TGBU 08

1.4K 49 2
                                        


Kabanata 08- Pagtakas

Ella's POV


Naghihintay ako sa ilalim ng puno ng narra, ang simbolo ng aming pagmamahalan.


Mga dalawang oras na akong naghihintay dito ngunit hindi parin siya dumadating. Sinimulan na akong kabahan. Jusko, sana nama'y walang masamang nangyari sa kanya.


Nag hintay pa ako ng mga ilang minuto ngunit walang Marcus ang dumating.


N-Ngunit hindi maaari! Napagusapan namin na kami'y magkikita ngayong takipsilim sa aming tagpuan. Pinangako niya sakin na pupunta siya. Pinangako niya na kahit anong mangyari, itutuloy parin namin ang aming pagmamahalan kahit ito'y isang kasalanan.


Pabalik na ulit ako ng mansion at inaasahang makikita siya roon. Hindi naman ako nagkakamali dahil nakita ko siya na katatapos lamang kumain ng kinagabihan sa hapagkainan. Mukhang nahuli siya kumain kaysa sa kaniyang kapatid.


Lumabas ako ng kusina at nagpresinta kay Mayordoma na ako na lamang magliligpit ng pinagkainan ni Marcus. Kailangan ko makaisip ng paraan upang makausap siya kaya't ito na ang naisip kong pagkakataon dahil hindi ko kayang patagalin pa ang mga naiwang tanong sa isip ko.


Ngunit noong lalapit pa lamang ako sa kanya ay tumayo na agad siya. Tiningnan ko siya ngunit iniwasan niya lamang ako ng tingin at naglakad na paalis.


"S-Señor" tawag ko sa kanya, nagbabakasakaling lingunin niya ko.


Hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Sobrang sakit. Pakiramdam ko ay sasabog na yung puso ko sa sobrang sakit na nararamdamann. B-Bakit? I-Ibig sabihin ba nito ay s-sumusuko na siya?


Ngunit nangako siya! H-Hindi!


Napahawak ako sa aking ikaliwang dibdib dahil sumisikip ito at tila hindi ako makahinga sa sakit. Pinipigilan ko rin na mapaiyak o humikbi ng malakas habang nililigpit ang kaniyang kinainan. Nanlalabo na ang aking mga mata dahil sa mga napupunong luha ngunit ano nga ba ang aking magagawa? Isang hamak na tagasilbi lamang ako rito. Isang hamak na alipin lamang ako at hindi nababagay sa isang katulad niya.







Nagising akong basang basa yung unan ko. Pakiramdam ko rin na namamaga yung mga mata ko. T-Teka? Wag mo sabihing umiyak din ako?


Bakit ganun? B-Bakit parang totoo yung sakit? Bakit parang totoong nasasaktan din ako? Pero panaginip lang yun!

Tsaka yung totoo? Bakit ba palagi ko nalang napapaginipan si Marcus? Hindi ko naman nakikita yung babae. Pero ang weird kasi this time, parang ako yung babae. Hindi ko maexplain eh pero parang ako yung nasa loob ng katawan nung babae. Parang nakapasok ako sa loob niya dahil yung pagiisip at nararamdaman niya ay nararamdaman ko rin. At iba ang naramdaman ko kay Marcus sa oras na iyon.


Bumangon ako, nauuhaw ako. Nanghihina rin ako. Parang akong broken hearted.


Pagkatapos kong bumalik sa hapagkainan nung tinawag ko si Marcus, biglang sumama pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit. Nagpaalaman ako kay Mayordoma na magpapahinga na muna ako. Buti nga pumayag siya eh. Nakita niya rin siguro na namumutla talaga ko at masakit yung nararamdaman ko.


Binisita rin ako ni Esmeralda kanina at tinanong ako kung anong nangyari sakin. Hindi ko alam kung ba't wala rin akong gana. Parang nawala lahat ng energy ko sa katawan. Tapos tinanong niya rin kung pinakielaman ko ba yung niluluto niya kanina. Nagaalinlangan akong tumango nun pero nagulat ako nang ngumiti siya at sinabing nagustuhan daw nung ama ni Marcus yung na inihaw na tilapia. Wala naman akong masyadong ginawa dun, sa pagkakatanda ko. Hindi na ko nagtanong pa kasi wala akong lakas.


The Gap Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon