Kabanata 31-Date
Ella's POV
Naramdaman kong may bumuhat sakin kaya unti-unti akong nagising at minulat ang mga mata. Ilang beses pa kong pumikit at dumilat muli para masiguradong hindi ako namamalikmata. Pasimple ko rin na kinurot yung braso ko para malaman kung nananaginip lang ba ako pero hindi! Nandito na si Marcus. Buhat buhat niya ako ngayon! Nandito na talaga siya!
"M-Marcus?" Nanghihina na sabi ko pagkaupo niya sakin sa kama. Nakapasok na pala kami sa kwarto ko. Ngumiti naman siya ng malungkot.
"Paumanhin kung pinaghintay kita ng matagal. Pangako kong babawi ako sayo" malungkot na sabi niya. Hindi ko alam pero hindi ko na napigilang umiyak.
"San ka nanggaling?! Akala ko kung napano ka na! Akala ko iniwan mo nalang ako ng ganun ganun lang! Nakakainis ka! Nakakainis ka!" Sigaw ko habang pinagsusuntok yung dibdib niya.
"Akala mo ba nakakatuwa yung ginawa mo, ha?! Halos mabaliw ako kasi akala ko iniwan mo na talaga ako! Ang sakit, Marcus! Ang sakit sakit!" Sabi ko pa hanggang sa napagod na kong suntukin siya sa dibdib. Niyakap niya na naman ako pagkatapos at hinayaan niya kong umiyak sa dibdib niya.
"Shh. Patawad, patawarin mo ako, aking mahal. Ngunit naririto na ako. Nandito na ako" comfort niya pero hindi naman nakatulong kaya agad ko siyang tinulak.
"Nandito ka na? Pano kung bukas or mamaya, mawala ka na naman?!" Sabi ko at humagulgol. Akala ko yayakapin niya muli ako pero nakatungo na lamang siya sa tabi ko.
Makalipas ang ilang minuto, walang umimik sa aming dalawa. Hinayaan niya lamang ako umiyak habang siya ay nakatungo parin. Hindi ako sigurado pero parang bumababa at tumataas yung balikat niya. P-possible kaya na?
Parang may utak yung kamay ko at pumunta ito sa mukha niya. Naramdaman kong basa ang pisngi niya. Doon ako natauhan. Well, nalabas ko na naman lahat yung kinikimkim ko kanina kaya medyo ayos na ako. Hindi naman kasi ako makapaglabas ng saloobin kay miss Clara kanina kaya mahirap. Kay Marcus na ko sumabog.
Inangat niya na yung ulo niya, at doon ko nakumpirma na umiiyak nga siya. Ngunit nagawa niya parin na ngumiti sa harapan ko kahit umiiyak na siya. Automatiko ko naman agad siyang niyakap. Nagsisisi tuloy ako sa mga nagawa at nasabi ko sa kanya. Naging immature ako kanina. Dapat inisip ko rin kung ano yung nararamdaman niya. Hindi lang naman ako yung nasasaktan sa sitwasyon namin. Alam kong mas nahihirapan siya dahil siya yung nangiiwan.
"Marcus, patawarin mo ko sa mga nasabi at nagawa ko kanina. Hindi ko naman sinasad—" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil pinatigil niya na agad ako at ngumiti siya.
"Hindi na kailangan. Alam kong nasaktan kita. Nasaktan ko ang babaeng pinakamamahal ko. Napaiyak pa kita. At alam kong mangyayari muli ito. Pasensya ka na kung nadamay pa kita sa paghihirap na ito. Parang akong pinapatay noong nakita kitang umiiyak at nasasaktan sa harapan ko. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Patawad, aking mahal" malungkot na sabi niya.
"Kahit kailan, hindi naging kasalanan ang pagmamahal. Hindi mo naman sinasadya na umibig. Kusa na lamang ito nangyayari kaya wag ka humingi ng tawad. Mahal kita, Marcus. Hindi ko alam kung kailan nagsimula pero alam kong matagal na ito at tinatago ko lamang sayo at sa aking sarili. Dahil kasi sa sitwasyon natin. Natakot ako eh, natakot ako dahil first time ko magmahal. First time ko maramdaman yung pakiramdam ng nagmamahal. Natakot akong tumaya sa pagmamahal ko sayo kasi alam kong sa huli, ako rin yung talo. Pero desisyon ko na tumaya kaya hindi mo kasalanan iyon. Hayaan mo kong panindigan yung desisyon ko" sagot ko.
Before, ginagawa ko lang yung mga bagay dahil nga gusto ko lang. Never ako nahirapan gumawa ng desisyon before. Basta kung ano gusto ko, yun palagi ang nasusunod. Wala na kong pakielam sa magiging consequence. Pero noong dumating si Marcus sa buhay ko, maraming nagbago. Parang bang all my life, siya yung hinahanap ko. Pero nung dumating na sa point na yun, naduwag ako.
BINABASA MO ANG
The Gap Between Us
Historical FictionLumilipas ang panahon, naghihintay na makamit ang tamang pagkakataon. Lumilipas ang bawat oras, naghihintay na bumalik ka sa piling ko. Siguro nga hindi na maibabalik, ngunit nagbabakasakaling maulit muli. Naulit muli, nakita kang muli, ngunit iba n...