TGBU 06

1.4K 54 4
                                    


Kabanata 06- Ang tulay, *bow*


Ella's POV



"Mahal kong Marcus!"



Napatingin naman silang lahat sakin. Halatang nagulat si Marcus nung nakita niyang papalapit ako sa kanila.



Paglapit ko sa kanila ay agad naman akong yumakap sa kanang braso ni Marcus. Halata namang naschock yung itsura nung mga babae at feeling ko gusto na nila kong patayin sa isip nila kase cinareer ko talaga yung pagyakap ko sa braso ni Marius! Daig ko pa ata yung tuko kung makakakapit eh. Aba maglaway sila! *flips hair* char



"Excuse me, kukunin ko na ang aking pinakamamahal na kasintahan" sabi ko at hinigit na si Marcus palayo sa mga grupo ng babae



"Marcus! Kailangan mo ko samahan, di ko na kaya!" pagmamaktol ko sa kanya habang hinihigit parin siya papunta sa tulay. Mas nauuna ako sa kanya kasi syempre hinihigit ko nga diba. Pero sure naman akong naririnig niya mga sinasabi ko, hindi naman siguro siya bingi para di niya marinig?



"Buti nalang at nakita kita, pasensya na kung naistorbo kita habang kinakausap mo yung mga hipon kanina pero kailangan na kailangan kita ngayon kasi hindi ako sinamahan ni Esmeralda!"



"Biruin mo yon? Mga talande na rin pala mga babae sa panahon ngayon? Lowkey pa nga lang pero grabe! Mas pinili niya yung kasintahan niya kesa sa life and death situation ko!"



"Well, nangako naman siya na babawi siya sa susunod. Hindi pa naman kami ganun kaclose kaya nahihiya pa kong sabihin na hindi ko kayang mamalengke"



"Alam mo nagsisisi na rin ako na di ko sinasamahan si Mommy pag namamalengke or kaya gagawa ng mga gawaing bahay, wala tuloy akong alam ngayon!"



Nakailang pagrereklamo na ata ako sa kanya pero wala kong narinig na may sumagot man lang sa mga sinasabi ko kaya tumalikod na ko at hinarap siya. Napatigil naman agad ako.



"Ba't ka namumula? Mainit ba?" Tanong ko. Mukha siyang kamatis! O kaya yung nakakakain ng siling labuyo!



Yung itsura niya pa parang nahihiya or something.



"Huy, okay este ayos ka lang?" Tanong ko pa at tumigil na sa kakahigit sa kanya. Nasa tabi na naman kami ng tulay.



"A-Ano? A-Ayos lang ako" nauutal na sagot niya. Napacrossed arms naman ako.



"Anong ayos ka lang?! Eh mukha ka na nga kamatis diyan! Tapos nauutal utal ka pa na parang ewan. Ahh, siguro isa sa mga hipon este babae doon yung gusto mo 'no kaya ka nagkakaganyan?" Tanong ko. Ouch, may nagmamay-ari na pala ng puso niya. Pfft, corny!



Pero nagulat naman ako sa sinagot niya, walang konek sa sinabi ko or sa tanong ko yung tinanong niya!



"Bakit mo ko tinawag na p-pinakamamahal kong k-kasintahan?" Nahihiya na tanong niya.



Tumawa naman ako ng malakas.



"HAHAHAHAH! Ano ka ba! Syempre ginawa ko lang yon para mahigit ka sa mga babae doon. Yun yung pinakauna kong naisip kaya ginawa ko na lang" sagot ko at hinampas siya sa kanang braso niya. Hindi ko naman alam na magiging affected siya don.



Nakita ko naman na pinagtitinginan na kami ng ibang tao. Ganun ba ko kaganda para pagtinginan? Of course!



"Parang hindi babae kung kumilos"

The Gap Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon