TGBU 11

1.3K 47 6
                                        


Kabanata 11- Cowards

Ella's POV


"Ella, gumising ka na. Unang araw ngayon ng misa de gallo kaya't kailangan na natin maghanda"


Rinig kong sabi ni Rosa at marahan akong tinatapik sa balikat. Misa de gallo? Ano yun?



"Inaantok pa ko" sabi ko habang nakapikit pa.


Nakakainis! Bakit ba ang aga aga gumising ng mga tao sa panahong 'to?



Dumilat ako ng kaunti, ni hindi pa nga sumisikat yung araw! Anong oras na ba?



"Naiintindihan ko kung ika'y pagod pa. Sige, ako na lamang ang pupunta sa simbahan magisa. Hindi ko kayang palagpasin na may makaligtaan akong araw sa siyam na araw sa misa de gallo kaya't maiwan muna kita rito magisa" rinig kong sabi niya at mukhang tumayo na siya sa pagkakaupo sa kama.



Siyam na araw? Simbahan?



Ay shet! December na nga pala! So misa de gallo means simbang gabi?


Hindi ko alam pero bigla naman akong naguilty. Nakatulugan ko na pala siya kagabi. Kagabi kasi nung iniwan ko sila ni Julio sa baba para magusap, di ko namalayan na nakatulog na ko. Nagising nalang ulit ako ngayon. Ako yung nagmotivate sa kanya makipagusap kay Julio pero pinabayaan ko lang siya kagabi!


Tapos ngayon, pupunta siya magisa sa misa. Lagi nalang siya magisa. Imagine, dalawang taon niyang nakaya yun! Well, siguro naman may mga friends siya kahit papano diba?


Pero kahit na. Only child ako kaya alam ko yung feeling na magisa. Na kahit may friends ako, iba parin yung kapag may kapatid ako na sasamahan ako para magshopping, magparty, kasama ko sa mga kalokohan ko sa buhay, yung pareho naming aapihin yung nangaapi samin, at kung ano ano pa.


Hindi ko kasi alam kung may totoo ba kong kaibigan. Pakiramdam ko rin kasi nakikipagclose lang sila sakin dahil mayaman ako or famous ako. Famous ako sa mga kalokohan ko pero famous din ako sa kagandahan ko kaya maraming girls ang naiinggit sakin dahil nagugustuhan ako ng mga crush nilang lalaki.

Aba, kasalanan ko bang tulog sila nung nagpaulan ng kagandahan si Lord?

Kaya ayon, kahit inaantok pa ko ay bumangon na ko. I feel guilty, kahit hindi pa kami ganun kaclose ni Rosa. Pero kahit nga di pa kami close, nakapagopen up na agad siya sakin kagabi. And that means something to me. Feeling ko may tiwala na agad siya sakin. Parang ang gaan and masarap at the same time sa feeling.



Nabigla naman si Rosa nung nakita niya kong nagaayos pero napangiti siya. Lumabas kasi siya saglit kanina.


"Sigurado ka ba na sasamahan mo ko? Alam kong pagod ka pa kaya hindi na kailangan" sabi niya pa pero hindi iyon ang nakikita ko sa mga mata niya. Halatang masaya siya na may kasama na siya.

"Gusto ko rin naman umattend este makapagsimba" palusot ko nalang.

Anong tagalog ng umattend?

Aaminin kong hindi naman ako palasimba na tao. Mas gugustuhin ko pang magshopping nalang sa weekends kesa magsimba. Pero nirerepesto ko parin naman ang Panginoon. May pagmamahal parin ako para sa kanya. I feel guilty na rin ulit dahil hindi ko na matandaan kung kailan ako huling nagsimba.



"Ang ganda mo" sabi niya sakin pagkatapos niya ayusin into bun yung buhok ko.


Ngumiti nalang ako. Gusto ko sana sabihing 'I know' pero nahiya naman ako.


The Gap Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon