TGBU 19

1.1K 43 2
                                        

Kabanata 19- Mark, ang bibong bata

Ella's POV

"Ito nga pala si Mark, siya ang tumulong sakin" sabi ni Marcus.

Tiningnan ko naman yung batang lalaki na humihikab pa na nakahiga sa karton. Yung karton na hinihigaan nila, nasa maliit pa na kariton kaya nakaslouch sila pareho na natutulog kanina ni Marcus.

"Paano mo pala kami nahanap?" Tanong pa nito. I sighed.

"Sorry este pasensya na sa nangyari kanina. Hindi ko sinasadya na itaboy ka at makalimutan ka. Pasensya na kung huli na nang maala--" hindi ko pa natatapos yung sinasabi ko nang sumingit na agad siya.

"Hindi mo na kailangan humingi pa ng tawad. Hindi naman ako galit sayo, binibini. Masaya na kong naalala mo ulit ako at binalikan" sabi niya habang nakangiti. Jusq naman Marcus!

"Siya ba yung tinutukoy mo na babae, kuya?" Tanong nung batang si Mark at lumapit na samin.

Magulo yung buhok niya. Yung damit niya madumi na at parang kung san san na siya nagsususuot. Ang payat din niya at halatang gusgusin na bata.

"Oo, mark. Siya si Binibining Ella" pakilala sakin ni Marcus.

"Chicks pala 'to si Ella eh. Hi miss, ako nga pala si Mark at your service!" Pakilala ni Mark sa sarili niya. Hindi ko na napigilan tumawa ng bahagya. Ang bibong bata.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ko. Umiling naman agad si Mark.

"Naubos na agad yung kinita ko kanina pambili ng tinapay at softdrink para dito kay kuya Marcus kaninang tanghali. Parang halimaw kung kumain at daig pa yung isang taong di nakakain!" Kwento nito. Napakamot naman agad sa batok si Marcus at mukhang nahiya sa kwento ni Mark.

"Pasensya na, Mark. Gutom na gutom lang talaga ako. Sinabi ko naman sa iyong babawi ako sa susunod" sabi ni Marcus.

"Hindi naman kailangan, kuya. Nagkekwento lang naman ako dito kay Ms Beautiful" sagot naman ni Mark. Napatawa naman ako sa tinawag niya sakin.

"Halika, san mo ba gustong kumain? Libre ko" Sabi ko. Bigla naman kumislap yung mga mata ni Mark at nagtatatalon sa tuwa.

"Kahit saan, Ms Beautiful! Ayos na ako kahit sa kalenderya lang. Masasarap din naman ang mga pagkain doon" sagot ni Mark. Syempre tahimik lang si Marcus kasi wala naman siyang alam sa panahon na 'to.

"Hmm, ayaw mo sa Jollibee?" Tanong ko. Nakita ko namang mas lumaki yung ngiti niya.

"Talaga Ms Beautiful? Pero nakakahiya, mahal doon" sabi ni Mark.

Hays. Nung bata ako, never kong naisip na mahal sa Jollibee. Mura lang 'to para sakin kumpara sa mga ibang kinakainan namin na mas sosyal. Ayaw ko pa nga noon sa Jollibee kasi para sakin jologs 'to at hindi naman masasarap yung pagkain.

Pero 'tong batang 'to, ayaw niya kasi mahal daw sa Jollibee. Kahit ganito na yung buhay niya, bibo parin siyang bata. I admire him for that. Hindi ako into kids pero nagustuhan ko si Mark dahil sa murang edad, nakayanan niya ang lahat ng hirap dito sa mundo ng magisa.

Naglalakad na kami ngayon sa pinakamalapit na Jollibee. Bitbit ko parin yung maleta ko pero si Marcus na yung nagdala. Syempre, gentleman siya unlike ng mga ibang lalaki ngayon.

"Paano mo nga pala kami nahanap Ms Beautiful?" Tanong ni Mark at palundag lundag pang naglalakad.

"Nagtanong tanong ako. Sinabi nung ale sa bakery na Mark daw ang pangalan mo hanggang sa may nakarinig sakin na isang matandang lalaki na naglalako ng ice cream at sinabing alam niya kung nasaan ka. Sayang nga at nakalimutan kong itanong yung pangalan ni Lolo" sagot ko.

The Gap Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon