Day 4.
Ganito pala ang nangyari sa pag-alis ni Norrain sa Summit Publication kahapon. Kumain ako ng kanyang dinalang tanghalian sa loob ng aking opisina kasama sina Patrick at Monica. Matapos iyon, pinayuhan ako ng aking mga kaibigan na kausapin si Norrain sa lalong madaling panahon. Matatandaan na ipinatawag din ako ng boss sa kanyang opisina kasama si Art. Dito pala ipinaliwanag ni boss na pwede ko nang makuha ang aking sahod sa araw ding iyon. Dahil naka-ATM, siyempre, meron na akong gagamitin pang-eroplano at pang-gastos pagpunta ko ng Amerika. Natapos ang araw na iyon na may iyakan sa loob ng publication at lahat ay halos nabusog sa farewell party ko. Pero, hindi ako masaya sa araw na iyon. Natapos kasi ang araw na iyon na gusto kong balikan ang kahapon.
KAHAPON. Ito ang araw na hindi na pwedeng balikan dahil nakalipas na. Masakit man o hindi ang mga nangyari sa araw na iyon, hinding-hindi mo na siya mapapalitan. The only thing we need to do is to continue the present to be on-time with the future.
Tatlong araw na lang ay aalis na ako papuntang Amerika. Hindi na kailangan ang padespedida na pang-pamilya dahil gagastos lang ako nang sobra. Kaya naman napag-isip-isip kong gawin ang mga bagay na hindi ko pa nagawa sa bansa na tiyak na mami-miss ko sa aking pag-alis.
“I MISS YOU!” Kailan ko nga ba sinabi ito kay Norrain noong bumalik siya sa Pilipinas? Dala ng galit, hindi ko ito nasabi kailanman.
“MAHAL KITA!” Unang beses ko itong nabanggit noong araw na nagtapat ako sa kanya pero nabasted rin pagkatapos. Graduation day iyon.
“I’M SORRY!” Kailan ko nga ba siya sinabihan ng ganito? Never in my life dahil na rin sa BOY’S PRIDE na tinatawag. Ganyan kaming mga lalaki, may pride na pinanghahawakan. Dahil sa gustong maging dominating, ayan, hindi maigisa ang pride sa kawali.
NASAKTAN KO KAYA SIYA?
KAILANGAN KO BANG MAGSORRY?
MAHAL KO RIN BA SIYA?
Ilan lamang iyan sa mga katanungang namumutawi sa aking isipan matapos niyang sabihin na mahal niya ako. Hindi rin maalis sa aking isipan ang kanyang mga sinabi, “...Masakit hindi ba? Gayan din ang ginawa mo sa akin ngayong araw. COLD-BLOODED ka talaga, Arvin Esquera. Ni minsan, hindi ka nakaramdam. Wala kang puso. Walang-wala. Hindi ba’t sino ang naunang naging manhid. Hindi ba, ako? Pitong taon kitang pinahirapan, at pitong taon kitang gustong kalimutan. Mula sa sakit na naramdaman ko, eto lang ang sasabihin mo sa akin. AALIS KA PAPUNTANG AMERIKA! MAHAL KITA, ARVIN. Gaano ka man ka-manhid, hanggang ngayon, mahal kita,” bulalas sa akin ni Norrain habang patuloy ang pagtulo ng kanyang luha...”
Gusto kong magpakunsulta sa doktor na espesyalista sa puso. Nararamdaman ko kasing nahihilom na ang sugat nito. Naguguluhan na talaga ako sa kung ano ang gagawin. Tinitigan ko ang aking selpon at tinignan ang nakangiting litrato namin ni Norrain sa Mcdo dalawang araw ang nakakalipas. Tinignan ko ito ng mabuti. Mula sa matang dilated pareho, magpahanggang sa ngiting magkasing-korte, hindi talaga maikakaila na mahal ko rin siya.
“Ano ba, Arvin Esquera! Patuloy mo na lang bang itatanggi na mahal mo pa rin siya magpahanggang ngayon. Magpakatotoo ka na. Sabihin mo na kay Norrain na mahal mo siya at magsorry ka na rin kahit papaano. Itapon mo na ang pride mo...” sambit ng aking konsensya.
“Anong “itapon ang pride” ang pinagsasabi mo! Iyan na lang ang natitira sa iyo. Hindi ba binasted ka na niya, bakit mo pa siya babalikan? Imbento niya lang iyon para saktan ka niya uli. Huwag kang padadala sa mga mahal kita na sinabi niya. Sige ka’t ikaw rin ang masasaktan. Huwag ring sayangin ang AMERIKA. Malay mo, doon mo makikita si RIGHT ONE...” pangontra ng aking anti-konsensya.
BINABASA MO ANG
#OPPOSITE: When Love and Hate Collide
Novela JuvenilNorrain's Post: Sabi nila, kung sino ang magkaiba ang ugali, sila ang magkakatuluyan. Hindi ko alam kung totoo pero wala naman akong patunay kung ganoon nga ba ang buhay. Alin nga ba ang totoo, ang magkaiba na nagkakatuluyan o ang magkapareha na nag...