TGBU 22

1.1K 42 1
                                        


Kabanata 22- Enrollment


Ella's POV

"Oh? Bakit parang puyat na puyat kayo? 10am na ah" sabi ko kay Marcus pagkalabas ko ng kwarto. Kagigising ko lang rin eh. Mukhang tulog pa si Mark.

"Hindi namin napansin ang oras kaya alastres na ng umaga kami nakatulog ni Mark" sagot ni Marcus at dumiretso sa kusina. Nanlaki naman agad yung mga mata ko.

"Tinapos niyo talaga yung 16 episodes nung goblin?!" Gulat na tanong ko. Tumango naman ito at binigay sakin yung tinimpla niya na kape.

Well, tagalog version naman kasi yung pinanood ko sa kanila kasi obviously, hindi naman makakaintindi si Marcus ng english na translation.

Nagulat ako nang kumuha siya ng tatlong itlog sa ref at pitong piraso na hotdog.

"M-Magluluto ka?" Tanong ko.

"Napanood ko ito sa youtube kahapon. Naalala ko kasi na sinabi nung babae na nagtitinda nitong cellphone kahapon na naroon na ang lahat na gusto kong malaman pati sa google" sagot ni Marcus.

Wow, tama yung pronunciation niya sa youtube, cellphone at google! Improvement!

"Oo nga pala, may nahanap na kong school este eskwelahan para kay Mark. Yung nanjan lang sa malapit. Pupunta tayo roon mamaya" sabi ko. Tumango naman siya at nagprito na ng itlog tsaka hotdog. Bakit parang mas naging hot siya tingnan?

"Binibini, bakit ka nga pala hindi nagreply sa mensahe ko sa iyo kahapon?" Tanong nito. Halos mabuga ko naman agad yung iniinom kong kape.

Hindi na kasi ako nagreply dun sa text niya na "Hi! :)" Bakit pa ko magrereply kung kasama ko na naman siya diba?

"San mo naman natutuhan magtext ng hi?" Natatawa kong tanong.

"Napanood ko roon sa isa sa mga pelikula na napanood namin ni Mark" sagot nito at nilapag na sa harapan ko yung pritong itlog at hotdog. Wow, breakfast is ready!

"Ngunit yung babae sa pelikula, napangiti siya noong nagtext ang lalaki ng hi. Bakit ikaw hindi?" Naguguluhan pa nitong tanong.

What the hell?

"Hindi naman kasi ako yung babae sa pelikula" natatawang sagot ko at kumain na. Nagluto pa pala siya ng fried rice!

"Nagising na ko kanina pang alasnuebe, yan yung inuna kong lutuin. Masarap daw iyan sa umagahan" sabi ni Marcus nang makita akong nagulat na may fried rice pa pala. Napangiti naman agad ako.

Favorite ko kasi yung fried rice, garlic rice, etc. Basta yung tipong may flavor na rice. Mas masarap kaya, hindi yung plain lang.

"Ayan napangiti na kita"

Napatingin naman agad ako kay Marcus nang sabihin niya ito. A-Ano daw?

"Mama! Papa! Pasensya na napasarap ako sa tulog"

Napalingon naman agad ako kay Mark na tumakbo papunta dito sa kusina.

"Mhhmm, ang bangooo!" Masayang sabi ni Mark pagkaamoy ng pagkain sa harap niya. Tumabi naman agad siya sakin para kumain na rin.

Tumayo naman ako at pinagtimpla si Mark ng gatas. Kumuha kasi ako ng Milo kahapon sa supermarket. Tapos tinimpla ko na rin si Marcus ng kape. Nahiya naman ako eh, yung tinimpla niyang kape napunta sakin. Tapos siya na nga yung nagluto.

"Ang sweet naman ni Mama" nangaasar na sabi ni Mark. Inirapan ko nalang siya.

"Kumain ka na jan" sabi ko at umupo na ulit sa tabi niya.

The Gap Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon