Chapter 1

58 4 0
                                    

Norrain’s Post:

 

Sabi nila, kung sino ang magkaiba ang ugali, sila ang magkakatuluyan. Hindi ko alam kung totoo pero wala naman akong patunay kung ganoon nga ba ang buhay. Alin nga ba ang totoo, ang magkaiba na nagkakatuluyan o ang magkapareha na nagkakatuluyan. #OPPOSITE

 

Arvin’s Post:

 

Hindi ko talaga maintindihan ang mundo. Kung nag-aaral ako para makapagtapos, sasabihin nila, dapat mag-relax daw ako. Kung nagrerelax naman ako, dapat daw nag-aaral ako. Ano ba talaga? Ganito ba talaga? Paano na lang kung mahahanap ko na si the RIGHT GIRL? Ganito pa rin ba ang sasabihin nila? #OPPOSITE

 

            Ito ang laging nakikita sa mga computer ngayon. Kung hindi 432,000 na like at 6789 na tweets ay HASHTAG. Oo, nga naman. Bakit nga kailangang mag-hashtag sa Facebook samantalang sa Twitter lang dapat iyon. Bakit kailangang mag-like sa Twitter kung sa Facebook lang din iyon. Baliktad ang mundo. Sabi nga nila, kung sino ang hindi magkasundo, sila pa ang nagkakatuluyan. Tignan ninyo si Twitter at si Facebook, nagkatuluyan dahil sa hashtag.

            Sa halos 500 million user ng computer ngayon at still counting, mangilan-ilan na lang ang hindi nagiging connected. Tanungin mo sila ng about like, tweet, Instagram, at iba pang connected sa social networking, may sari-saring kahulugan. Ang masama pa, nagiging spark ng iba’t ibang ‘di pagkakaunawaan.

            Sa kalahating hindi nagkakaunawaan, kalahati naman dito ang nagkakaunawaan at minsan, nagkakatuluyan. Sa pamamagitan ng e-mail, e-chat, e-nstagram, e-tweet mo na yan, at iba pang may E ay may e-nstant ligawan ng nangyayari. Isa nga sa mga ito, may e-wedding na ring ginaganap mismo sa computer. E-wan ko na lang sa kanila, malakas kasi ang trip nila Eh.

 

            “Magaling, magaling, Arvin. Excellent work,” pinalakpakan ni Mr. Matalo, ang kanilang Filipino instructor, ang presentation ni Arvin tungkol sa paksang social media.

            “Sana, ganito ang mga gawa ninyo. ‘Yung may UHMP factor... UHMPmaapoy sa ganda. Excellent! Excellent!” bulalas pa ng instructor sa kanyang klase.

            “Ano naman kayang maganda dun,” sambit ko sa sarili habang papunta sa’king inuupuan.

            “’Tol, nice work,” tinapik ni Patrick ang aking balikat. Si Patrick lang naman ang kaisa-isa kong kaibigan sa klase. And guess what, ang tingin kasi nila sa akin, kaaway.

            KALABAN, ‘yan ang turing ng aking mga kaklase kapag nakikita nila ako. Hindi naman dahil sa cold-blooded akong makisalamuha kundi hindi ko lang talaga hilig makipag-socialize. Kaya nga noong ginagawa ko ang aking presentation, ‘ayun, may emotional factor para sa akin.

 

            “Alam naman kasi natin na sa bawat sampung tao sa ating mga pinapasukang paaralan, may tinatawag silang malamig makisalamuha/cold ones. Sila lang naman ang hindi nakikisalamuha sa ibang tao. Kung makisalamuha man, hindi pa gaanoong sincere. Kaya naman, base sa aking research or I would say findings sa mga datos na nakuha ko, “40% ng mga estudyante sa mga paaralan ay hindi nakikisalamuha ng personal, at 60% ng mga estudyante dito ay nakikisalamuha. Sa 40% na hindi nakikisalamuha, almost 80% ng mga ito ay nagkikipag-interact sa mga social networking sites at 20% naman ng mga ito ay talagang hindi nakikipa-interact sa kahit ano. This is my findings and conclusion to my research study,” paliwanag ni Norrain sa kanyang tatlong panel.

#OPPOSITE: When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon