Chapter 10

35 2 0
                                    

Norrain’s Post:

 

Going back to school after having a bad flu.

Thanks for those who care! Thanks a lot.

Another sunny day! Hoping for the best this day.

#OPPOSITE #egnever #startOFsomethingNEW

--feeling determined

 

Arvin’s Comment on Norrain’s Post:

Mabuti naman at magaling ka na.

 

Norrain’s Comment on Arvin’s Comment:

Of course. I will be fine. It is just a flu.

 

Arvin’s Comment on Norrain’s Comment:

Don’t push youself if you are not totally fine.

 

Norrain’s Comment on Arvin’s Comment:

Thanks for the concern but I will go to school today.

 

            “Operation: Affection. Ikakasa ko na,” sigaw ko sa aking kwarto. Nagbihis na ako na parang aakyat ng ligaw. Kumpleto sa pabango, plantsado ang damit, at ibang iba ang porma. “I hope, day 6 will be okay.”

 

            “Operation: Hatred. Carry on!” bulong ni Norrain sa kanyang sarili habang tinitignan ang profile ni Arvin. “Madali ka lang pala maniwala sa akin. Pwes, lulubos-lubusin ko na. AHAHAHAHA,” bulalas nito sa kanyang kwarto. 

 

            Pasipol-sipol pa akong pumunta sa gymnasium kung saan mag-prapraktis para sa graduation. Mag-isa ko pa lang sa loob at kitang-kita ko ang mga janitor na nag-aayos ng mga upuan. Naglakad ako sa gitna ng gym kung saan kami maglalakad sa graduation. Nasa illusion ko na nagpapalakpakan sila, maraming tao, at siyempre nakatoga ang graduates. Hindi pa kasali dyan ang matinding pawis dahil sa maalinsangang hangin sa loob. Kung naka-make-up ka man, tanggal na ang blush on mo kapag sumampa ka sa stage.

            Umakyat ako sa stage. Naglakad na inaakalang graduation na. Tumayo ako sa gitna at nakisama naman ang namamahala ng mga ilaw ng gym, naifocus sa akin ang spotlight. Nakakasilaw pero hindi ko na lang tinignan. Nagsigawan ang mga tao. Lumabas si Ryan Seacrest at saka sinabing, “THIS is AMERICAN IDOL!” Napangisi ako sa aking mga iniisip. Para akong nababaliw, pero okay lang naman. Ako lang naman ang nakakakita sa sarili nang biglang may pumalakpak sa akin.

            “Hi, Mr. Cold-blooded!”

            “Norrain? Wow, your back,” bulalas ko sa kanya habang pababa sa stage.

            “Tapos? Tapos?”

            “Wala. Nakakamiss lang ang pang-aasar mo,” sagot ko sa kanya na deep inside pa-simple. Kung alam mo lang, naku, naman ang torpe ko. Batung-bato ako sa mga sandaling iyon.

            “Kain tayo mamaya, gusto mo?” anyaya ko sa kanya for the first time.

            “Sige ba! Libre mo?” usisa niya sa akin na nakakapagtakang hindi siya nagalit at agad na tinanggap ang inbitasyon ko.

            “Hindi yata flu ang dumapo sa iyong sakit ah, hindi mo ba ako aasarin ngayon?”

            “So gusto mong asarin kita? Gusto mong maasar?” sambit niya sa akin.

#OPPOSITE: When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon