Norrain’s Text Message to Arvin:
I will wait until the time that you will come into the place I said. I am hoping for a positive response. –norrain
Nasa kwarto pa lang ako’t napahimbing ang tulog. Ayokong magising at maalimpungatan kaya naman naka-lock ang pintuan. Tahimik ang aking kwarto at malinis siyang tignan. Pagtingin ko sa kisame, isa lang ang aking naiisip, “Kailangan ko bang pumunta?”
Papikit-pikit ako ng mata na waring may magbabago. Dahil mainit, tinanggal ko ang aking T-Shirt para maging presko. Hanggang doon na lang iyon. Green minded na lang ang magbubuo ng imaheng maaaring nakikita mo ngayong naka-half-naked ako. Siyempre, I don’t need to describe my complexion dahil isa lamang akong typical adult, though, I am in my teen age adulthood years. Bata pa ang mukha ko kahit na gatambak ang responsibilidad at trabahong dapat tapusin. Para sa mas detalyadong pagbabasa, nakabuo naman ako ng mini-6 pack abs ko at fair complexion lang naman. Hindi sa pagmamayabang pero ganito ang katawan ko.
“Hindi ko siya masabihan ng hindi at hindi ko rin siya masabihan ng oo.” Pumikit ulit ako na nagbabalak bumalik sa tulog kahit alas-otso na ng umaga. Bagama’t hindi ako ginising ni mama, at hindi kumakatok ng pinto si kuya, hindi ako magbubukas ng aking kwarto. Kinuha ko ang aking unan at nilaro sa hangin. Wala akong maisip na matino kaya naman bumangon na ako at naligo. Maski sa banyo, hindi ako makadesisyon hanggang dumating sa puntong nagsusuot na ako ng panlabas na damit. Hindi naman ganoon kaporma pero may dating din naman.
Binuksan ko ang pinto at naghahanda pa lamang ng agahan si mama. “Kain ka muna. Sorry late ako nagising,” sambit ni mama.
“Gusto mo bang mag-kape, mama?” usisa ko sa aking ina.
“Alam mo naman ang timpla ko. Timplahan mo na lang ako ng kalahati,” sagot niya sa akin. Ang kalahati sa kanya ay buo at ang buo sa kanya ay kalahating baso. Mahirap ding kausapin si mama katulad ko. Makaraang maka-graduate ako, hindi na ako kasin-tinong kausap. Dala na rin ng heartbreak. Iniaabot ko na ang kape kay mama at ako naman ay tumungo sa hapag at doon kinasalo ang kapeng may tsokolate.
“Bakit parang bihis ka? May lakad ka ba?” usisa ni mama sa akin. Napakamot ako ng ulo at wala pa rin akong kasagot-sagot.
“Lalabas ako pagkatapos kumain. Maglalakad-lakad lang...siguro o kaya magliliwaliw.”
Pansin ni mama ang malumanay kong pagsagot. Alam na niyang may problema kaya hindi na niya ulit ako tinanong. Naging tahimik ng ilang minuto ang kusina hanggang sa may mag-doorbell. Tinignan ko kung sino at nakita kong isang mensahero pala sa PhilPost.
“Salamat sa sulat,” bati ko sa kanya matapos niyang ibigay ang isang sulat na talagang para sa akin. Ito ay sulat galing sa isang kumpanyang aking inapplyan sa abroad. Isa lang ang maaaring laman, DEFERED – hindi approve; o ACCEPTED – approved.
Umupo ulit ako sa aking silya sa kusina kung saan nakalagay ang aking kape. Marahan ko itong binuksan at nakita ang salitang ACCEPTED. At last, natanggap din ako sa abroad. Kung kailan ako nalulungkot, saka naman ako pinapasaya ng Diyos.
“This is to inform you that you have been accepted in the Science Research Institute in Los Angeles California. Please be guided that you only have 7 days to fix any unprocessed documents upon recorded in this mail. Inform us upon acceptance of this mail with our website.”
BINABASA MO ANG
#OPPOSITE: When Love and Hate Collide
Teen FictionNorrain's Post: Sabi nila, kung sino ang magkaiba ang ugali, sila ang magkakatuluyan. Hindi ko alam kung totoo pero wala naman akong patunay kung ganoon nga ba ang buhay. Alin nga ba ang totoo, ang magkaiba na nagkakatuluyan o ang magkapareha na nag...
