Chapter 2

39 3 0
                                    

Norrain’s Post:

 

Grabe! Ang pangit ng araw na ito. Super Pangit. Kainis ka! GRRRRR!

 

 

            Pagkatapos makagawa ng homework, lumabas ng kwarto si Norrain at binuksan ang ref. Kumuha ng isang basong fresh milk at Oreo cookie sandwich. Saka, agad-agad pumasok sa kwarto.

 

            “Laila, anong problema ng bunso natin,” usisa ng tatay ni Norrain sa kanyang asawa.

            “Ay, nag-aaral iyan. ‘Wag mong paki-alam, baka maging dragon.”

            Tumayo ang kanyang tatay habang ang kanyang nanay ay patuloy sa pagnguya ng Potato Chips. Kinatok ng tatay nito ang pinto ng kwarto ni Norrain.

            “Sino iyan?” ani Norrain

            “Uhm, si tatay.”

            “Pasok ho!”

            Pumasok sa kwarto ang kanyang tatay at kitang-kita ang anak na gumagawa ng assignment sa harap ng computer. Lumingon-lingon ito at biglang sinabi, “Anak, may problema ka ba?”

            “Pa, anong problema? Problema sa pera meron.”

            “Hindi, as in, problema yung emotional.”

            “Wala.”

            “Pansin ko kasi nitong mga nakalipas, parang lagi ka na lang malungkot. Niyayamot ka pa kung minsan,” sabay umupo sa tabi ng anak.

            “Pa, don’t worry. Malapit na akong mag-gradweyt. Kaya naman kailangang mag-rush-rush ng konti. Fighting sabi mo nga!” sagot ni Norrain sa kanyang tatay.

            “Sige, magbihis ka at may pupuntahan tayo,” anyaya ng kanyang tatay.

            “Saan?” napahinto ito sa pag-eencode ng kanyang homework.

            “Tignan mo nga ‘yang keyboard ng laptop mo, parang hindi na nga keyboard dahil wala ng letters na lumilitaw. Halika, bilhan na lang kita ng bagong laptop,” nanlaki ang mata ni Norrain sa sinabi ng tatay nito.

            “Hay naku. Sige na nga. Basta, Pa, kung ano ang maganda ang specs, ‘yun ang bibilhin natin. Eh, para saan na ang laptop na ito,” usisa ni Norrain habang pinapatay ang laptop.

            “Sa mama mo na. ‘Di bale, pang-Skype niya lang naman sa kapatid niya abroad.”

            Mabilis na nagbihis ang pamilya ni Norrain papunta sa Cyberzone kung saan bibilhan siya ng kanyang tatay ng bagong laptop.

Arvin’s Post:

 

Ano ba naman oh! Kung kailan naghahabol ng requirements, saka nasira ang mouse.

Gagastos tuloy ng pambili. #OPPOSITE

--feeling annoyed

 

            “Ma, punta lang ako sa pagbilhan ng computer mouse!” sigaw ko sa kusina habang nilalapa ang Potato Chips ng aking kuya.

            “Sige, anak! May pambili ka ba?” ani ng kanyang ina habang nagluluto ng hapunan.

#OPPOSITE: When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon