Kabanata 4- Gabing madilimElla's POV
Ugh! Hindi ako makatulog!
Anong oras na ba? Uso na ba yung orasan sa panahon na 'to?
Pero feeling ko mga 11pm palang. Ang dilim naman kasi tapos sobrang tahimik!
Sabi ko naman kasi dun sa isa atang katulong dito na si Imelda ata yun, wag patayin yung lampshade! Hindi kasi ako nakakatulog ng walang ilaw kahit konti.
Omg! Di niya siguro alam yung lampshade? Ano ba tagalog dun? Hirap naman kasi eh grr.
Tsaka ayoko ng sobrang tahimiiik!! Sanay akong nagpapatugtog kapag matutulog na ko. Huhuhu may cellphone na ba dito?
Hindi ko na kaya! Isang magandang way para makatulog agad ako ay papagurin ko muna sarili ko o magiinom ako.
Bumangon ako. May flashlight na ba dito?
OMG!!! DALA KO NGA PALA YUNG PHONE KO! I think? Nasa bulsa lang yon ng jacket ko! Nakalimutan ko! Aissh!
Kasoooooo
Binigay ko nga pala kay Marcus yung mga damit ko. Sabi niya, siya muna magtatago kasi iisa lang yung cabinet ng lahat ng mga katulong dito at walang ibang pwedeng makaalam na galing ako sa ibang panahon.
San ko hahanapin yung kwarto ni Marcus?!
Tsaka hello! Ang dilim dilim! Pano kung madapa ako?!
Well, may naaninag naman ako kahit konti kasi kanina pa nagadjust yung mga mata ko sa dilim.
Aish bahala na! Kaya ko 'to! Fighttiiing!!
Dahan dahan akong naglakad at lumapit sa pader para may guide ako. Lumabas na ko sa kwarto ko. Dahan dahan ko lang naman yun sinarado.
Sabi nung Imelda, ngayong gabi lang daw ako matutulog magisa doon. Bukas, sasamahan niya na ko doon kasama pa ang isang katulong.
Ayoko pa namang may kasama sa kwarto!
Naglakad ako ng dahan dahan. Minemake sure ko na walang sound yung mga yabag ko. Sure akong tulog na ang mga tao dito. Ganun parin naman sa mga probinsya diba? Old style parin sila. Maaga parin sila natutulog.
So sure akong maaga rin natutulog yung mga tao sa panahon na 'to. Tingnan mo nga si Marcus eh, hindi uso sa kanya yung eyebags!
Hmm, nasa first floor yung kwarto ko. Nasa second floor for sure yung kwarto ni Marcus.
Omaygaaash!
Muntik na ko gumulong sa hagdan aaaaaaaa!
Kundi lang talaga ko nakahawak! Kasi naman! Namali yung akyat ko! Aish!
Pagdating ko sa second floor, wow buti pa dito may ilaw yung mga lampshade.
Samantalang sa baba ang dilim dilim!
Okay, left or right?
Right. 'Cuz im always right! Doon tayo sa tamang daan BWAHAHAHA.
Naglakad na ko ng dahan dahan hanggang sa nakakita ako ng medyo nakabukas na pinto sa isang room. Sumilip muna ko ng slight then sumilip na ko ng full. Hanudaw? Charot!

BINABASA MO ANG
The Gap Between Us
Fiction HistoriqueLumilipas ang panahon, naghihintay na makamit ang tamang pagkakataon. Lumilipas ang bawat oras, naghihintay na bumalik ka sa piling ko. Siguro nga hindi na maibabalik, ngunit nagbabakasakaling maulit muli. Naulit muli, nakita kang muli, ngunit iba n...