Arvin’s Post:
Day 5 of 10: Operation Affection
Ano na? Hindi ko pa siya nakikita?
Ano na kaya ang nangyari sa kanya?
I hope that everything is okay. I pray for the best.
#OPPOSITE #vagueLOVE
--feeling confused
David’s Comment on Arvin’s Post:
Dahil ba ito kay GIGACHIP. Ibinigay ko na kay Norrain noong lunes. I hope nakuha mo na. Salamat bro.
Arvin’s Comment on David’s Comment:
ANO! Binigay mo kay Norrain yung flash drive ko. Kaya pala nauntog siya sa pader kahahanap sa akin. I’ll get it if I saw her later.
At umani ng 50+ like ang comment na iyon ni Arvin.
“Mga baliw. Kailangan ko nang makuha yung flash drive ko. I need that for some personal purpose.”
“Arvin, kakain na. Kailangan mo nang bumangon diyan!” bulalas ni mama sa loob ng aking kwarto. Ganito ang karaniwang scenario sa bahay. Si mama ang siyang nagiging biological clock ng lahat. Maski kapit-bahay, magigising ng maaga kaya naman kung lalabas sila, nangingitim na ang ibaba ng kanila mga mata. In other words, na-zombiefied na. Pero buhay pa sila at natiis kaming mag-anak. Wala pa namang nagpa-barangay sa amin kahit papaano.
“Ma, okay lang bang huwag pumasok ngayon?”
“Ha! Bumangon ka na. Iyan ba ang summa cum laude. Mag-isip ka nga!”
“Sige na nga, para sa iyo. Si kuya pala, dumating na?” usisa ko sa aking ina habang naghihilamos.
“Oo, kagabi pa. Pagod sa trabaho,” sagot ng aking nanay habang inaayos ang mga kurtina sa loob ng aking kwarto.
May trabaho na pala si kuya. Buti naman at natauhan na siya ng ilang taon. Magandang balita para sa isang magandang araw. Sana magtuloy-tuloy.
“Good Morning, Mr. Esquerra,” ito ang bati sa akin ng aking mga kaklase makaraang pumasok ako sa isang seminar na tampok ang propesyon ko. “Ang popormal naman ninyo. Pwedeng Arvin na lang?” sabay umupo sa isang bakanteng upuan.
Lumingon-lingon ako, at nakita kong wala ulit siya. Masama na ang kutob ko. Hindi na yata normal na hindi siya pumasok ng isang linggo. Kailan pa siya nagkaroon ng lisensya na mag-absent? I always wonder. Kaya naman pagkatapos na pagkatapos ng seminar na ito, magpapasama ako kay Monica para pumunta sa bahay nila. Malay mo, makatulong ako.
“Hinahanap mo si Norrain?” usisa ni Monica sa akin. Napatigil ako sa paghinga, mga limang segundo lang naman. Ayokong magdeny sa mga kinikilos ko kaya, “Oo. Miss ko na yung nangaasar sa akin. Miss ko na yung nambwibwisit sa akin.”
“Hindi na kasi kumpleto ang linggong ito na hindi ko siya nakikita. Honestly, kahit magkaaway kami, naging malapit na rin siya sa akin. Alam mo ba ang bahay niya?” usisa ko kay Monica.
“Pupuntahan ko siya mamaya pagkatapos ng seminar. Maki-join ka na lang sa akin.”
“Sige.” Atat na akong matapos ang isa na namang boring na seminar sa linggong ito. Sa halos limang araw na pumasok ako sa university, perfect 10 ang rating ko sa mga seminar na ito kung pag-uusapan ang salitang BORING.
BINABASA MO ANG
#OPPOSITE: When Love and Hate Collide
Ficção AdolescenteNorrain's Post: Sabi nila, kung sino ang magkaiba ang ugali, sila ang magkakatuluyan. Hindi ko alam kung totoo pero wala naman akong patunay kung ganoon nga ba ang buhay. Alin nga ba ang totoo, ang magkaiba na nagkakatuluyan o ang magkapareha na nag...