba 'to or straightforward lang talaga na tao.

"Ngunit huwag mong mamasamain, magkamukhang magkamukha pala talaga kayo ni Elena" sabi niya pa. Napalingon naman ako sa kanya at napakunot ng noo. Huh? Ano daw?

Ang daldal pala ng isang 'to. Mahilig siguro 'to sa mga chismis at chikahan.

"Elena? Yung babaeng mahal ni Marcus?" Tanong ko. Tumango naman siya. Pano ko naman naging kamukha yon? Psh, for sure mas maganda ako 'no!

Hindi naman 'to yung unang beses na may nagsabi na may kamukha ako. Maraming nagsasabi na kamukha ko yung mga sikat na models or pangworldwide yung beauty ko.

"Saang probinsya o lugar ka nagmula?" Tanong niya. Chismoso talaga! Malakas na talaga yung kutob ko na may gusto sakin 'to. Hindi ko rin naman siya masisisi eh, sa ganda kong 'to? Hindi nakakainlove? Asa! Huehuee.

Sorry, nahhyper na naman ako.

"Bakit mo naman gustong malaman?" Pataray na sagot ko. Syempre para malaman niya na hindi ako okay sa mga pagtatanong niya or pagdadaldal niya.

Tumawa naman siya. May nakakatawa ba sa sinagot ko?

"Naalala ko sa iyo ang aking kasintahan. Iyan din ang isinasagot niya sakin tuwing nagtatanong ako sa kanya" kwento niya. Wow ha, kanina kamukha ko si Elena. Ngayon naman naaalala niya sakin yung girlfriend niya?

Eh may jowa na pala 'to eh! Ba't mukhang nakikipagflirt sakin? Or ganto lang talaga sa sinaunang panahon? Uso na ba yung playboy dito? Teka parang natanong ko na rin yun dati ah.

"Nasan na yung girl-- este kasintahan mo?" Tanong ko. Ngumiti naman siya at parang inaalala sa isip niya yung girlfriend niya.

Biglang nagkaspark yung mga mata niya. So, inlove pala talaga yung isang 'to.

"Mahigit dalawang taon kami hindi nagkita sapagkat nagaral ako sa Maynila. Ngunit ngayon, babalik na ako sa bayan ng San Laurena at susuyuin muli ang aking mahal" sagot niya.

Oh edi ikaw na!

Wala! Magbebreak din kayo nan! Haha. Bitter eh 'no.

Bigla ko namang natanaw na yung dadaungan namin. Malapit na pala kami. Feeling ko mga 8 to 9 hours kami nagbyahe. Medyo mabagal din kasi 'tong barko kasi old style pa.

Naghanda na yung mga tao. Kinuha na nila yung gamit nila tapos yung iba na natutulog, nagising na dahil sa mga taong naghahanda na sa pagbaba.

May gamit na pinadala si Marcus sakin. Inimpake pala ni Esmeralda yung iilang damit ko na mostly pinahiram niya lang sakin nung natutulog ako. Nandito rin yung cellphone at yung modern kong damit. Feeling ko si Marcus na naglagay nito dito kasi magtataka si Esmeralda.

The Gap Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon