Kabanata 38- Pangalawang pagkakataonElena's POV (flashback)
"Elena, sigurado ka ba riyan?" Tanong ni Esmeralda at halata sa kaniyang mga mata ang pagaalala. Ngumiti naman ako at hinawakan ang kaniyang mga kamay.
"Huwag ka magalala, magiging ayos din ako. Hindi ko lamang talaga kayang itago pa ang sakit na aking nararamdaman. Hindi ko na kayang makita pa silang dalawa na laging magkasama" sagot ko at halata pa ang pait sa aking boses. Hinawakan naman ni Esmeralda yung kamay ko pabalik.
"Alam kong iyan talaga ang makakabuti sa iyo ngayon kaya wala na akong magagawa pa. Bibisitahin na lamang kita sa inyong probinsya kapag nakahanap na ako ng pagkakataon" sabi ni Esmeralda kaya napangiti ulit ako at niyakap siya.
"Maraming salamat sa lahat lahat, Esme. Hindi kita makakalimutan, isa kang tunay at tapat na kaibigan. Masaya ako dahil nakilala kita" sabi ko at bumitiw na sa yakap. Natawa naman siya at napailing iling.
"Sige na, umalis ka na para makarating ka na agad sa inyong tahanan sa probinsya. Magiingat ka. Sigurado ka bang hindi ka na magpapahatid kay Cosme?" Tanong niya pa. Umiling naman ako at kinuha na ang mga gamit ko upang makaalis na.
Napabuntong hininga na lamang ako at ngumiti ng tipid habang huling beses na tinitingnan ang mansyon. Siguradong tulog pa sila Señor at Señorita. Hindi na rin ako nagpaalam pa kay Marcus dahil ayokong abalahin pa siya. Hindi niya alam ang pagalis ko ngayong araw, ngunit nagiwan ako ng liham para sa kanya. Ibibigay na lamang iyon ni Esmeralda mamaya.
"Paalam" bulong ko at tumalikod na sa malaking mansyon upang tuluyan ng makaalis.
Bakit ganoon? Aaminin ko, minsan hindi ko maiwasan isipin kung bakit na lamang ganito kasakit kapag ikaw ay nagmamahal. Bakit kailangan maging mahirap pa ang mga bagay kung nagmamahal ka lang naman? Hindi naman natin sinasadya na tumibok ang ating puso, wala naman itong pinipili na tao kung sino ang iyong iibigin. Madalas ay kung sino pa ang hindi mo maaaring makatuluyan, sa taong iyon ka pa nahuhulog. Napakagulo ng mundo, hindi ba?
Mas gusto ko na lamang isipin na kasalanan ko kung bakit hindi kami magkakatuluyan ni Marcus. Mas madaling umalis kung ganoon ang aking iisipin. Dahil kung sisisihin ko pa siya, pagod na akong umiyak at umasa na magkakatuluyan parin kami. Kahit hindi man natupad ang mga pangako namin sa isa't isa, masaya na akong naging malaking parte siya ng buhay ko. Masaya na akong nakapiling ko siya kahit sa ilang mga sandali. Masaya na akong minahal din ako ng isang Marcus Enrico Gallarte.
"Oh, iha. Saan ang iyong tungo?" Napatigil ako maglakad nang makakita ako ng isang matandang babae, si Lola pala. Ngumiti naman muna ako bago sumagot.
"Uuwi na ho ako sa aming probinsya" sagot ko. Halata namang nagulat siya sa aking sinagot.
"Maaari ko bang malaman kung bakit? Aba'y parang kailan lang noong huli ko kayong nakita ni Marcus na masayang magkasama ah" nagtataka na sabi ni Lola.
Hindi ko na napigilan na yakapin si Lola pagkatapos niyang sabihin iyon. Unti unti na rin lumabas yung mga luha ko na kanina ko pa pinipigilang huwag lumabas at humihikbi na rin ako. Madalas namin makasalubong si Lola kapag tumatakas kami ni Marcus sa mansyon nang magkasama. Palagi niya kaming pinupuri dahil nakikita niyang totoo talaga ang aming pagiibigan.
"Halika, gusto mo ba muna pumunta sa aking bahay? Pagusapan muna natin iyang dinadala mo sa dibdib mo" yaya ni Lola habang magkayakap parin kami.
Unti unti naman akong tumango at pumayag na rin sa kagustuhan niya. Mukhang kailangan ko muna itong ilabas dahil hindi ko na talaga kayang magmukhang matapang. Sobrang sakit na tipong gusto ko na tanggalin ang puso ko upang wala na akong maramdaman pang sakit. Nagkwento na ako noon kay Esme ngunit pinakita ko parin sa kanya na kaya ko pa para hindi na siya magalala pa kahit ang totoo ay gabi gabi akong tahimik na umiiyak dahil sa sakit na aking nararamdaman.

BINABASA MO ANG
The Gap Between Us
Historical FictionLumilipas ang panahon, naghihintay na makamit ang tamang pagkakataon. Lumilipas ang bawat oras, naghihintay na bumalik ka sa piling ko. Siguro nga hindi na maibabalik, ngunit nagbabakasakaling maulit muli. Naulit muli, nakita kang muli, ngunit iba n...