Kabanata 14- Elena
Ella's POV
"Ayos ka lang ba, binibini?" Tanong sakin ni Marcus habang naglalakad kami pabalik sa bahay nila Ate Rosa.
Huh? Ba't parang nagaalala siya?
"Oo naman. Bakit naman hindi ako magiging ayos?" Sagot ko at tumawa pa na medyo awkward. Napakunot naman yung noo niya.
"Nakikita kong may bumabagabag sa iyo. Naiintindihan ko kung ayaw mo sa akin ikwento ngunit gusto kong malaman mo na handa ako upang makinig" sabi niya at ngumiti. Marcus naman eh! Weg genyen.
Lahat naman ng problema sinasabi ko kay Marcus. Napaparant na nga ako sa kanya eh, tulad kahapon. Tsaka yung sa may tulay. Ang gaan na agad ng loob ko sa kanya kahit hindi pa naman kami ganun katagal na magkakilala. Tulad nga ng sabi ko dun kay Lola, magiisang linggo palang naman ako rito pero alam na agad ni Marcus kapag namomoblema ako.
Di bale na, ikkwento ko rin naman sa kanya 'to mamaya. Siya lang din naman yung makakatulong sakin para makabalik na ko sa panahon ko.
"Hindi ko inaasahan na bibisita sila ngayon. Wala man lang silang pasabi" sabi ni Ate Rosa nang nakarating na kami sa tapat ng bahay niya.
"Sino ba yung tinutukoy mo, ate?" Tanong ko.
Sasagot palang sana si Ate Rosa pero may dumating na tatlong lalaki sa kinaroroonan namin.
"Pasensya na kung nakaabala kami sa inyo" sabi nung isang lalaki sa gitna. Hindi ko alam pero wala pa naman siyang sinasabi na kakaiba pero mararamdaman mo na agad yung authority sa kanya. Feeling ko ay hindi siya basta basta.
"Pumasok muna tayo sa loob at doon na ipagpatuloy ang paguusap" sabi ni Ate Rosa kaya pumasok na kami sa loob.
Pero di ko alam kung imagination ko lang ba 'to or nakatingin sa akin yung isa sa mga lalaki na kasama nung Mr Authority guy. Yung isa naman kasi na guy na kasama niya, mahaba yung buhok. Hanggang balikat.
"Batid kong kilala mo na si Julio at ang aking kapatid na si Marcus ngunit hindi mo pa kilala ang kasintahan nito" sabi ni Ate Rosa sa tatlong bisita.
Tumingin naman ako kay Marcus at gusto ko nalang kainin ng lupa nang makitang nakangiti siya sakin habang naglalakad palapit sa tabi ko.
"Nagagalak akong ipakilala sa inyo ang bumihag sa aking puso, ang aking pinakamagandang minamahal, si Binibining Ella" pakilala ni Marcus. Alam mo yung sinabi niya pa yun sa tono na parang proud boyfriend?!
Hwaaaaahh!! Ella kumalma ka! Umaasa ka na naman eh pagpapanggap lang naman 'yan!
Feeling ko daig ko pa yung kamatis sa pamumula ngayon sa harap ng tatlong lalaki. Nakakahiya!
"Nagagalak kaming makilala ang iyong kasintahan, Marcus! Tama ka, isa siyang magandang dilag" sabi naman nung guy na mahaba yung buhok. Awkward naman ako na ngumiti.
"Siya nga pala, ako si Macario Sakay. Ang pinakagwapo sa aming lahat" pakilala nung mahaba yung buhok sakin.
"Ako naman si Emilio Jacinto, nagagalak akong makilala ka Binibining Ella" pakilala naman nung Mr. Authority guy.
OMG! Emilio Jacinto? Ba't medyo familiar yung name niya? Hindi ko lang matandaan kung saan ko narinig.
Napatingin naman ako dun sa guy na tinitingnan ako kanina. Siya nalang yung hindi nagpapakilala sa tatlo at halatang halata sa kanya na kinakabahan siya. Hindi niya na magawang tumingin ulit sakin ng diretso simula nung nahuli ko siyang nakatingin sakin kanina. So, hindi nga ko nagiimagine? Ang ganda ko talaga hays.
BINABASA MO ANG
The Gap Between Us
Narrativa StoricaLumilipas ang panahon, naghihintay na makamit ang tamang pagkakataon. Lumilipas ang bawat oras, naghihintay na bumalik ka sa piling ko. Siguro nga hindi na maibabalik, ngunit nagbabakasakaling maulit muli. Naulit muli, nakita kang muli, ngunit iba n...