Kabanata 39- PaalamMarcus' POV
"A-Ano ho iyon? Ibabalik niyo ako sa hinaharap?" Nalilito kong tanong.
"Oo ibabalik kita roon, ngunit hindi bilang Marcus" sagot ni Lola na mas lalong nagpagulo ng isip ko.
"Hindi bilang ako? Kung ganoon, iba ang pagkatao ko roon?" Tanong ko pa. Tumango tango naman si Lola.
"Hindi ka maaaring mabuhay sa hinaharap bilang Marcus dahil dito sa panahon na ito nabubuhay si Marcus at hindi sa hinaharap" sagot ni Lola.
"N-Ngunit paano kung hindi na ako makilala ni Ella?" Tanong ko at napalunok. Iniisip ko pa lamang ay sobrang sakit na agad ng puso ko.
"Aba'y hindi ko na problema iyon. Paano mo ba siya napaibig noon? Kung mahal ka talaga niya kung sino ka talaga, matatandaan ka niya" makahulugang sagot ni Lola. May tiwala ako kay Ella kaya dapat ay hindi ako mangamba.
"P-Paano ho ako makakabalik sa hinaharap?" Tanong ko. Ngumiti naman nang mahiwaga si Lola.
"Sigurado ka na ba riyan? Handa ka na bang isakripisyo ang lahat alang alang lamang kay Ella? Handa mo na ba talaga siyang ipaglaban sa pagkakataon na ito?" Paninigurado ni Lola. Hindi ko alam ngunit parang may pinaghuhugutan siya sa tanong niya na iyon kaya napakunot yung noo ko.
"Isa lamang po ang alam ko, at iyon ay mahal na mahal ko si Ella. Ayoko na ho magpadala sa takot, gagawin ko na ho ang lahat upang maipaglaban ang babaeng aking minamahal. Kahit gaano kabigat pa ang maging parusa, ang mahalaga ay si Ella ang kapalit" sagot ko. Tumawa naman si Lola at tumayo na. Mukhang narinig niya na ang mga salitang gusto niyang marinig.
"Osiya, maiwan na kita. Ihatid mo agad si Thalia sa bahay ng iyong kapatid bukas ng umaga, ingatan mo siya. Dodoble ang sakit na kaniyang mararamdaman kapag nalaman niya ang desisyon mo" malungkot na sabi ni Lola at naglakad na palayo.
Tinawag ko pa siya ngunit hindi na siya lumingon pa muli. Susundan ko na sana siya dahil marami pa akong tanong sa aking isip, ngunit nawala na agad siya. H-Huh? Ang bilis niya maglaho. Bigla akong kinalibutan at naalala muli yung mga horror movies na napanood ko noon.
Umiling ako at nagsimula nang maglakad pauwi. Imposible, tao si Lola. Hinawakan niya pa ako sa balikat bago siya umalis. Ngunit anong ibig sabihin niya na mas lalong masasaktan si Thalia kapag nalaman niya ang desisyon ko? Ano ba yung desisyon ko? Na makabalik ako sa hinaharap? Ni hindi nga ako sinagot ni Lola kung paano ako makakabalik sa hinaharap. Aish, ang sakit sa ulo.
Pero isa lamang ang alam ko, at iyon ay gagawin ko ang lahat upang makapiling muli si Ella. Aaminin ko, ayoko ng magkamali ngayon. Ayoko ng matulad yung nangyari noon na dahil sa mga hadlang sa amin ni Elena ay nagpadala na lamang ako na wala na talagang pagasa at hinayaan siyang lumaban magisa. Masyado akong nagpakabulag sa problema at hindi man lang ako nagisip ng ibang paraan upang magkasama kami ni Elena kahit imposible rin noon. Naging duwag pa ako dahil hindi ko man lang siya hinarap sa huling pagkakataon bago ko siya iwasan. Nagdesisyon ako magisa, hindi ko man lang inisip kung anong mararamdaman niya. Alam kong masakit iyon sa parte ko, ngunit kung tutuusin, mas masakit iyon sa parte niya.
Hindi ako magsisinunggaling, hindi ko parin naman nakakalimutan si Elena. Magkakaroon parin siya ng puwang sa puso ko. Ngunit, si Ella, siya yung babaeng minahal ko ng higit pa sa buhay ko. Siya yung babaeng gusto kong makasama sa harap ng altar. Siya yung babaeng gusto kong makasama hanggang pagtanda. At siya yung babaeng mamahalin ko panghabang buhay.
BINABASA MO ANG
The Gap Between Us
Historical FictionLumilipas ang panahon, naghihintay na makamit ang tamang pagkakataon. Lumilipas ang bawat oras, naghihintay na bumalik ka sa piling ko. Siguro nga hindi na maibabalik, ngunit nagbabakasakaling maulit muli. Naulit muli, nakita kang muli, ngunit iba n...