TGBU 18

1.1K 43 2
                                        

Kabanata 18- Ella 1896


Ella's POV

Binigay na sakin ni Mom yung keys ng unit ko pagkaalis niya. Hindi ko namalayan yung oras kaya nakatulog ako for five to six hours I think? Grabe. Magpapahinga lang dapat ako kaso pagkaupo ko sa kama, parang pagod na pagod ako kaya di ko na namalayan na nakatulog na pala ko.

6:40pm na nang umalis ako sa unit ko. Papunta na ko ngayon sa bahay para simulan yung pagliligpit. Mamaya pa naman mga 8pm uuwi parents ko.

Pagkarating ko sa bahay, pumunta na agad ako sa kwarto ko para magimpake. Kinuha ko yung maleta ko. Malaki yung maleta ko pero for sure hindi ko malalagay lahat dito ng kailangan ko. Madami kasi akong damit at sapatos so I doubt it.

Sinimulan ko sa underwears, then sa mga pangalis na damit at last yung pangbahay. Then sunod kong kinuha yung toothbrush, lotion, makeup kit, at iba pang mga paraphernalia. Wow so puno na agad yung maleta ko. Last ko na nilagay yung tatlong nighties at yung tatlong sapatos. Slippers, sandals at isang addidas runner shoes. Magaling ako magfit ng mga dalahin sa maleta pero sadyang wala ng space for my other clothes. Pinili ko lang ngayon yung madalas kong sinusuot which is my favorites.

Nilock ko na yung maleta ko nang maalala ko na maglalagay pa nga pala ako ng isang gray na jacket! Dalawang sweater lang yung nakalagay sa loob ng maleta. Lamigin pa naman ako.

Kaso nakadenim jacket ako ngayon at ang panget naman kung susuotin ko rin 'to. Aish, no choice ako kundi iwan muna 'to. Babalik naman ako rito next week. Bawal ako bukas at sa mga susunod na araw kasi may classes na ko.

Ibabalik ko na sana sa hanger yung jacket ko nang mapatingin ako sa floor. May nahulog sa pocket nung jacket kaya agad ko naman itong pinulot para tingnan.

Ella

Pangalan ko 'to ah? Where did I get this?


"Binibini? Ayos ka lang ba? Bakit ka naririto sa labas?" Narinig kong dumating siya kaya agad kong pinunas yung luha ko.

Nasa likod ko siya kaya pagkatapos ko punasan yung luha ko, humarap agad ako sa kanya para sumagot at pilit na ngumiti.

"Ayos lang ako. Gusto ko lang magpahangin"

"Ngunit bakit ka umiiyak?"

Hindi ko namalayan na natulo parin pala yung lecheng luha ko. Umiling naman agad ako at fake na tumawa.

"Wala lang 'to, naalala ko lang yung mga magulang ko kaya ganto" pagsisinunggaling ko. Napatango tango naman siya.

"Naiintindihan ko na natatagalan ka na sa panahong ito at maaaring nagaalala na rin sila sayo sa kasalukuyan. Sigurado akong malungkot din sila ngayon dahil hindi nila kasama sa pasko ang kanilang anak" sabi nito at nakita kong lumungkot yung mga mata niya.

"Alam kong hindi pa natin alam kung paano ngunit kaya nga ako naririto upang tulungan ka. Hindi ako susuko hanggat hindi tayo nakakahanap ng solusyon. Ibabalik kita sa mga magulang mo at sa mundo mo, pangako yan" aniya

Hindi ko alam pero nacomfort ako kahit papano. Ngumiti naman ulit ako sa kanya.

"Salamat" sagot ko.

"Sana magustuhan mo ang aking munting regalo para sa iyo at sana'y mapasaya ka nito kahit kaunti. Maligayang Pasko, Binibining Ella" sabi pa nito at may nilabas sa bulsa niya. Isang kahon. Inabot niya rin naman agad 'to sakin kaya binuksan ko.

"Omygosh. It's my name" sabi ko habang mangha na mangha.

It's a wooden necklace locket. Hand carved na pangalan ko! At sa likod nito ay may nakasulat na 1896.

The Gap Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon