Chapter 20

30 1 0
                                    

Day 6.

            Alas-kwatro ng umaga ako nagising dahil marami akong gagawin sa araw na ito. Pagtingin ko sa aking kaliwa ay ang himbing na himbing na si Norrain na na-enjoy ang lamig ng aircon pati na rin ang mga pangyayari kagabi. Maski naman ako, na-enjoy ko rin.

            Tinitignan ko siya. Kahit pala tulog, maganda pa rin siya. Buhok nga lang ang nagbago kasi magulo at “ngarag na ngarag” kung tawagin ng karamihan. Ang kutis, namumula dahil sa aircon.

            “Hay, para kang anghel kung tulog. Demonyo kung gising,” bulong ko sa kanya.

            “Cold-blooded ka naman,” bulong din niya.

            Ano! Gising na rin siya. Oh, hindi ito maaari. Mag-eempake na ako ng aking mga gamit kaya ako nagising ng maaga. Sumilip ako upang tignan kung gising na nga siya at kahit paano, hindi pala. “Huwag mong tangkain ang mga masama mong balak,” sambit niya sa akin sabay bangon nito. Dahil sa gulat, napasalampak ako sa sahig.

            “Sabi ko na nga bang may masama kang balak sa akin,”sabi nito sa akin habang siya ay nasa kama at ako ay nasa sahig. Para na nga kaming mag-asawa na nag-aaway.

            “Sandali. Aray ang sakit ng paa ko!” namilipit bigla ang aking paa dahil sa pagkakahulog.

            “Ano! Nagpapaka-bata ka na naman. Tumayo ka dyan,” utos niya sa akin.

            “Masakit itong paa ko,” sagot ko sa kanya sabay magtatangkang tatayo pero sasablay. Agad akong inalalayan ni Norrain at pinahiga sa kama. “Ano bang masakit? Cramps iyan,” usisa nito habang inaalalayan ang aking mga paa.

            “Iyong kanang paa ko. Ikaw kasi, kung ano-ano ang iniisip mo. Ayan tuloy nag-crampppp....s” sabay ginamot ang aking paang nag-cramps nang hindi man lang nagsasabi. “ARAY! May balak ka bang patayin ako,” sigaw ko kay Norrain.

            “Ayos na ba. Hindi na sasakit yan. Akala mo, may natutunan din yata ako sa first-aid. Hindi tulad mo na puro exams ang iniisip,” asar niya sa akin sabay kumindat.

            “Aba, nagmayabang ka pa ah. Ikaw nga itong competitive.”

            Tumayo siya at naglakad patungong pintuan. Binuksan niya ito sabay sinabi, “Pwede ka nang maglakad. ‘Wag kang mag-Over Acting.”

            “Sandali lang.” Napatigil siya sa paglabas ng pinto.

            “Salamat.”

            Ngumisi siya sabay sinabing, “Ang isang Arvin Esquera, nagpapasalamat na. Wow, milagro.”  Isinara na niya ang pinto at wala na siya sa kwarto. Pagkakataon ko na para mag-empake. Hay, mabuti naman. Actually, masakit pa rin ang aking paang nagcramps.

            Inilabas ko na ang dalawang maletang dadalhin ko papuntang Amerika. Konti lamang ang dadalhin dahil may mga damit na sa bahay na ibinigay ni old boss sa akin. Konting pambahay, maraming panglabas, mga formal na clothes, at iba pang gamit na pantao at makatao. Alangan naman magdadala ako ng dog food para kainin ko, super-awkward naman yata.

            Mga dalawang oras din ang pag-eempake ko at natapos ako na may kumakatok sa aking pintuan. Naglakad ako kahit na makirot pa ang cramps sa aking paa. Pagbukas, nakita ko si Norrain na nagdala ng kape para sa akin at para sa kanya.

            “Huwag mong itago na nag-eempake ka. Siyempre, natural lang na may maleta sa kwarto mo. O ito, magkape ka muna,” yaya niya sa akin sabay abot sa kape.

#OPPOSITE: When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon