Kabanata 26- Kasal
Ella's POV
"Y-Yung n-niluluto ko!" Sabi ko at bumitiw na sa pakikipagtitigan sa kanya.
Totoo ba 'to? Hinalikan niya ba talaga ko? Hindi ba ko nananaginip?! Pakisampal ako please!
Pasimple naman akong sumilip kay Marcus habang naglalagay ng iba pang ingredients sa Kare Kare. Nakita kong tumalikod na siya sa akin at maglalakad na siguro papunta sa itaas.
Nang nasiguro ko na wala na siya rito sa kusina, pinaypayan ko yung sarili ko gamit yung dalawang kamay ko. Ghad ang inet!
Tinampal ko rin yung pisngi ko ng ilang beses para masigurado ko na hindi ako nanaginip, mahina lang naman. Napakagat nalang ako ng labi upang mapigilan ang pagirit. Sheeeeet!!!
Ano ba Ella! Hinalikan ka lang for 5 seconds tapos kilig na kilig ka na agad? Ni hindi nga man lang gumalaw yung labi niya! Wag kang marupok!
Parang akong baliw na umiiling iling para makalimutan yung nangyari kanina. Kumuha nalang ako ng bowl at hinanda na yung Kare Kare dahil malapit na maluto.
"Hindi pa po ba luto, ma? Excited na kong matikman yung luto niyo eh" Napalingon agad ako nang pumasok pala rito si Mark sa kusina habang ang lawak ng ngiti at halatang fresh na fresh na.
'Kala ko si Marcus eh.
"Uhh malapit na. Ihanda mo na yung dining area" sabi ko at tumango naman siya. Tumalikod na rin ako agad dahil feeling ko namumula parin ako dahil sa nangyari kanina.
"Namumula po pala kayo ma kapag pinapapawisan?" Sabi ni Mark habang nilalagay na yung mga plato at kubyertos sa dining table.
Napatawa nalang ako ng pilit habang nagsasandok na ng Kare Kare. Sabi ko na eh!
"Oo, a-ang init kasi" sagot ko nalang at nilapag na rin yung Kare Kare sa table.
"Nasan yung kanin, ma?" Tanong ni Mark. Nanlaki naman agad yung mga mata ko. Shit!
"A-Ahh o-oo nga pala yung k-kanin! Aish" sabi ko at magsasaing na sana pero nagsalita si Marcus na bagong dating sa kusina.
"Ako na magsasaing, maupo ka na lamang diyan" sabi niya at inagaw sakin yung kaldero.
Ang stupid mo talaga Ella, nagluto kang ulam tapos walang kanin?! Great!
Wala pa kong lakas para kausapin muli si Marcus kaya hinayaan ko nalang siya na magsaing. Tinulungan ko nalang muna saglit si Mark sa paghahanda ng hapagkainan at naisipang maligo na muna sa kwarto pagkatapos para handa na mamaya sa pagsundo sa airport.
"Uhh, pupunta muna ko sa kwarto" paalam ko at umalis na muna sa kusina.
Ngunit paakyat na sana ako sa kwarto nang tumunog yung doorbell ng unit ko. Shit! May bisita?! Sumigaw naman ako sa kusina na ako na yung magbubukas ng pinto dahil baka akalain nila na nasa kwarto na ko at mas delikado kapag sila yung nagbukas ng pinto.
Kaya mabilis akong bumaba ng hagdan at tiningnan muna kung sino yung nasa labas. Sinilip ko muna dun sa maliit na silipan na bilog sa may pintuan kung sino.
"Shit shit si Ate Donna!" Natataranta na sabi ko sa sarili ko.
Akala ko ba susunduin namin siya sa airport? Mamaya pa siya dapat diba? Omayghad! Anong gagawin ko? Aish bahala na!
Binuksan ko na yung pintuan dahil nakakailang ring na siya. No choice! Inhale, exhale. Kaya mo yan Ella!
"Omgg hi Ella! God, I miss you so much!" Sabi ni Age Donna pagkabukas ko ng pinto at niyakap agad ako.

BINABASA MO ANG
The Gap Between Us
Historical FictionLumilipas ang panahon, naghihintay na makamit ang tamang pagkakataon. Lumilipas ang bawat oras, naghihintay na bumalik ka sa piling ko. Siguro nga hindi na maibabalik, ngunit nagbabakasakaling maulit muli. Naulit muli, nakita kang muli, ngunit iba n...