Chapter 3

39 3 1
                                    

Norrain’s Post via IPhone:

Oh Gosh! I meet my new gadget. I’m so happy. I will name you, Acer.

Panira nga lang ang mga nakita ko. Kainis.Grrrrrr!

#OPPOSITE #acer #lovinIt

--feeling happy

 

            Everything happens for a cause kaya naman pabayaan na natin. Kung hindi ka talaga pinapansin, huwag mong pansinin. Paminsan-minsan kasi, papansinin ka lang ng tao kapag may kailangan. Kung wala na, para ka lang itatapon na parang basura. Really bites ika nga. Ikaw naman na umaasa na papansinin ka, ngayon, NGA NGA! Tulo laway pa.

            “Ang drama mo kuya! I-kain mo na nga iyan,” sabat ko sa aking kuya sabay ipinapaabot ang kanin na nasa kanan niya.

            “Ano, nakabili ka ba ng mouse. Kumusta naman?” usisa ng aking nanay.

            “Siyempre po, maganda. Ako pa!”

            “Oo nga, maganda. Pero kinain mo yung Potato Chips ko, hindi maganda!” sambat sa akin ni kuya habang iniaakmang isusubo ang unang subo sa aking pagkain.

            “Bakit kasi nakakalat?”

            “Kakainin mo na kung nakakalat,” sumbat ni kuya.

            “Tama na iyan. Para hindi kayo mag-away, nandyan sa loob ng cabinet iyong mga paborito ninyong pagkain. Ikaw, Arvin, iyong potato chips mo, ibigay mo kay Raffy. Ikaw naman, huwag mong ikakalat ang pagkain mo. Burara ka kasi,” paliwanag ng aking nanay.

            “Opo,” sagot naming dalawa.

            “Anak naman, sana kahit pinansin mo man lang iyong binata. Mukhang mabait naman. Pero ang seryoso ng mukha,” sambit ng tatay ni Norrain habang nagmamaneho pabalik ng kanilang bahay.

            “Sino? Iyon bang kumakaway sa kanya kanina?” usisa ng nanay ni Norrain sa asawa.

            “Oo. Isnab naman iyong anak mo,” sagot ng tatay ni Norrain sa tanong ng kanyang asawa.

            “Pwede ba, tumahimik na kayo. Tapos na!” sagot ko sa kanilang dalawa.

            “Anak, gwapo iyon. Istrikto nga lang ang mukha,” sambit ng kanyang nanay.

            “Aanhin mo naman ang kagwapuhan kung pangit ang ugali. Pangit pa rin siya,” sagot ni Norrain.

            “Imbitahan mo nga rin ang mga kaklase mo sa birthday mo. Dapat ko ring makilala iyang lalaking iyan. Baka naman, boyfriend mo na siya,” paliwanag ng kanyang tatay.

            “PA! Ano ba! Tama na,” sagot ni Norrain sa kanyang tatay sabay ipinasok ang earplugs sa kanyang tenga. Full Volume pa. Hindi kaya siya mabingi sa naririnig.

            “Ma, pwede na ba akong magka-girlfriend?” usisa ni kuya sa aking ina.

            “Raffy, tumahimik ka nga dyan kung ayaw mong lagyan ko ng siling labuyo ang bibig mo,” sumbat ni nanay sa aking kuya habang kinakamay ang piraso ng roasted chicken sa kanyang pinggan.

            “Papayagan kita kung apat na taon ka ng nagtratrabaho. Iyong matinong trabaho. Hayaan mo na si Arvin dahil maski hindi grumadweyt, may trabaho na. Ikaw, hindi ka pa nakakapaghanap ng trabaho. Pumasok ka kaya sa dating pinagtratrabahuan ng tatay mo sa PAG-ASA. Di bale, civil engineer ka naman at magaling sa lahat ng bagay,” dugtong ni nanay sa aking kuya.

            “Oo na. Binibiro lang naman kita,” sagot ni kuya.

            Kita mo na, mas gusto ng mga magulang na makapagtapos ang mga anak. Bakit ba kasi isinisingit ang LOVE LOVE na iyan. Mabuti pa ang LAB namin sa klase, kahit hindi isingit, sumisingit. Pero kahit ayaw namin, mabuti na ang may theory to practice na gawain.

            Ang LOVE, nasa iyo ‘yan kung susugod ka nang walang armas. Ang LOVE dapat kailangan mong itrato ng may kabigatan. Iyon bang pang-dalawang sako ng bigas, pang-dalawang bahay-kubo, o pang-tatlumpung Analog TV. Ganoon dapat kabigat ang treatment kapag LOVE ang pinag-uusapan.

            “Anong iniisip mo diyan? Gusto mo na ring mag-asawa, umalis ka na rin,” sabay batok sa akin ng aking nanay.

            “Aray naman, Ma. Hindi naman ako kagaya ni kuya. Dapat kasi ang LOVE mabigat dapat ang treatment natin. Hindi iyong padalos-dalos. Dapat may sandata ka, di ba, Ma,” sagot ko sa aking nanay na muntikan ng nabilaukan sa mga sinasabi ko.

            “Ayan, LOVE...LOVE... maghugas ka ng pinggan pagkatapos. Mamaya na ang mga assignment mo. Madali mo namang nagagawa iyan,” sagot ni nanay sabay binuhat ang kanyang pinggan matapos kumain ng hapunan.

            “Si kuya kasi. Kung ano-ano ang sinasabi.”

            “Hoy, Arvin, wala akong sinabing mag-aasawa na ako.”

            “Ate, may bago akong laptop computer. Kay nanay na daw yung laptop kong isa,” salubong na pangungutya ni Norrain sa kanyang ate.

            “Ngayon, anong ipinaglaban mo? Mabuti naman at nakuha kang ibili ng laptop para hindi mo na pinagtitiyagahan ang walang letter na keyboard mo,” sagot ng kanyang ate.

            “Pa, nagluto na pala ako ng kanin gaya ng binilin mo sa akin sa note mo sa ref,” dugtong ng kanyang ate sa kanyang tatay.

            “Kumain na tayo at maaga pa ako bukas.”

            At nagsalo-salo na nga sa biniling bucket of chicken mula sa Jollibee ang mag-anak na Belmonte.

Arvin’s group messsage sa kanyang mga kakilala, mga kabarkada, at mga kaklase:

“You can’t tell when the arrow of Love will hit you.

The answer will always come to you in unknown time.”

 

.goodEvening folks.

.rush rush before finals.

[esQUEST]

Nagtext si Patrick sa kanya at sinabing:

Uy, Norrain Belmonte!

Nireplyan naman ni Arvin ang text ni Patrick:

Kung siya din lang, malabong maging kami.

[esQUEST]

Reply ni Patrick:

Malay mo. Opposite Poles attract nga sabi ng Physics. Wake up bro. Baka siya na pala si Ms RIGHT.

#OPPOSITE: When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon