TGBU 13

1.2K 64 5
                                        

Kabanata 13-Matanda

Ella's POV

Katatapos lang namin maghapunan. Nasa labas ako ngayon ng bahay, nagpapahangin. Nandoon si Ate Rosa, Julio at Marcus sa loob. Dumating si Julio sa bahay namin nung naguusap kami ni Marcus kanina kaya hindi na natuloy yung paguusap namin kasi silang dalawa na yung nagusap nun tsaka pumunta na kong kusina para tulungan si Ate Rosa.

Buti pa talaga dito, hindi pa polluted yung hangin at tahimik pa yung lugar. Yun nga lang, may karahasan na nangyayari.

Hmm, oo nga pala. May idol akong hero ng Pilipinas. Si Andres Bonifacio. I mean, who wouldn't like him right? Possible kaya na makita ko siya dito? Omg!

Tanda ko pa noon na inis na inis ako kay Emilio Aguinaldo dahil trinaydor niya ang KKK na pinamunuan ni Andres. Pinagkatiwalaan siya ni Andres pero ipinadakip niya ito. Iba ang way ng pakikipaglaban niya sa mga Kastila at iyon ay isang maduming gawain.

I hated him before. Yes, I'm not into history pero sino bang hindi nakakaalam ng KKK? Yun nga lang ata ang natatandaan ko sa mga pinagaralan namin dati. I'm not familiar with the sequence of events along with the names of other heroes. Naiinis pa ko noon kapag pinapamemorize samin yung mga dates eh ang dami dami nun!

Si Dr. Jose Rizal at Andres Bonifacio lang talaga yung dalawang hero noon na tumatak sa isip ko.

"Mukhang malalim ang iyong iniisip, binibini"

Napalingon ako sa kanan ko nang biglang sumulpot si Marcus. Inirapan ko nalang siya. Tampo parin ako sa kanya na hindi pala talaga ako yung real reason kung ba't siya umuwi dito sa probinsya nila.

Ano nga bang karapatan ko magtampo?


Aba siya naman talaga yung dahilan kung ba't ako napunta sa panahong 'to diba? So I'm his responsibility!

Pero ba't ganun? Nakakalungkot naman isipin na napipilitan lang siya tulungan ako dahil ganun yung situation ko.

Aish! Ano ba talagang gusto mo mangyari ha, Ella?

"Maaari ko bang malaman kung ano ang iyong iniisip?" Tanong niya at umupo sa tabi ko. May pagitan parin naman between us.

"Kilala mo ba sa personal si Andres Bonifacio?" Tanong ko.

Malay mo kilala niya diba? Tapos magkachance pa ko na mameet siya! Tanda ko idol niya si Dr. Jose Rizal eh.

"O-Oo. Bakit mo naman naisipan itanong?" gulat na tanong niya.

"Siya ang pinakahinahangaan ko noon sa mga bayani ng Pilipinas" sagot ko at ngumiti. Ngumiti rin naman siya at tumango.

"Ang totoo, kasali ako sa Katipunan" sagot niya na nagpalaki ng mga mata ko.

"W-Weh?! Eh diba mayaman ka?" Tanong ko

"May mga iba rin naman na mayaman na kasapi rin sa Katipunan. Isa ako sa mga nagbibigay ng pondo upang magkaroon ang Katipunan ng mga armas. Alam ito ng aking ina ngunit hindi ko masabi sa aking ama sapagkat siya ang kanang kamay ng Kapitan Heneral" sagot niya.


"Iyon lamang ang tanging lihim ko sa aking ama ngunit ngayong dumating ka, dalawa na at mismong aking ina ay hindi pa ito alam" sabi niya pa at napailing iling. Feeling ko nagguilty siya kasi hindi niya masabi sa nanay niya.

"Pwede mo naman siguro sabihin sa nanay mo" sabi ko.

"Hindi iyon maniniwala at naghahanap na naman tayo ngayon ng paraan kung paano ka makakabalik" aniya.

The Gap Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon