Kabanata 33- PaalamElla's POV
Isa lang masasabi ko, ANG DAMING TAO.
"San mo gusto pumunta?" Tanong ni Marcus. Napangiwi naman agad ako dahil hindi ko rin alam kung saan kami pupunta.
Ituturo ko sana yung mga palaro kaso napakadaming tao, mamaya nalang. Kaya tinuro ko yung caterpillar ride. Doon muna kami kasi kumpara sa ibang rides, ito yung mas maunti yung pila.
"Gusto mo?" Tanong ko kay Marcus pagkatapos niya bumili ng ticket para saming dalawa. Bumili kasi ako ng cotton candy habang nabili siya ng ticket.
Kumuha naman siya ng konti sa cotton candy ko at napangiwi.
"Ang tamis" sabi niya kaya napatawa ako.
"Ang sarap kaya!" Bawi ko.
"Hindi ko naman sinabing hindi masarap, sabi ko ang tamis" pahiwatig niya kaya inirapan ko nalang siya. Oh edi siya na!
"Tara na" yaya ko sa kanya nang kami na yung next na papasok dun sa caterpillar ride. Pumili na kami nang sasakyan at umupo na. Halos mapatawa naman ako nang todo kapit siya sa hawakan.
"Pfft. Okay ka lang?" Sabi ko habang pinipigilang matawa.
"O-oo pero mahal ko, sigurado ka bang hindi tayo mapapahamak dito? Baka tumalsik tayo" sabi niya kaya natawa na talaga ako.
"Ano ka ba! Wala pa 'to sa ibang rides 'no. Kumbaga easy lang 'to compared dun sa mga nasa Enchanted Kingdom na rides o kahit san na mas malulupet pa" sabi ko.
"Enchanted Kingdom?" Tanong niya.
"Oo, maganda doon. May mga rides din doon pero mas malulupet pa" sagot ko. Napatango tango naman siya. Magsasalita pa sana siya pero unti unti nang umandar itong caterpillar ride na 'to.
"Whooo!" Sabi ko habang nakataas yung dalawang kamay ko. Naririnig ko rin namang sumisigaw din yung iba.
"M-Mahal, kumapit ka b-baka tumalsik ka" sabi ni Marcus habang kapit na kapit sa hawakan.
"Ano ka ba, hindi tayo tatalsik. Ikaw yung gumaya sakin. Sumigaw ka para mas lalo ka magenjoy!" Sabi ko habang natawa. Nakita ko namang nagalinlangan siya pero sinunod niya parin naman yung sinabi ko kahit mukhang labag sa loob niya.
Unti unti niyang tinanggal sa hawakan yung isang kamay niya na nakahawak sa hawakan samantalang nakahawak parin sa hawakan yung isa niyang kamay. Pagkatapos ay sumigaw din siya katulad ko.
Hanggang sa unti-unti nang bumagal yung takbo nitong caterpillar ride, tapos na agad? Ang bilis naman! Pero halatang nagenjoy si Marcus dahil kahit nakababa na kami sa caterpillar ride ay nakangiti parin siya.
"Tara doon naman tayo" yaya niya sa horror train. Aayaw sana ako pero hinila niya na ko papunta doon sa pilahan ng ticket.
"Corny naman yan, for sure hindi nakakatakot" bulong ko kay Marcus.
"Hayaan mo na, sasakyan parin naman natin lahat ng rides dito" sagot niya at ngumiti kaya napatahimik nalang ako. Sabagay, at least kasama ko ngayon si Marcus.

BINABASA MO ANG
The Gap Between Us
Ficción históricaLumilipas ang panahon, naghihintay na makamit ang tamang pagkakataon. Lumilipas ang bawat oras, naghihintay na bumalik ka sa piling ko. Siguro nga hindi na maibabalik, ngunit nagbabakasakaling maulit muli. Naulit muli, nakita kang muli, ngunit iba n...