Kabanata 10- PanganibElla's POV
Nandito na ako ngayon sa aking kwarto. Noong nagulat ako na sinabi pala ni Marcus na nobya niya ako, hindi ako nakapagsalita hanggang sa natapos na kami kumain at umalis na si Julio para umuwi sa kanilang bahay.
Naalala ko tuloy yung sa palengke! Hindi naman totoo yun ah. Acting lang naman yon. Tsaka ba't niya sinabi sa kapatid niya? Pano pag nalaman ng Dad niya diba? Di naman imposible mangyari yon dahil kapatid niya 'to. Mukha rin namang walang alam si Rosa na di ako galing sa panahong 'to.
Sasabog na utak ko sa kakaisip! Hindi ko nga kasama si Marcus, siya parin naman iniisip ko hanggang ngayon. Hays.
Pinagpapahinga muna ako ni Rosa dahil alam niyang pagod daw ako. Feeling ko nga umaalon parin ako eh.
Nakaidlip na naman ako kanina, mga isang oras lang siguro ako nakatulog. Hindi naman ako pagod na pagod kasi sanay naman ako sa mga byahe.
Napatingin ako sa pintuan nang pumasok si Rosa. Nung nakita niya kong gising na, lumapit siya sa higaan ko at umupo sa gilid ko. Siguro nabobored na siya. Sabagay, magisa lang siya lagi dito sa bahay eh. Tas minsan lang may bumibisita sa kanya. Hindi ba siya pwedeng maggala?
"Pagod ka pa ba?" Tanong niya. Umiling naman ako bilang sagot.
"Kung ganoon, kwentuhan mo naman ako kung paano kayo nagkakilala ng aking kapatid" excited na sabi niya.
Jusko, girl version ba 'to ni Julio?
Magiimbento ba ko? Pano kung tinanong niya rin si Marcus tapos iba yung klase ng kwento na sinabi ni Marcus? Edi nabuking kami?
"Ah eh-- ikaw muna. Nahihiya pa akong ikwento dahil masyadong magulo at mahirap intindihin yung amin. Ikaw ba? May iniibig ka na ba?" Pagiiba ko ng usapan.
Wow, talino mo dun Ella!
Nakita ko na naman yung halong lungkot, saya at galit sa mga mata niya. Nagpilit naman siya ng ngiti.
"Bata pa lamang ako ay natutunan ko ng umibig. Akala ko nung una ay paghanga lamang iyon ngunit hanggang sa ako'y nagdalaga ay siya parin ang tinitibok ng puso ko. Sa Maynila talaga kami noon nakatira dahil naroroon ang trabaho ng aking mga magulang at nagaaral sa isang malaking unibersidad si Marcus samantalang pumapasok naman ako sa kumbento" panimula niya.
Ohh, so bakit nandito na lang siya sa probinsya? Dito sa San Laurena?
"Ngunit hardinero lamang siya sa aming tahanan. Matagal naming tinago ang aming pagmamahalan hanggang sa isang gabi, tunay ngang walang lihim na hindi nabubunyag dahil nahuli kami. Naglakas loob siya na kunin ang aking kamay sa harap ng aking mga magulang ngunit tulad ng aking inaasahan, pinatapon siya ng aking ama samantalang ikinulong naman ako sa aking silid" aniya.
Kaya pala. Siguro ganyan din yung iniisip ni Marcus. Na ipapatapon ako ng kaniyang ama sa oras na makita ako ng kanyang ama na nagtatrabaho sa kanila? Pero di naman kami nagmamahalan eh!
"Tinulungan ako ni Marcus na makatakas. Ipinadala niya ako rito sa probinsyang ito dahil dito rin pala pinatapon ang aking minamahal. Hindi tutol sa amin si Marcus dahil una pa lang, nasilayan niya na kung gaano kalakas at totoo ang aming pagiibigan" ngumiti siya. Yung totoong ngiti na parang naiiyak pa.
Teka, kanina pa siya kwento ng kwento pero di niya pa sinasabi yung pangalan ng mahal niya.
"Anong pangalan niya?" Tanong ko. Umiling naman siya.
Ayaw niya sabihin? Bakit?
"Hmm, edi nasaan na lang siya ngayon?" Tanong ko.
Siguro iniwan siya? Niloko siya? Saklap naman. Wala talagang forever.
BINABASA MO ANG
The Gap Between Us
Historical FictionLumilipas ang panahon, naghihintay na makamit ang tamang pagkakataon. Lumilipas ang bawat oras, naghihintay na bumalik ka sa piling ko. Siguro nga hindi na maibabalik, ngunit nagbabakasakaling maulit muli. Naulit muli, nakita kang muli, ngunit iba n...