TGBU 28

1K 45 1
                                    

Kabanata 28- Labag sa loob

Ella's POV

"What? Pupunta kang probinsya?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ate Donna. I just rolled my eyes, kasasabi ko nga lang diba.


"Ano namang gagawin mo don? Ba't hindi ka nalang magibang bansa if you want a vacation?" Tanong niya pa.


"Pupuntahan nga kasi namin yung probinsya ni Marcus, okay?" pagamin ko. Agad naman siyang nagpapalakpak
sa tuwa.


"Meet the parents na?! Omgg! I'm so happy for you!" Kinikilig na sabi niya. Nalaglag naman agad yung panga ko sa reaction niya.


"Hindi ganun okay? Ah basta! Iback up mo nalang ako kina Mom at Dad" sabi ko sa kanya.


We're here at a coffee shop. Ngayon nalang ulit kami nagkita ever since nakituloy siya sa condo unit ko last week. Minamadali niya na pala kasi yung preparations for her wedding next month. Although nakapili na siya ng motif at gown na gagamitin sa kasal. Medyo naprepare niya na yung ibang bagay noong nasa ibang bansa pa siya. Yung mga kailangan lang talaga mismo iprepare sa Pilipinas yung ginagawa niya ngayon.


"Fine. Kailan ba balik mo?" Tanong niya.


"Hindi ko pa sure, baka kasi mga two weeks or one week and a half at least kami dun" sagot ko at uminom sa iced coffee ko. Napatango tango naman siya.

"Sige. Ako na bahala sa palusot mo. Well, lagi naman" aniya at tumawa. Napailing iling nalang ako habang nakangiti. Ang swerte ko talaga sa kanya.


"Pano si Mark? Isasama niyo ba siya?" Tanong niya pagkatapos niya uminom sa kaniyang kape.


"Nope. Hassle, commute lang naman kasi kami" sagot ko when infact, ayokong isama si Mark dahil hindi naman kami pupunta roon for adventure.

"Speaking of Mark nga rin pala, sayo ko muna siya iiwan. Wala kasing magbabantay sa kanya" sabi ko pa sa kanya kaya medyo nagulat siya. Pero nung nakita niyang seryoso ako, tumango nalang siya.



"Sabagay, I'll try. Practice na rin siguro yon para sa future, hahaha!" Sagot ni Ate Donna kaya napailing iling nalang ako kahit medyo natawa ako sa biro niya.

"So ano? Pasukatan na kita?" Sabi ni Ate Donna pagkatapos. Tumango naman agad ako.


Dahil hindi na ko available next week, iaadvance na yung pagpapasukat sakin para mapatahi na yung gown na isusuot ko sa kasal nila.

"Ano ba yan, gusto pa naman sana kita isama mamaya para sa pagtaste ng food! Sayang" sabi niya at tumayo na kaya tumayo na rin ako.


Hindi ako pwede mamaya dahil ireready ko na yung mga gamit ko na dadalhin sa probinsya. Naconfirm ko na rin kay Ate Clara, yung mayari na nung bahay na papunta na kami roon bukas.


"Friends mo nalang isama mo sayo or kaya si kuya Chad na mismo tutal kayo naman yung ikakasal" sagot ko kaya inirapan niya ko.


Well, nagaway kasi sila ngayon ni Kuya Chad kaya ayon, haha!


"Tigilan mo nga ako, Marinella. Isusumbong kita kay Tita sige ka!" Hamon niya kaya natawa nalang ako habang naglalakad na kami ngayon sa parking lot.

Binuksan niya na yung lock ng kotse kaya sumakay na kami pareho. Saktong tumunog din yung phone ko pagkatapos. Napangiti naman agad ako nang makita na si Marcus yung nagtext.

Kumain ka na ba? Huwag ka magpapalipas ng gutom.

Enebe!

"Hay nako, ganyang ganyan yung ngiti ko kapag kinikilig ako!" Rinig kong sabi ni Ate Donna sa tabi ko kaya inirapan ko nalang siya pero di ko mapigilang hindi ngumiti.


The Gap Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon