Habang nag-eencode ako ng aking assignment na ipapasa bukas, pumasok si kuya sa aking kwarto.
“’Tol, ano na naman iyan?”
“Assignment ko.”
“Parang everyday ka na ‘atang mayroong assignment sa mga subject mo. Wala na bang tigil yan?”
“So, ano naman sa iyo ngayon?”
“Siyempre, nawawala ka na sa talagang gawain sa kolehiyo. Tignan mo, isang taon na lang, graduate ka na. Pero sa puso, Grade 1 ka pa lang, bro,” sabay tapik sa aking balikat. Hinatak nito ang aking inuupuan para humarap sa kanya. Halos mahulog na ako sa lakas nang pagkakahatak at muntikan nang mahila ang keyboard ng aking computer.
Kumuha ng bola sa aking cabinet si kuya. “Sige, maglalaro tayo. Answer the ball ang tawag. Game ka?”
Sa kabilang banda, nakaharap na naman si Norrain sa kanyang computer para matapos ang kanyang project sa isa niyang major subject.
“Girl, hindi ka pa ba tapos diyan?” usisa ng ate ni Norrain sa kanya sabay bato ng isang unan.
“Aray ko. Nasa interpretation part pa lang ako. Bakit mo ba ako binato?”
“Para matauhan ka. Siyempre, halos limang oras ka nang nakababad diyan. Hindi pa ba pumuputok ang mata mo. Kung ako niyan, teary eyes na ako. Ano ba iyan?”
“Ah! Research! Bakit, tutulong ka?”
Hinatak siya ng kanyang ate sa kama at hinampas ng malambot na unan. “Magpahinga ka nga muna, girl. Alam mo, wala na talagang magkaka-gusto sa iyo pagka-graduate mo ng kolehiyo.” Ngumuya ng ilang Mr. Chips si Norrain sabay tingin sa kanyang kapatid.
“’Wag mo akong tignan ng ganyan. Talagang wala na! Sa itsura mong iyan, Shocks, walang-wala. Tanong ko lang, ano bang gusto mo sa lalaki,” usisa ng kanyang ate.
“’Tol, ano bang gusto mo sa babae?” sabay ipinasa sa akin ni kuya ang bola.
“Gusto ko yung matalino”
“Matalino lang?” sabay na tanong ng dalawang nakakatandang kapatid kahit na sa magkaibang bahay sila nakatira.
“Siyempre, isa lang iyon. Hindi naman sa matalino. Gusto ko yung may ibubuga sa lahat ng oras. Sabihin na nating may alam,” paliwanag ni Norrain sa ate.
“Oo, aanhin ko naman ang bobong babae?” sagot ko kay kuya.
“Ah, so ano pa ang gusto mo sa babae?” tanong uli nito na parang pang-talkshow ang dating.
“Gusto ko yung may hitsura. Hindi naman gaanong seksi, hindi rin naman gaanong kapangitan. Yung sakto lang. Iyong sawak sa isang lalaki,” sabay ipinasa kay kuya ang bola
“Ano pa ang gusto mo sa lalaki?” usisa ulit ng ate ni Norrain.
“Kapag matalinong lalaki kasi, madaldal masyado. Kaya gusto ko yung may maibubuga. May manners sa lahat ng oras. Medyo bad boy, pero hindi naman bastos. May pagka-comedy pero hindi naman masyadong clown. Pwede na ring iyong maputi. Basta, ang gusto ko lang sa lalaki, either gentleman o matulungin. Iyon lang,” sagot ni Norrain habang naglalakad pabalik sa computer para ipagpatuloy ang kanyang project.
“Bro, hindi mo iyan makikita kung lagi ka na lang naririto sa loob ng kwarto; nagkokompyuter, at laging abala sa lahat ng oras. Sana naman bago ka mag-gradweyt, may girlfriend ka na. Mahirap iyan, bro. Aanhin mo ang pera mo kung sarili mo hindi mo mabigyan ng kanyang gusto.”
“May tamang oras iyan. Mas magandang maging handa kaysa maging padalos-dalos.” Bumalik ako sa aking computer at nagpakasasa sa paggawa ng assignment.
“Bro, you miss ¾ of your life in college. You really miss what college means,” umalis na si kuya sa aking kwarto kasama ang bolang pang-basketball na pinagpasa-pasahan namin kanina.
“Girl, relax ka lang sa mga school works mo. Marahil, hindi mo na talaga makikita ang sinasabi mong ideal man mo,” umalis na ang ate ni Norrain sa kwarto kasama ang bowl ng kanyang Mr. Chips.
“Wala akong paki-alam sa lalaki. Ang gusto ko lang sa lalaki, iyong kayang magsakripisyo para sa akin. ‘Yung kayang higitan kung ano ako. Iyon ang gusto ko,” ani Norrain sabay encode ng kanyang mini-thesis.
“Marahil, tama si kuya. Ano kaya kung maghanap na ako ng babaeng magpapasaya sa akin. Iyon bang panghabang buhay. Sandali nga lang, ano naman ang maipapakain ko sa kanya kung hindi ako makakapagtapos ng pag-aaral. Ang gulo talaga ng buhay. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin.”
BINABASA MO ANG
#OPPOSITE: When Love and Hate Collide
Teen FictionNorrain's Post: Sabi nila, kung sino ang magkaiba ang ugali, sila ang magkakatuluyan. Hindi ko alam kung totoo pero wala naman akong patunay kung ganoon nga ba ang buhay. Alin nga ba ang totoo, ang magkaiba na nagkakatuluyan o ang magkapareha na nag...