TGBU 29

988 35 2
                                    

Kabanata 29- We're back

Marcus' POV

Nasaan ako?

Sobrang dilim. Kanina pa ko naglalakad dito sa madilim na kalsada. Bakit walang katao tao? Paano ba ako napunta rito?

Napatigil ako nang may nakita akong babae na nagkakalkal ng basura sa gilid. Tumingin siya sakin kaya nabigla ako. Nakakatakot siyang tumingin at sobrang dungis na ng kaniyang mukha. Magtatanong sana ako sa kanya ngunit inunahan na niya akong magsalita.

"Anong ginagawa mo rito?!" Sigaw niya. Napakunot naman agad yung noo ko.

"H-Hindi ko rin alam kung bakit ako naririto. Naliligaw yata ako" sagot ko. Tumawa naman siya at iniwan muna yung mga basura na kinakalkal niya kanina.


Bakit parang pamilyar siya sa akin? Saan ko nga ba siya nakita?


"Bumalik ka na kung saan ka dapat nararapat. May kailangan ka malaman!" Mariin na sabi niya habang papalapit siya sa kinaroroonan ko. Hindi ko alam kung aatras ba ko o hindi dahil nakakatakot siya tumingin.

"Naiintindihan mo?! May kailangan ka malaman!" Sabi niya at bawat pagbanggit niya ng mga salita ay may diin habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Naabot niya ang aking kinatatayuan kaya't nahawakan niya ako sa magkabila kong braso.

"Hindi ko kayo maintindihan. Ano ang kailangan kong malaman?" Tanong ko. Tumawa na naman siya. Anong nakakatawa?

"Kailangan mo bumalik! Hinihintay ka na niya! Hindi mo siya matatakasan! Tandaan mo iyan!" Sabi niya habang niyuyugyog yung braso ko. A-Ano bang sinasabi niya? Bumalik saan?


Unti-unting sumakit yung ulo ko at nasilaw dahil biglang lumiwanag yung babaeng nasa harapan ko. Hanggang sa sinakop ng liwanag yung buong paningin ko at nakita ang babaeng aking minamahal.



Ella's POV

"Ang tagal mo magising ah? Hindi naman ako nainform na mantika ka rin matulog!" Sabi ko nang makitang dumilat na ng konti si Marcus.

"Ano na? Tutulala ka nalang ba jan? Dalian mo na, sasakay na tayo sa barko!" Sabi ko pa at pumitik sa harapan niya para makabalik siya sa realidad. Effective naman kasi tumingin na siya sakin at parang may narealize.

"P-panaginip lang pala" bulong niya sa sarili na hindi ko masyado narinig.

"Ano yon?" Tanong ko at sinuot na sa likod yung backpack ko.

"W-Wala iyon. Tara na" sagot niya at tumayo na pero halatang pinipilit niya lang kalimutan yung bumabagabag sa kanya. Nacucurious tuloy ako.

After four hours, sa wakas nakarating na kami sa pier para sumakay ng barko. Dun kasi sa baba yung bus at kailangan umakyat sa taas yung mga pasahero. Ayoko namang magstay sa bus 'no!

Nang makarating na kami sa itaas na part, maraming tao. Marami rin kasing umuwi sa kani-kanilang probinsya dahil magpapasko kaya ayun.

"Gusto mo?" Alok ko kay Marcus dahil nagbukas ako ng isang honey butter. Fave ko kaya 'to!

Kumuha siya at binalik na muli yung tingin sa tanawin. Mas marami pa kaming makikita na mga islands mamaya kapag umandar na yung barko. Nakakaginhawa talaga sa feeling kapag tinitingnan mo yung dagat. Well, para sakin.

"Akala ko umunti na talaga yung mga puno. Natutuwa ako na marami parin naman sila kahit papano" sabi ni Marcus kaya napatawa ako.

"Syempre naman 'no. Sa Manila lang talaga maunti na kasi centro yung Manila kaya marami ng mga establishments imbis puno" sagot ko. Napatango tango naman siya.

The Gap Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon