Chapter 8

41 2 0
                                        

Arvin’s Post:

 

Day 1 of 10

Operation Affection.

Ano kaya magandang gawin? Hmp????

#OPPOSITE #confused

 

Patrick’s Comment on Arvin’s Post:

Uy, na-in love na siya. Ayeeee...

 

Arvin’s Comment on Patrick’s Comment:

Operation Affection nga di ba? Tol, kahit papaano, maging praktikal na tayo. Hahaha

 

Patrick’s Comment on Arvin’s Comment:

Huwag kang padalos-dalos.

 

Monica likes Arvin’s Post.

 

            I’M FREEEEEEEEEEEEEEE. LET IT GO! LET IT GO! I CAN’T HOLD IT BACK ANYMORE. (while listening to Idina Mendel’s Version) Yes!!! Wala ng boring na classroom set-up, wala ng irereview na makakapal na photocopy, at siyempre, wala ng allowance dahil sa siyempre wala ng regular class. Kaya kailangang magtipid.

            TIPID. Mahirap nating gawin pero madaling sabihin. Kung sasabihin mo iyan, dapat nakikita rin sa iyo. Don’t attempt to say when you are not doing it. Katulad ko, marahil hindi ako nakipag-girlfriend dahil iniipon at tinitipid ko ang LOVE POINTS ko. Para naman kapag pwede nang mag-REDEEM ng points, malaki-laki ang REWARD. Parang cellphone lang noh, sana ganyan ang love. We bank points then we redeem for reward. I hope it will happen.

            “So welcome, free life student!” bati ko sa umaga habang papasok ako ng gate ng pinapasukan kong university. Siyempre, be happy. Makakatakas na rin ako kay kuya guard na nagpahirap sa akin ng buong 4 years dahil sa mga late na pinapapasok niya. Hindi pa kasali dyan ang flag raising ceremony na pabigat din sa maagang pasok sa umaga.

            Pero ang malaking tanong ngayon, anong gagawin ko sa Day 1 ng Operation Affection? Magbibigay ng Flowers? Corny naman. Magbibigay ng chocolate? Mahal. Magcompose ng kanta at harana too the max? Pwede, pero dapat last day na iyon para may senti....ayos. Alam ko na, tutulungan ko na lang siya sa pagprocess ng mga documents. Tama, magprocess ng documents. Speaking of documents, nakanino kaya si GIGACHIP, ang aking dakilang flash drive, na nagbigay buhay sa aking academic endeavor. Where are you, GIGACHIP?

            “Hi, Norrain!” bulalas ni David kay Norrain na papasok ng university sa mga oras na iyon.

            “Hello. Over ka naman makasigaw, parang hindi tayo nagkita ng tatlong taon.”

            “Mamimiss mo rin iyan! Sigurado,” patnubay ni David na halatang nagmamadali.                 “Ah, siya nga pala, itong flash drive ni Arvin. Baka kung magkita kayo, pwedeng pakibigay na lang. Salamat kamo,” dugtong nito.

            “Ah eh kasi...”

            “Mauna na ako,” kumaripas ng takbo si David dahil mayroon pa pala itong exam sa isang major subject nito.

            “Ano ba naman! Kung kailan ayoko ko siyang makita, ako pa ang pinagbigyan ng flash drive niya! Kainis talaga!” bulong ni Norrain sa kanyang sarili.

#OPPOSITE: When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon