Chapter 19

18 1 0
                                    

“Norrain, ito na pala iyong mga damit na kailangan mo kung gusto mong magpalit,” anyaya ni mama sabay ibinigay ang damit at shorts kay Norrain na nakatayo malapit sa aking mini library.

            Nagtaka ako kung saan kumuha si mama ng damit at shorts kaya naman nagtanong ako, “Ma, saan mo kinuha iyang mga iyan?”

            “Sa iyo mismo!”

            “ANO!” Tinignan ko mismo ang hitsura at tama nga, ito ang mga bagong damit na maiiksi para sa akin.

            “ARVIN! Mahiya ka naman. Bisita iyan at hindi naman niya akalaing gagabihin siya rito. At isa pa, bakit hindi pa nakabukas ang aircon. Tapos ka na bang maglinis. Hay naku, ang bagal mong kumilos,” bulalas ni mama sabay umalis ng kwarto.

            “Unisex naman ang damit kaya pwede rin sa mga babae,” asar pa nitong si Norrain.

            After 20 minutes, natapos rin ako sa paglilinis. Nabuksan na rin ang aircon at maayos na ang aking kwarto. Dahil nanonood pa lamang si Norrain sa labas, naligo na ako sa CR sa loob ng aking kwarto. Mahirap na at baka gambalahin ako ng iba’t ibang engkanto at mademonyo ako kapag tulog na ang lahat. Alam niyo naman ang mga lalaki, hindi mapipigilan ang hormones kahit papaano. Pero para sa akin, bisita si Norrain na kailangang irespeto ng sobra-sobra.

            Kumakanta pa ako sa loob ng banyo. Birit kung birit. Kaya naman, hindi ko namalayan na pumasok na pala sa kwarto si Norrain at doon nanonood. Natapos na akong maligo at sa kamalas-malasan naman ay naiwan ko ang t-shirt ko sa labas. Mabuti na lamang at nakuha ko ang pambaba. Matapos makasuot ng aking pambaba at nakapag-brush ng ngipin, ay gulat na gulat ako sa aking nakita.

            “HAAAAAAAH! Bakit ka na naririto,” nakabalabad lang ang aking tuwalya sa aking leeg at kita rin ang aking muscles kahit papaano. Dahil awkward, napasigaw ako. Hindi naman iyong todo sigaw, iyong katamtaman lang.

            Napatitig sa akin si Norrain at saka tumayo. Lumabas ng kwarto. Napansin ko ang pamumula ng kanyang mukha noong nakita niya akong half-naked. Buti nga t-shirt lang ang naiwan ko. Hindi ko na lang alam kung lahat-lahat.

 

            Sa kabilang banda naman, halos hindi makahinga si Norrain sa kanyang nakita.

            “Norrain...calm down. Hindi ito ang pinunta mo rito kundi humingi ng sorry. Calm down. Inhale....Exhale...” bulong nito sa sarili matapos makita ang katawan ni Arvin.

           

            Binuksan ni Arvin ang pinto at tinawag si Norrain na nag-aabang mismo sa labas ng pintuan. “Tapos ka na?” usisa ni Norrain sa akin.

            “Ah oo. Pwede ka nang pumasok,” halata ko pa rin ang pamumula niya at ngayon ay nakayuko na siyang nakikipag-usap sa akin.

            Tahimik siyang pumasok at kinuha ang damit at shorts na ibinigay ni mama sa kanya kanina. “Maliligo na ako at huwag ka munang pumasok,” utos ni Norrain sa akin na hindi ko ginawa kanina noong ako’y naligo.

            “Gusto mo ba ng marshmallow?” tanong ko sa kanya bago niya isara ang pinto ng banyo.

            “Nasa iyo kung kukuha ka,” sagot niya sa akin sabay isinara ang pintuan ng banyo.

            Lumabas na ako ng kwarto at dahil naka-aircon ay isinara ko ang pintuan nito. Dumiretso ako sa kusina at nakita ko si mama na inililigpit ang pinamili kong grocery kanina.

#OPPOSITE: When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon