Arvin’s Post:
May hindi inaasahang turn of events.
Bakit ba nag-iiba ang plano ni God para sa akin?
#OPPOSITE #turnUPtheMUSIC
Day 2.
Gaya ng dati, papasok ako sa trabaho. Matapos ang 8AM to 12 NN na shift, kakain sa karinderya. Papasok uli sa opisinang glass ang pader mula 1PM to 4PM. Then uwian na. Parang routine lang sa bahay o sa klase. Paulit-ulit. Nakakasawa. Pero noong dumating si Norrain sa system, may 5PM-6PM na pag-uusap na sa Mcdo. Hindi ko ba alam kung bakit sumingit siya sa routine kong hindi naman flexible.
“Sabi ko na nga ba eh. Magkikita na naman tayo. What a coincidence!” sambit ni Norrain sa akin habang ako naman ay nakaupo sa kadulu-duluang upuan ng Mdco at umiinom ng Coffee Float.
Itong babaeng ito na naman. Hay, bakit ba hindi kita mahindian? Ano bang nangyari sa aking system? Para kang virus na biglang nagpa-overload sa aking software.
“Pwedeng tumabi sa iyo?” usisa niya sa akin.
Konting tango sa ulo then nakaupo na siya. Malaki ang nagbago sa kanya. Hindi na siya masaydong nagsasalita ng English. Mahaba pa rin ang buhok at pino-ponytail sa likuran ng red na ribbon. Para nga siyang ewan noong college dahil hindi niya maiayos ang buhok. Ewan ko ba? Ang mukha, mala-barbie doll shaped. Ang kulay...nevermind. Hindi ako artist dahil maraming shade ang brown. Ang mata, dilated...black yata ang iris niya. Maputi ang ngipin parang mentos pero hindi naman ganoon kalalaki. Basta ang talagang maganda sa kanya, ang tawa at smile niya. Cute lang dahil may biloy. Ehm, para siyang dalagang Pilipina sa suot. Ehm, hindi siya conservative, unknown ang fashion niya na maski si Pitoy Moreno ay maguguluhan.
“So, kumusta naman ang araw mo?” tanong niya sa akin.
“Sandali. Mas magandang magkwentuhan kung may kasamang kape. Mag-oorder ako ng kagaya ng sa akin.” Tumayo ako at nag-order. Ito ang unang date namin, daw! Sana naman, maayos ang araw na ito.
“Oh, eto. Pagtiyagahan mo na. Hindi ko kasi alam ang food preference mo,” anyaya ko sa kanya habang ibinibigay ang kanyang Coffee float. Ngayon, pareho na kami. Unang higop niya at ganito ang reaction niya, “Wow! This is a nice beverage. Walang ganito sa US.”
Ganoon? Kailan pa nagpauso ng inumin ang Pilipinas maliban sa Basi at Tapuy. Ang Pilipinas, kundi hindi ginawa, mangreretoke. Tignan mo na lang ang mga babaeng pa-sexy. Akala mo maganda, iyon pala, nagpa-liposuction. Naretoke na rin ang pansit na Tsinoy ang nagpauso. Ang sa’tin naka-pack ang noodles at ang mga Tsinoy, hand made noodles. Fried Chicken ng US, ginawang Fried Chicken Barbeque ng Pinoy. Malikhain nga, wala namang originality.
“Mahilig ko iyang inumin kapag nagmumuni ako. Brain stimulator ko. I’m glad you like it,” nagsmile ako sa kanya. Yung hindi pilit at hindi rin sabog. Normal lang. Yung totoong ngiti.
“Ang cute ng ngiti mo. Ulit,” utos niya sa akin.
“Hindi. Minsan ko lang iyang ginagamit.”
“Sige naman na ah. Ang cute kaya,” sabi ni Norrain sa akin na alam ko namang siya ang dahilan kung bakit ako ngumingiti.
Walang ano pa ma’y ngumiti ako, at siya naman, ayun, kinuhanan ako ng litrato.
“Patingin nga!” usisa ko sa kanya. Nakuha ko ang cellphone niya at nakita ang aking mukha. Cute nga naman talaga kung nakangiti ako. Cute...parang bata.
BINABASA MO ANG
#OPPOSITE: When Love and Hate Collide
Ficção AdolescenteNorrain's Post: Sabi nila, kung sino ang magkaiba ang ugali, sila ang magkakatuluyan. Hindi ko alam kung totoo pero wala naman akong patunay kung ganoon nga ba ang buhay. Alin nga ba ang totoo, ang magkaiba na nagkakatuluyan o ang magkapareha na nag...