TGBU 07

1.3K 52 4
                                    

Kabanata 7- Pagiwas

Ella's POV

"Ito ang tinatawag naming Bagumbayan" sabi ni Marcus. Halata namang malungkot yung mga mata niya habang nakatingin sa Luneta Park.

Bagumbayan is Luneta Park diba?

So, ganto pala itsura ng dating Luneta Park? Syempre wala pa yung statue ni Rizal dito o kung ano anong mga design.

"Dito namatay ang isa sa aking mga pinaka hinahangaan na manunulat" malungkot na saad niya na para bang fresh pa sa isip niya yung mga pangyayari.

"Si Dr. Jose Rizal?" Tanong ko. Halata namang nagulat siya pero tumango rin naman.

"Kilala mo siya?" Tanong niya.

Maspoil nga 'to bwahaha!

"Sa aming panahon, tinatawag na itong Rizal Park o Luneta Park na ginagawa ng pasyalan ng mga tao" sabi ko. Halata namang nagulat siya.

"P-Paano ito magiging pasyalan kung halos dito rin pinapatay ang ibang mga mahihirap na Indio? Puro mga masasakit na alaala ang naririto kung kaya't hindi ko maintindihan" Nagtatakang tanong niya.

Indio yung dating tawag sa mga Pilipino diba? Mygash! Lakas makapast naman nito eh! Hindi nga ko nakikinig sa AP namin noon.

"Aba ewan, basta ginawa ng pasyalan tapos ang dami dami pa nga na mga magsyota este magkasintahan na nagddate uhh naglalambingan doon. Lakas nga makaPDA eh. Tapos may statue---pigura na nga ni Rizal doon. May building nga dun na humaharang na kaya ang panget na tingnan. Pero pag gabi, umiilaw pa yung park na ang ganda tingnan" pagkkwento ko.

Dalawang beses pa lang ako nakakarating sa Rizal Park. Nung una ay fieldtrip ko samantalang yung isa ay napadaan lang kami nun hanggang sa naisipan ni Mama na maglakad lakad muna kasi gabi 'yon at masarap daw yung simoy ng hangin.

Nakakunot naman yung noo niya na parang pinipilit unawain yung mga sinasabi ko.

"Huwag ka magalala, nakalaya ang Pilipinas" bulong ko sa kanya at ngumiti. Oh sige, ako na spoiler!

"P-Paano?" Nagtataka nitong tanong. Tumawa lang naman ako at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Halika na, baka hinahanap na tayo nung mataray na mayordoma" sabi ko. Napailing iling naman siya.

Teka kung nakapunta kami sa Luneta Park, ibig sabihin ay nasa Manila kami? Omg! Akala ko naman nasa probinsya kami.

Nang makauwi kami, agad naman akong sinalubong ni Esmeralda.

"Ella! Saan ka galing?! Kanina ka pa hinahanap ni Mayordoma sapagkat magtatakipsilim na at balak niya ay tayong dalawa ang magluluto ngayong gabi" sabi niya. Napatigil naman siya ng makita si Marcus na kasunod ko lang. Yumukod naman siya bilang galang siguro.

"Ginoong Marcus, kanina pa ho kayo hinahanap ng inyong ama" magalang na sabi niya. Pero yung tingin niya samin parang may kakaiba. Parang may halong naguguluhan at sakit?

Ba't parang ang dami na agad naghahanap samin eh sandali lang naman kami tumambay sa Luneta Park. Ito kasing si Marcus ang bagal maglakad!

Naghiwalay na naman kami ni Marcus ng landas dahil napunta na ko sa kusina samantalang napunta na siya sa itaas.

"Esmeralda, wala kong alam sa pagluluto" bulong ko kay Esmeralda habang papunta na kami sa kusina.

"Huwag ka magalala, ngayon ako babawi sayo" sabi niya at ngumiti. Pero parang may something talaga sa tingin niya eh!

Kinuha niya na yung bayong na naglalaman nung tilapia at naggayat na ng kamatis.

"Anong luto yung gagawin mo?" Tanong ko.

The Gap Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon