This is the last day. The seventh day of my remaining days before I will aboard my flight to Los Angeles. Parang nakakalula dahil tapos na ang pamamalagi ko rito sa Pilipinas. Gaya nga ng sabi ko, wala namang idinulot na maganda sa akin ang bansang ito. Hanggang ngayon, hindi ko binabawi iyon. No bad intention. Pero thankful ako dahil pinatuloy niya ako sa kanyang bisig para mag-aral at mamulat sa totoong halaga ng buhay.
Life is to move on and to keep moving on. Ganyan ang Pilipinas, babangon at babangon kahit ilang bagyo ang dumaan at manalasa. Ang pinakamagandang itinuro sa akin ng Pilipinas ay ang bumangon kahit na walang-wala ka na dahil hanggang sumisikat ang araw, may tinatawag na BUKAS.
At dahil huling araw ko na dito sa Pilipinas, wala kong ginawa kundi kumain, matulog, magtext, mag-internet, at matulog uli. Hindi ko gugugulin ang nalalabing oras ko para makipag-barkada, maki-date, at iba pang nakakapagod na gawain. Hindi naman dahil last day, lustay ng pera dito at doon na ang asta. Hindi naman yata magandang pagurin ang sarili bago lumipad papuntang ibang bansa.
Mula umaga hanggang hapon, naroon lamang ako sa bahay. Tinutulungan si mama sa gawain bahay, nagtitext kay Norrain at iba pang mga kaibigan, at nanonood ng palabas sa TV. Wala akong pinagsabihan na ngayon ang alis ko, mga bandang 1AM ng hatinggabi. Ang maganda pa, hindi alam ni Norrain. Ayoko rin naman kasing makita niya akong aalis. Ayoko ng iyakan sa airport. Hindi naman ito teleserye para magkaroon ng dramahan.
Alas-tres ng hapon nang maalimpungatan ako sa aking mahimbing na tulog.
“Tao po! Tao po?” sigaw ng kumakatok sa gate namin. Sumilip ako sa bintana at nakitang may isang karterong kumakatok sa aming gate. Kaya naman, dali-dali akong lumabas para pagbuksan ang gate.
“May sulat po ba kami?” usisa ko sa kartero. “Hindi po sulat. May package po kayo galing sa Summit Publication,” sumbat ni mamang kartero. Iniabot nito ang malaking envelope at konting pirmahan lamang ay umalis rin.
“Marahil ay ito yung magazine na bago.” Tinitignan ko ang mga nakasulat sa envelope. Kinapa-kapa kung ano ang nasa loob na parang regalo lamang galing sa isang Christmas party. Noong makapasok na ako sa loob, hindi na ako nakapagpigil at binuksan ko na ito. Tama nga ang hula ko, ito ang bagong magazine. Light Blue gray ang cover at napaka-ganda ng pagkakagawa.
“#OPPOSITE: When Love and Hate Collide. Aba, talagang kinuha ni Art ang sinabi kong title. Maganda ito,” sabit ko sa aking sariling naluluha dahil ito ang huling magazine na ginawa ko buhat ng aking damdamin para kay Norrain.
Samantala, habang nasa trabaho si Norrain, binuklat niya ang bagong magazine ng Summit. “Ang cute naman ng title, #OPPOSITE: When Love and Hate Collide. Sino kaya ang naka-isip nito,” usisa nito na hindi namamalayan na pumasok na pala sa loob ng kanyang opisina si Art.
“Si Arvin Esquera ang nakaisip niyan,” sambit ni Art sabay umupo sa couch sa loob ng opisina ni Norrain.
“Si Arvin talaga. Magaling rin pala siya sa pagcoconceptualize ng theme. Bakit hindi niya pinakita noong college kami. Ang humble talaga niya....napaka-humble...” mga pangungusap na naglalaro sa isip ni Norrain sa mga oras na iyon.
“Akala mo ba, hindi ko alam na ikaw ang tinutukoy niya dyan sa magazine. Bakit hindi mo basahin,” utos ni Art sa kanya.
“ANO?”
“Oo. Ito ang magazine na gusto niyang i-publish para marealize mo na minahal ka niya ng halos ilang taon. Kung hindi ka sana nagbalik, marahil ay sa araw na ito na kalalabas pa lamang ng magazine ay hinahanap mo na siya. Hindi ka ba nasasayangan sa kanya na binasted mo siya noong graduation ninyo. Alam mo kung ako yung lalaki, maghahanap na ako ng iba. Pero si Arvin, ang lakas ng AMATS sa iyo, pinsan. Hindi mo ba alam na tinanggap niya ang alok na pumunta sa California para lamang makalimutan ka sa mga sakit na idinulot mo. Ngayong boyfriend mo na siya, hindi mo ba siya bibigyan ng isang mahalagang pabaon man lang sana,” paliwanag ni Art kay Norrain.
BINABASA MO ANG
#OPPOSITE: When Love and Hate Collide
Teen FictionNorrain's Post: Sabi nila, kung sino ang magkaiba ang ugali, sila ang magkakatuluyan. Hindi ko alam kung totoo pero wala naman akong patunay kung ganoon nga ba ang buhay. Alin nga ba ang totoo, ang magkaiba na nagkakatuluyan o ang magkapareha na nag...