Arvin’s Post:
We are totally in two different worlds.
Hindi ko alam kung nasaan ka?
Hindi mo alam kung nasaan ako?
Maniniwala pa ba akong it is a small world after all.
#OPPOSITE #longingFORyou
Alam mo kung bakit ganito ang mundo, mahirap talagang alamin. Mahirap talaga ang nangyayari. Masakit talaga para sa akin na mawalay sa minamahal ko. Pero kailangan nating maniwala na mabubuo pa ulit. It is a small world after all na lang siguro ang panghahawakan kong pilosopiya ngayon. How I wish, after publishing the article, you will call the office of mine para naman magkakilala tayo ulit.
But wait, hindi ko ba siya papahirapan gaya ng ginawa niyang paglaro sa puso ko. Kung makita ko man siya, babawi ako sa kanya. Ipapadanas ko ang ginawa niya sa aking pambabasted. Ang tanong, may pagkakataon pa ba akong gawin iyon kung hindi ko naman siya makita. How I wish?
“Ma, papasok na ako. May panggastos pa ba sa bahay?” usisa ko sa aking nanay na sobra ang suporta sa aming dalawa ni kuya.
“Ah, sobra-sobra pa nga ang ibinigay mo sa akin last week. Mag-ipon ka naman. Baka mamaya, wala ka nang pang-gastos sa mga gawain mo,” payo niya sa akin.
Ang mga ina talaga, napaka-concern sa anak. Kaya naman ako, isa na lang ang nag-iisang babae sa mundo ko, si Mama Winnie Batungbakal Esquera.
“Bro, kumusta ka naman? Antagal na nating hindi nagsasabay umalis ng bahay. Makisabay ka na sa akin. Total may kotse naman ako,” anyaya ni Kuya Raffy sa akin.
Oo nga naman, nagtitiis akong maglakad samantalang may kotse naman si kuya. Anyway, paraan ko na siguro ito para makapag-ipon gaya ng sabi sa akin ni mama. At isa pa, depleted na ang ozone layer by 12 atoms of oxygen dahil sa carbon emissions. Kung daragdagan ko pa, baka mamaya mas iinit pa ang mundo natin. Mahirap na.
“Sige kuya. Magbonding naman tayo bago ako pumasok. Manlibre ka nga rin,” biro ko kay kuya.
“Oo ba, ano ba ang gusto mo, sapak o suntok. Mamili ka na,” sagot ni kuya sa akin.
Gaya noon, ang sapak ay para sa mga fast food chain at ang suntok ay para sa mga mamahaling restaurant. Hindi naman kaya ni kuya na sapakin at suntukin ako gaya noong bata kami.
“Sapak na lang kuya. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakakain doon.”
“Halika na. Maaga pa naman kaya no worries of becoming late. Sige Ma, pupunta na kami,” naglakad na kami palabas at umalis na sakay ng isang itim na Toyota Camry. Tatlong taon na ang sasakyan at bagong-bago pa ang loob dahil maingat si kuya sa kanyang gamit. Kaya nga noong sumakay ako, nakaupo lang ako at nakaharap sa bintana na iniisip ang susunod na kabanata ng aking buhay.
“Arvin, 27 years old ka na. Wala ka pa rin bang napupusuang babae sa paligid?” usisa ni kuya na para bang nabasa ang aking iniisip.
“Wala pa naman. Ikaw, meron na ba?”
“Actually, permanent naman na ako sa trabaho ko. Maganda naman na ang weight ng sahod ko kaya naman hindi ako magdedeny na meron na. Kaibigan ko siya at kaya nga kita pinasama para makilala mo siya,” sagot ni kuya na may halong ngiti sa kanyang labi. Mabuti pa si kuya, may kasama na sa buhay. Ako, WALA. Wala akong mapag-sabihan ng aking problema, ng aking achievements, at mga iniisip sa buhay.
BINABASA MO ANG
#OPPOSITE: When Love and Hate Collide
Genç KurguNorrain's Post: Sabi nila, kung sino ang magkaiba ang ugali, sila ang magkakatuluyan. Hindi ko alam kung totoo pero wala naman akong patunay kung ganoon nga ba ang buhay. Alin nga ba ang totoo, ang magkaiba na nagkakatuluyan o ang magkapareha na nag...