Hindi nagbago ang baccalaureate mass. Siyempre, maiinit at maraming tao. Hindi na rin kakayanin ng exhaust fan dahil sa labas naman ang buga ng hangin na talaga namang sa labas. Hindi rin nagtanda ang mga tao dahil ang damit nila’y pagkainit-init. Kaya naman sinabi ko kay mama na dapat cotton ang idamit. Huwag ding magkolorete dahil wala namang silbi.
Natapos na ang baccalaureate mass. Excited na ako sa mga mangyayari. Nagpalit na ako ng damit dahil talagang nagpadala ako kay mama ng extra. Mahirap maligo sa pawis dahil nakakadiri. Nagpaalam na ako kay mama at siyempre, pinayagan na niya ako. Walang magawa eh, mapilit ako.
Ako na ang excited sa mga mangyayari. Ako na ang “sasagutin daw” mamaya. Hindi ko alam ang mga mangyayari hanggang sa makarating na ako sa meeting place na sinabi ko sa letter. Pero alam mo ang mas nakakabigla, nandoon na si Norrain.
Bago mag-umpisa ang lahat, ito ang laman ng love letter ko,
Dear No Rain,
Ang ganda ng pangalan, walang ulan. Hindi, biro lang. Sana hindi ka natawa kasi ako nakokornihan. Anyway, kilala mo na siguro ako, introduction pa lang ng sulat na ito.
Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Ayokong sabihin na gusto kita kasi mahirap na baka ang gusto kong iyon ay mawala sa iyo balang araw. Ayoko ring sabihin na I love you kasi napaka-selfish ng sentence. Parang nagbibigay command na maging possession kita. Pero ito ang gusto kong sabihin sa iyo, MAHAL KITA.
Mahal kita kahit na lagi tayong magkaaway sa academics. Mahal kita sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Nagpapaka-pa-simple moves ako sa loob ng 10 araw. Unang limang araw, wala ka pero hindi ako napanghinaan ng loob. Sa loob ng huling apat na araw, pa-simple lang akong nanliligaw. Ayokong sabihin ito sa ganitong paraan dahil baka batuhin mo ako ng mas makapal na BIOLOGY book. Pero isa lang ang totoo, MAHAL kita.
Hindi ako maghihintay ng ano mang sagot sa araw na ito pero magkita tayo pagkatapos ng misa sa graduation. Doon mo ako sintensyahan. Kung hindi ka pa handa, at naroon ako sa lugar, okey lang, wag kang magpakita. Kung naroon ka sa takdang oras at araw na sinabi ko, alam kong may desisyon ka na.
Tama na, verbose na ang ginagawa ko. Direct to the point naman siguro. I-edit mo na at baka may grammar flaws.
-niRvAnna
“Sorry at nahuli ako. Kanina ka pa ba?”
Pinalakpakan niya ako. Well, as a sign of no grammar errors sa ginawa ko. Pero nakakapagtaka ang mga kinikilos niya, may nangyari ba sa kanya o sinapian ulit ng mangkukulam.
“I WON. I REALLY WON!” bulalas ni Norrain sa mala-demonyitang tono.
“Sa lotto. Pabalato naman,” biro ko sa kanya.
“HINDI, baliw!”
“Eh saan?” usisa ko sa kanya.
“Of falling in love in me. Well, kung akala mong nadaan mo ako sa pa-simple moves mo, nagkakamali ka,” sumbat nito sa akin.
Natahimik ako at tinitigan siya sa mga ginagawa niya. Umupo siya at saka nagpaliwanag. “Natatandaan mo ba last week noong nauntog ako. Nauntog lang naman ako dahil nakatanggap ako ng text message mula sa Dean na nabagsak ako sa economics exam. At ang masakit, natanggal na ako sa mga may latin awards,” pang-uuyam niya sa akin habang ako ay nakapormal lang at nakayuko. Nag-isip ako ng malalim.
![](https://img.wattpad.com/cover/17236319-288-k645974.jpg)
BINABASA MO ANG
#OPPOSITE: When Love and Hate Collide
Teen FictionNorrain's Post: Sabi nila, kung sino ang magkaiba ang ugali, sila ang magkakatuluyan. Hindi ko alam kung totoo pero wala naman akong patunay kung ganoon nga ba ang buhay. Alin nga ba ang totoo, ang magkaiba na nagkakatuluyan o ang magkapareha na nag...