TGBU 32

972 33 1
                                        



Kabanata 32- Christmas Fair

Ella's POV


Kanina pa ko nakatitig sa harapan ng salamin pero hindi parin ako makuntento sa itsura ko ngayon. Actually, ayos naman 'tong dress na pinili kong suotin pero bakit parang nagdadalawang isip ako? San ba kasi kami pupunta? Natatakot kasi ako na baka hindi naman bagay yung suot ko sa pupuntahan namin.


Hindi pa ko lumalabas ng kwarto simula kanina. Nahihiya ako na baka makasalubong ko siya eh. Baka kiligin ako ng wala sa oras! Hays, di naman ako ganito eh. Ano bang ginawa ni Marcus sa sistema ko? Inlove ka nga kasi.


Napabuntong hininga nalang ako at tumingin sa orasan, 3:20pm na. Ayokong bumaba ng saktong alas tres o kaya mas maaga sa alas tres dahil baka isipin nun masyado kong pinaghandaan kahit totoo naman. Ah basta!


Pinikit ko nalang yung mga mata ko at lumayo na sa harap ng salamin. Maganda ka na, Ella! Kahit anong suot mo, maganda ka. Kaya please lang, lumabas ka na ng kwarto at harapin siya. Isip ko.


Kinuha ko na yung pouch ko at lumabas na ng kwarto. Habang papalapit ako ng papalapit sa hagdan ay mas lalong lumalakas yung tibok ng puso ko. Ang OA naman nitong puso ko. Sarap itapon sa kanya, ay nasa kanya na pala hihi. Maharot!


Pero pagbaba ko ng hagdan, wala siya sa living room. Sabi niya hihintayin niya ko rito? Nasan na yun? Napatingin naman agad ako kay Miss Clara na kakapasok lang ng pinto galing sa labas.


"Ay nako, Ella! Ba't ngayon ka lang bumaba? Kanina pa kita tinatawag!" Sabi ni Miss Clara at lumapit sakin. Napakunot naman agad yung noo ko.


"H-Huh? Bakit po?" Tanong ko.

"Eh kasi, dumating yung pinsan ko na si Berto. Inutusan niya si Marcus na sumama sa kanya kasi may kukunin daw siya sa bayan. Akala niya nandito yung mapapangasawa ko na si Miguel, dapat siya yung uutusan. Eh kaso nasa Maynila ngayon si Miguel, kaya si Marcus yung nautusan. Pasensya ka na, palautos kasi yung pinsan kong yun. Feeling niya hari siya. Hindi rin naman nakatanggi si Marcus, mabait yung batang yun eh. Pasensya ka na ah, alam ko namang may date sana kayo ngayon" kwento ni Miss Clara. Napangiti naman agad ako ng malungkot.

"Ayos lang ho, naiintindihan ko. Mas magugulat po ako kung hindi sumama si Marcus" sagot ko. Masakit pero totoo namang naiintindihan ko, nakakalungkot nga lang.

Hays. Totoo talaga yung wag ka masyado maexcite kasi malaki yung chance na hindi magkatotoo or hindi mangyayari.


"Nakaayos ka pa naman, hayaan mo. Babawi ako sa iyo. Anong gusto mong merienda?" Tanong ni Miss Clara.

"Kahit ano po" sagot ko. Ngumiti naman siya at tumango.

"Ipagluluto kita ng sobrang sarap na merienda! Wag ka na malungkot, uuwi rin naman daw sila agad" sabi ni Miss Clara. Tumango nalang ulit ako at ngumiti. Pumunta na naman si Miss Clara sa kusina.


Susunod na sana ako sa kusina pero biglang nagvibrate yung phone ko sa bag.


Ate Donna's Calling....


"Hello?" Sagot ko sa tawag.

[Wow ha, so ako pa talaga tumawag sayo. Sabi ko naman sayo na tumawag ka as soon as makarating na kayo jan!] Sabi ni Ate Donna. Ay shet, oo nga pala!

"Sorry, nakalimutan ko. Sobrang pagod na kasi ako nung nakarating kami rito. Tapos may mga unexpected pa na nangyari, ah basta" sagot ko.


The Gap Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon