Chapter 6

29 3 0
                                        

Norrain’s Post via Iphone:

 

Final Exam – checked

Cross fingers for a good result. Good Lord, please pass me.

RELAX, CHILLAX, LET’S HAVE SOME FUN. J

--eating ice crem at Mcdonalds

 

            “Ang tagal niyo ‘ata,” tanong ni Patrick kay Monica.

            “May binalik pa akong libro. Kaninong pagkain iyan?” usisa ni Monica sabay umupo sa tabi ni Patrick. Si Norrain naman ay umupo malapit sa glass window, upuang katabi mismo ni Arvin.

            “Ah kay Arvin. Kanina pa kami dito. Nasaan na kaya iyon? Sabi niya saglit lang siya sa CR.”

           

            “Kung minamalas ka nga naman, siya pa ang makikita mo. Ang ganda nang usapan eh. Ang ganda,” sambit ko sa aking  sarili habang naghihilamos ng mukha.

            If this is destiny, I will make it density – mass per unit volume. Ano ba naman, bakit ba ako nagiging ganito. Kalma lang...Arvin. Inhale...Exhale... Hindi ko siya mahal...Hindi si Norrain ang importanteng tao sa buhay ko.

 

            Lumabas ako sa CR at nakita kong umalis sa kinauupuan sina Monica at Norrain.

            “So, ano? Okay ka lang ‘tol. Na-dyebs ka ba?” tanong sa akin ni Patrick pero hindi ko pinapansin. Palingon-lingon ako para makitang CLEAR na ang lugar. Definitely, CLEAR. Ready for landing, Over!

            “Hoy! Okay ka lang?”

            “Ah... oo. Naghilamos lang ako saglit,” sagot ko sa nagtatakang si Patrick.

            “Siya nga pala. Kasama ko pala kanina si Monica at si mahal mo?” pabirong sinabi ni Patrick habang umiinom ng Coke Float.

            “Bro, itigil mo na iyan. Hindi na siya magandang biro. Ano ngayon kung nandito si Norrain, wala naman siya para sa akin? Bakit, girlfriend ko ba siya? Hindi ‘tol?” paliwanag ko na hindi ko namamalayang nasa likuran ko na pala ang tinutukoy ko.

            Para akong nabagsakan ng tatlong sako ng semento sa mga sinabi ko. Pero bakit ako mahihiya, wala naman talaga kami ni Norrain. Magka-away nga kami mula noong first day. Naalala ko pa noong binato niya ako ng super kapal na libro niya sa Biology dahil naungusan ko siya sa first quiz. Hindi lang iyan, sinigawan pa niya ako sa klase noong kami ay nagdedebate about RH Bill. Kaya malabong maging kami! Malabong-malabo.

            “Excuse me. Pwede po bang umurong kayo dahil kanina pa ako nakatayo sa likuran ninyo habang dala-dala ang tray ng pagkain ko. Palibhasa kasi, manhid,” sumbat niya sa akin at padabog na inilapag ang kanyang hawak-hawak na tray.

            “Andami-dami mong sinasabi, Ms. Sungit. Pwede namang EXCUSE ME NGA PO! o kaya PWEDENG PO BANG UMURONG. Walang...”

            “Ituloy mo, at masasampal ulit kita sa kabilang pisngi mo.”

            “Sige subukan mo!”

            Nagngangalit na kami sa inis nang batukan kami ng magnobyong Patrick at Monica. “Tumigil nga kayo dyan. Wala tayo sa loob ng klase para magbangayan. Para kayong aso’t pusa. Talo niyo pa nga sila,” sabat nila Patrick at Monica.

#OPPOSITE: When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon