Chapter 4

27 4 0
                                    

Hindi mo masasabi kung sino ang THE RIGHT ONE. Marahil, nakasalamuha mo na siya sa jeep minsan, hindi mo lang makita ang spark sa inyong mga mata. Baka naman, kaklase mo na siya at nakakabangayan mo parati. Akala mong simple horseplay sa klase o pambubully sa iyo, siya na pala ang hinihintay mo.

            Minsan kasi, we look at the picture in its specifics. Kung pangit ang pagkakakuha, ayan, discard agad. Kung putol ang mukha, delete agad. Kung pangit ang mukha, na hindi na maremedyohan ng Camera 360, delete na agad. Ganyan natin itrato ang buhay. Tinitignan natin ang kahinaan ng tao bago tayo tumitingin sa kalakasan nito. Malay mo, sinasabi lang niya na kahinaan niya ito, iyon pala ang kalakasan niya. Minsan we always magnify the weakness and set aside the strengths.

                       

Norrain’s Post:

 

Sana naman, maganda ang pasok ng araw before ang final exam.

Hoping that all will be alright.

By the way, no more competition para kina papa at mama.

Peace.

#OPPOSITE #newDAY

--feeling awesome

 

Arvin’s Comment sa post ni Norrain:

Like na like ko iyan.

 

Norrain’s Comment sa comment ni Arvin:

Not for you, MISTER Cold-blooded.

 

Arvin’s Comment sa comment ni Norrain:

Like pa rin. Ano ngayon kung Cold blooded? Bakit alam mo ba ang rason kung bakit ako cold-blooded.

 

Norrain’s Comment sa comment ni Arvin:

Why should I know? I am not a background profiler, Mr.

 

Arvin’s Comment sa comment ni Norrain:

Okey. J

 

Arvin’s post via mobile:

Tignan mo ang araw

Nakangiti ang galaw

Umagang sumasayaw

Gumising na, Araw

--feeling happy

 

            At gaya nga ng inaasahan, nagpapasa na lang ng project ang mga estudyante bago ang final exam. Dahil graduating, kinakailangang may clearance ang lahat bago kumuha ng exam. Kaya naman, pila-pila kaming kumukuha ng permit sa accounting office. Kung hindi nakabayad, no exam. Matagal ng policy ng university ang NO PERMIT, NO EXAM lalo na sa mga papaalis na mga estudyante.

            “Bro, pwedeng humiram ng 1000 pesos mo. Nasalat kasi ang mga magulang ko sa pera. Di bale babayaran ko bago matapos ang araw ng finals,” pagmamakaawa ni Patrick sa akin.

            “Oh ito. Ibayad mo na,” iniabot ko na ang pera sa aking kaibigan.

            “Tama nga sina mama at papa, mabait nga siguro itong si Arvin,” bulong sa sarili ni Norrain habang pinagmamasdan si Arvin.

#OPPOSITE: When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon