TGBU 17

1.2K 34 3
                                    

Kabanata 17- Condo Unit

Ella's POV

"Ella! Nanjan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap! Why didn't you tell me na magccr ka? Napagalitan pa tuloy ako ni Ma'am Tinnie!"

Wait, what? Lumingon ako kay Airah na mukhang kanina pa naghhysterical. Ahh siya nga pala partner ko ngayon sa lecheng tour na 'to sa museum.

"Halika na. Naroon sila" yaya niya sakin. Tumango naman ako at susunod na sana nang mapatingin ako sa harapan ko.

Ang natatandaan ko lang ay nagpaalam akong magccr kasi bored na ko kaya naglibot libot na ko on my own. Hindi ko napansin na dito na pala ko napadpad.

Marcus Enrico Gallarte

Tinitigan ko naman ng maigi yung painting niya, he looks familiar. Parang kilala ko siya kahit napakaimpossible. Hindi ganun kadetailed yung itsura nung guy sa painting pero halatang gwapo. Tsaka parang nakakatempt basahin yung libro na nasa harap ng painting niya. Wala namang harang na nakalagay or note na bawal basahin. Should I open it?

"Ella, kanina pa talaga tayo hinahanap. I know na hindi mo naman talaga ginustong sumama sa tour na 'to pero mabuti sana kung ikaw lang ang mapapagalitan kaya let's go!" Inis na sabi sakin ni Airah at hinigit na ko.

Wala na kong choice kundi sumunod sa kanya, naiintindihan ko rin naman siya. Although hindi naman kami close.

Nagpatuloy yung boring na tour pagbalik namin. Nagkunlari nalang ako na nakikinig kahit hindi naman talaga. Sabi ni Ma'am Tinnie na incharge samin ngayon, kung wala daw talaga akong interest, at least magpretend nalang daw ako na nakikinig or else isusumbong niya na daw ako kay Mom kapag may ginawa pa kong kalokohan.

It's so childish pero I need to behave para makuha ko na yung condominium na ibibigay nila sakin. Tsaka para matapos na rin 'tong boring na tour na 'to. Mabilis naman yung oras pero nakakainis kasi feeling ko ang bagal bagal ngayon.

Why do I have this feeling na parang may nakalimutan? Nandito naman yung phone ko at ibang mga paraphernalia. Gutom lang siguro 'to.

Pagkatapos namin magtour sa museum, maglulunch lang kami then off we go! Bahala na kami kung san kami pupunta after.

"B-Binibining Ella?"

I saw a man na nakatayo sa di kalayuan. Iniintay nalang namin yung bus namin para madala kami dun sa kakainan namin. What did he just call me?

"Ikaw ba yung tinawag nung guy na yun?" Tanong sakin ni Airah habang nakatingin din dun sa lalaki na nakatingin sakin.

"I don't know" sabi ko at nagkibit balikat. Baka one of my fans, char!

Hindi ko na dapat siya papansinin pero nilapitan niya ko. What's with his outfit? Businessman ba siya? Nakasuot siya ng tux na black and white na pangloob pero mahaba ito at mukhang lampas pwet pero above the knee parin naman, mukha siyang coat tingnan. Nakaslacks rin siya pati nakablack shoes. Medyo weird yung hairstyle niya pero pwede na rin. May itsura siya kaya nadadala na rin niya.

"I-Ito na ba ang sinasabi mong kasalukuyan na panahon? Paano ka nakabalik?" Tanong niya pagkalapit sakin. Napakunot naman agad ako ng noo. He looks familiar. Very familiar.

"What? Anong sinasabi mo? And uhm, do I know you?" Weird ko na tanong sa kanya. Sino ba siya?

"Pasensya na binibini ngunit alam mong hindi ako nakakaintindi ng wikang Ingles" sagot niya.

Pfft. Ba't siya ganan magsalita? And what? Hindi siya marunong magenglish? Tiningnan ko naman agad siya mula ulo hanggang paa. Mukhang hindi naman siya mahirap?

The Gap Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon