Arvin’s Post via mobile:
CHANCE.
May ganoon pa ba sa mundo.
LOVE.
May ganyan pa ba ngayon.
HATE
Laging may ganyan sa ngayon.
HEARTBREAK
Of course, we all have
#OPPOSITE #unknownFEELING
Hindi ko na sinagot ang tanong sa akin ni Norrain. Bumaba na ako sa jeep at hindi na muling tinignan ang pag-alis nito. Para saan pa, para sariwain ang unang araw na may pagtingin ako sa kanya. First of all, hindi kami. Second of all, hindi talaga kami. Lastly, hindi talaga kami, promise.
Ngunit bakit ganoon? Habang nag-aaway kami, parang mas napapalapit ako sa kanya. Ngayon ko lang siguro sasabihin ito pero may mga sign na din na napapalapit ako sa kanya. Para mas mapadali, enumerate ko na lang:
Una. Sa unang araw ng klase, panay ang titig niya sa akin. Siyempre, hindi ko pa siya kilala noon kaya naman deadma lang. Ang alam ko lang, tumititig siya sa akin.
“So Norrain, bakit mo siya tinititigan?” usisa ng ate ni Norrain sa kanyang bunsong kapatid makaraang ikwento niya ang nangyari.
“Nagwagwapuhan ako sa kanya. Typical boy next door pero may pagka-Sam Milby ang pangangatawan. Ipagpalagay na nating, hunk. Maputi ang balat, at mapupungay ang mga mata. Siyempre, matangos ang ilong. Sabi ko nga, sana bobo siya para naman magustuhan niya ako, iyon pala, mas matalino pa sa akin.”
“Ah!” sagot ng kanyang ate sabay kumain ng kanyang Mr. Chips.
Pangalawa, binato niya ako ng BIOLOGY book niyang super kapal. Hindi ko alam ang dahilan pero muntik-muntikan ko na rin siyang batuhin.
“So, anong sunod na nangyari?” usisa ng kanyang ate kay Norrain.
“Binato ko siya ng BIOLOGY book ko,” pagmamayabang ni Norrain sa kanyang kapatid.
“Nasisiraan ka na ba? Traumatize ang sino mang mabato ng BIOLOGY book na sobrang kapal, so anong nangyari?”
Ang dahilan nga kasi ng away namin ay noong nalaman niyang valedictorian ako at maski rin siya. Walang kaso sa akin ang ganoon pero nakakapagtaka na bigla na lang siyang nagagalit kapag kinakausap ko. May group work kami at kalaban ko siya. Siyempre, recorded quiz kaya naman kailangang puspusan ang paggawa. Wala akong nagawa kundi paggandahin ang sa amin. Kaya naman noong natalo siya, at tumatawa ako, binato na niya ako ng libro. “Bwisit ka talaga,” bulalas niya sa akin.
“Bakit mo ako binato. Aray ang sakit!” sabi ko sa kanya. “Mabuti na lang sa gilid lang ako natamaan. Pasalamat ka, hindi kita papatulan,” paliwanag ko sa kanya.
“So, nag-sorry ka sa kanya?” usisa ng kanyang ate.
“OF COURSE, NOT. Ang yabang niya. Super duper to the highest level na yabang,” sagot ni Norrain sa kanyang ate.
BINABASA MO ANG
#OPPOSITE: When Love and Hate Collide
JugendliteraturNorrain's Post: Sabi nila, kung sino ang magkaiba ang ugali, sila ang magkakatuluyan. Hindi ko alam kung totoo pero wala naman akong patunay kung ganoon nga ba ang buhay. Alin nga ba ang totoo, ang magkaiba na nagkakatuluyan o ang magkapareha na nag...
