Chapter 16

14 2 0
                                    

Day 3.

            Siguro ngayon naman, flowers ang ibibigay niya. Mabuti naman sana kung punda ng unan ang ibigay niya. Aanhin ko naman ang flowers na ibibigay niya kung sakali, ibabalik ko para may refund. Maisasahog ko ba ang sampaguita sa adobo ni Mama Winnie. Aanhin ko naman ang petals ng mga bulaklak? Mabuti naman sana kung pwedeng maging sabon.

            Bakit ba kapag babae ang manliligaw, hindi maka-HINDI ang mga lalaki. Nakaka-ewan na hindi ko alam. Gusto ko nang maiyak dahil hindi ko na alam ang mga nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung tunay bang mahal ko siya. Hindi ko rin alam kung galit ba talaga ako. Lahat, nakakalito.

            “Umagang umaga, nag-eemo ka na naman. Kape ka muna,” nag-abot ng isang tasang kape si mama. Kapag siya ang tumimpla ng kape ko, swak sa mahabang usapan. Hindi pa nakauwi si kuya dahil na rin sa overtime. Naaawa na rin ako sa kanya dahil overtime-overtime ang trabaho niya. Ako naman, malaki ang sahod pero hindi overtime. Kung pwede nga lang na siya ang pumunta sa Amerika, ibinigay ko na yung ticket.

            “Salamat, Mama.”

            “Ano bang problema?” usisa ni mama habang binubuksan ang mantikilya para sa mainit na pandesal.

            “Nay, alam mo naman na mag-aabroad ako, hindi ba. Kaso napakahirap na pala kapag pinag-uusapan na ang...” itinuro ko ang aking dibdib gamit ang aking hintuturo. Para akong teenager sa mga oras na iyon na nakikipag-usap sa aking nanay.

            “Hay naku, Arvin, matanda ka na. Ang puso talaga ang pinaka-delikadong pag-usapan at problema ng buhay. Hindi mo kasi alam kung siya na ba o hindi ang labanan. Sino ba ang babaeng iyan?” usisa ni nanay.

            “Kaklase ko po sa kolehiyo. Ang pangalan niya, Norrain Belmonte. Actually, siya ang dahilan kung bakit ako NAKA-HIGH noong graduation dahil niligawan ko na siya at binasted niya ako sa mismong graduation. Kalaban ko siya sa academics at iba pa. Hindi ko nga rin alam kung bakit pero masaya siyang ginagawa niya iyon.”

            Napahigop ng kape si nanay. Ilang saglit pa’y muli siyang nagtanong, “Mahal mo pa ba siya?”

            NATAHIMIK AKO. Ayon ang pinakahihintay kong tanong, “Mahal ko ba talaga siya?”. Nakaka-praning na sabihin ng paulit-ulit sa utak pero hindi ko talaga masagot ng diretsahan. Hindi ko ba alam.

            Ayon sa mga pag-aaral, kung ang isang tao, hindi maipaliwanag ang nararamdaman sa isang babae o lalaki, talagang may pagmamahal na tinatawag. Hindi mo maipaliwanag pero the gestures, actions, and attractions will explain.

            “Mahal mo nga. No need to mention it...” sambit ni nanay matapos makakain ng ikalawa niyang mainit na pandesal mula sa hapag. Hindi nga maitatanggi na mothers’ know best para sa mga anak. Malakas rin ang perceptual mechanism nila dahil sa pamamagitan ng mga galaw ko, nababasa niya ang nais kong sabihin.

            “Mamili ka na lang sa kanila. Kung mahal mo ang tao, ‘wag mo siyang hayaang mawala. Kung hindi mo naman mahal, pabayaan mo na lang dahil may mas umaasam ng pagmamahal mo kaysa sa kanya. ‘Wag mong intindihin ang trabaho dahil kung pera rin lang ang bumubuhay sa iyo, hindi ka na talaga mamahalin ng tao,” paliwanag ni nanay sa akin na nakatingin mata sa mata. Nangungusap ang kanyang mga mata. Waring may gustong sabihin.

            “Sige, ma. Papasok na ako. Marami pa kasi akong trabaho sa opisina.” Nilagok ko na ang aking kape at lumabas ng bahay.

            Habang ako ay nakasakay ng taxi, nakadungaw ako sa kanyang bintana. Tanaw na tanaw ko ang mga naglalakihang mga gusali, ang mga nagtatakbuhang mga gusgusing bata na parang nakikipagpatintero, at ang mga nagkalat na basura sa mga estero. Hindi pa tanaw dyan ang mga naglalakihang billboard ng Penshoppe at Bench, at ang mga bahay eskwater sa mga estero. Ganito ang sa’min at gusto kong umalis dito dahil maraming masamang idinulot sa akin ang bansang ito. Ngunit, bigla-bigla, naisip ko si Norrain, bakit nga ba?

#OPPOSITE: When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon