Kabanata 16- Pasko
Ella's POV
"Magandang umaga. Kumain ka na" bungad ni Ate Rosa nang mapadaan ako sa kusina.
Kagigising ko lang. Nawalan ata ako ng malay kahapon pagkatapos ko magkaroon ng weird scenes sa isip ko.
"Maayos na ba yung pakiramdam mo? Nagluto ako agad pagkagaling sa simbahan dahil alam kong magugutom ka. Hindi na kita ginising kagabi upang makapagpahinga ka" sabi pa ni Ate Rosa at naglagay ng pagkain sa hapagkainan.
Umagang umaga, kamote yung nakahanda. Huhu.
Nagtimpla naman ako ng kape at kumuha na ng konting kamote para makakain na. Tumutunog na yung tiyan ko sa gutom kaya pwede na 'to pampalipas gutom.
"Maraming salamat" sabi ko kay Ate Rosa at ngumiti.
Hays. Kung totoong ate ko lang talaga siya. Sobrang saya ko na kasi since childhood ko, may sweet at caring agad ako na sister. Well, hindi rin naman nasusukat sa dugo yung pagiging family.
Oo nga pala, gusto kong maligo dun sa lawa. Wala lang, malinis yung tubig eh. Nakakatempt maligo kahapon kaya maliligo ako ngayon! Excited na ko hihi.
Kaya pagkatapos ko kumain, nagpalit na agad ako sa kwarto. Sinuot ko yung underwears ko pati yung white tshirt at shorts ko. In short, yung damit ko nung nakapagtime travel ako dito. Lalabhan ko nalang pagkatapos(papaturo nalang ako kay Ate Rosa)
Mabilis pero maingat akong umalis sa bahay para hindi ako makita ni Ate Rosa. Sanay naman ako tumakas sa bahay noon para magclub or whatever kaya easy nalang sakin lumabas ng bahay nang patago.
Dinala ko na rin yung baro't saya ko para magpapalit na ko mismo dun. Base dun sa kahapon, walang katao tao doon kaya pwede naman siguro akong magpalit doon.
Pagkarating ko roon, kitang kita ko pa yung sunrise. Mga 6am palang siguro.
Hinubad ko yung white shirt ko, eto yung pangpupunas ko sa katawan ko pagkatapos. Nalimutan ko magdala ng pamunas kasi nagmamadali na ko. Baka mahuli ako ni Ate Rosa na iba yung suot eh. Wala rin namang ibang tao ngayon kaya pwede naman siguro.
Feeling ko kina Ate Rosa 'tong lawa na 'to. Nasa likod lang ng bahay niya eh. Well, not totally nasa likod lang pero maglalakad ka lang ng konti.
"Shet ang lamig!" Sabi ko nang tuluyan na kong lumubog sa tubig.
Ghad! Namiss ko magswimming!
Hindi rin naman ako hahanapin ni Ate Rosa kaya pwede akong magtagal saglit. Nagpaalam ako kay Ate Rosa bago umakyat sa kwarto para magpalit na magpapahangin lang muna ako sa labas. Pumayag naman siya sooo yay!
I'm not good at swimming at tanging floating lang ako magaling. Sobrang nakakarelax kaya humiga sa tubig tapos nakapikit ka pa habang dinadamdam yung medyo mahangin na paligid. Idagdag mo pa na hindi pa masakit sa balat yung sikat ng araw ngayon.
Sa pool lang ako nagffloating at hindi sa dagat. Feeling ko maaanod ako sa malayo kapag nagfloating ako dun. First time ko lang din ngayon magswimming sa lawa.
About yesterday, tingin ko alam ko na yung sagot sa sinabi ni Lola sakin. Yung isipin ko raw kung ano raw ba ginawa ko kay Marcus para maging ako si Elena. I think it was the kiss. Yung hinalikan ko siya noong natutulog siya para kunin ko yung phone ko sa tabi niya.
Tsaka ngayon ko lang ulit naalala na pagkatapos ko siyang halikan, 'Elena' agad yung sinabi niya pagkagising niya. Pero wala naman siyang sinabi about dun sa halik eh! Gising ba talaga siya nun or not?

BINABASA MO ANG
The Gap Between Us
Narrativa StoricaLumilipas ang panahon, naghihintay na makamit ang tamang pagkakataon. Lumilipas ang bawat oras, naghihintay na bumalik ka sa piling ko. Siguro nga hindi na maibabalik, ngunit nagbabakasakaling maulit muli. Naulit muli, nakita kang muli, ngunit iba n...