TGBU 37

976 35 3
                                    



Kabanata 37- Matandang babae



Marcus' POV

Ang sarap tingnan nila Thalia at nung batang lalaki kanina. Kahit bata pa lamang sila ay may pakiramdam ako na magtatagpo pa muli ang kanilang landas. Parang bang may isang spark na namamagitan sa kanilang dalawa kanina.

"Hanggang dito na lamang kami. Magiingat kayo pauwi" sabi ko at tumigil na sa paglalakad habang hawak sa kamay si Thalia. Hinatid lamang namin sila Ate Rosa at si Filemon sa kanilang kalesa.

"Sigurado ba kayong ayaw niyo magpahatid? Magkalesa na lamang kayo imbis nakakabayo lamang" sabi ni Ate Rosa. Umiling naman agad ako.

"Hindi maaari sapagkat hiniram ko lamang ang kabayo at kailangan ko ibalik iyon ngayon din" sagot ko. Napabuntong hininga naman siya dahil alam niyang wala na siyang magagawa pa.

"Siguraduhin mong bibisita muli kayo sa bahay! Lalo na ikaw" mahigpit na sabi ni Ate Rosa at tinuro pa ako. Napatawa na lamang ako at tumango.

"Magingat kayo" paalam ko. Yumakap din naman muna si Ate Rosa kay Thalia bago tuluyang pumasok sa loob ng kalesa.

"Kayo rin" huling sinabi ni Ate Rosa bago sila umalis.

Napabuntong hininga nalang ako. Naramdaman ko namang may humigit sa ilalim ng pangitaas ko na damit kaya tumingin ako sa ibaba, kay Thalia.

"Umuwi na po tayo" sabi nito kaya napangiti ako. Ang cute talaga ni Thalia.

Sabay kaming naglakad dun sa kabayo na nakatali sa isang puno hindi kalayuan. Habang tinatanggal ko yung pagkakatali sa puno, biglang nagtanong si Thalia ng kakaiba.

"Naramdaman niyo na po bang tumibok yung puso niyo ng sobrang bilis kahit wala naman pong dahilan?" Inosenteng tanong ni Thalia kaya napatigil ako.


Pagkatanggal ko nung pagkakatali sa puno ay lumingon na ako sa kanya. Ginulo ko ang buhok niya at ngumisi. Umupo rin ako para magkasing lebel yung paningin namin.

"Lahat ng pangyayari ay may dahilan. At oo, naramdaman ko na iyan ilang beses na" sagot ko kaya nanlaki yung mga mata niya.

"Talaga po?! Ano po ang dahilan kung ganoon? May sakit na po ba ako sa puso?" Inosente na naman nitong tanong kaya napatawa na lamang ako at umiling.


"Wala kang sakit sa puso, Thalia. Huwag ka magalala, malalaman mo rin sa tamang panahon. Sa ngayon, magpakasaya ka muna habang bata ka pa. Huwag mo muna alalahanin iyon" payo ko at tumayo na. Pagkatapos ay inalalayan ko muli siya makasakay sa kabayo upang makabalik na kami.

Habang pabalik na kami, napatigil ako nang may madaanan kaming tulay. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at naalala ang mga panahon na kasama ko pa rito si Ella. Yung tulay papuntang palengke, kung saan una niya akong tinawag na mahal. Ang lugar kung saan una kong nahawakan ang kaniyang malambot na kamay. Bigla akong napangiti, naaalala ko rin yung mukha niya noong takot na takot talaga siyang tumawid sa tulay na ito. Hindi siya mapakali noon at namumutla pa siya. Ngunit noong nakatawid na kami ng tulay, sobra yung pamumula niya!

"Kuya Marcus? Bakit po tayo tumigil?" Tanong ni Thalia at tiningnan din yung tulay na tinitingnan ko. Napailing naman agad ako at iniwas na muli ang tingin sa tulay.

"W-Wala" sabi ko at pinatakbo na muli ang kabayo upang tuluyan ng makauwi.

Makalipas ang ilang oras, nakabalik na ulit kami sa mga bahay na malapit sa kampo ng mga Amerikano. Hawak na pala nila ang Maynila. Hindi ko lang alam kung pati ang ibang mga lugar sa Pilipinas ay hawak na rin nila. Lahat pala kasi ng mga lugar na hindi pa nila sakop ay pinupuntahan nila. Tulad na lamang ang probinsya nila Thalia.

The Gap Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon