Day 5.
Kailangan ko na talagang humingi ng tawad. Pero ano ang sasabihin ko, “Norrain, I’m sorry.” Iyon lang. Napaka-typical naman ang sorry sa atin pero hindi kaya mas maganda kung may ACTION ang SORRY natin.
Ganito kasi ang laging nangyayari sa ating lahat. SORRY tayo ng SORRY, hindi naman natin naiintindihan ang salitang SORRY. Ang salitang SORRY kasi ay nanggaling sa old english na salita na sarig na ang ibig sabihin ay full of sorrow/sore. Kung ganito din lang ang definition ng sorry at dudugtungan ng I’m, ang kahulugan na nito ay AKO AY MARAMING SUGAT. Hindi ka kaya nasasaktan?
Kung gagamitin naman ang PATAWAD, tila yata maling-mali. PA-TA-WAD, na ang ibig sabihin ay humihingi ng discount. TAWAD na ang ibig sabihin ay discount. Kung sasabihin mo ito sa iyong iniirog, mababastusan siya dahil hindi naman siya bagay na kailangan ng discount.
Sa dinami-dami ng aking iniisip, pati etymology ng mga salita, pumapasok na sa eksena.
Alas kwatro imedya ng umaga nang ako’y magising. Wala naman na akong pasok sa trabaho pero nagising ako ng napaka-aga. Dala na rin siguro ng sobrang pag-iisip sa paghingi ko ng sorry kay Norrain.
Binuksan ko ang aking bintana at langhap na langhap ko ang malamig na simoy ng hangin sa umaga. Binuksan ko ang aking selpon na naging portable music player at camera na lang dahil sira ang sim slot niya. Pagkasalpak ng aking earplugs sa aking tenga, nagpatugtog na ako ng ilang kanta. Ilan nga sa mga naipatugtog ay ang RANGING FIRE ni Philip Phillips na nanalo sa isang prestiyosong singing competition sa Amerika.
Sabi nga sa kanta,
“You know time will give and time will take,
All the memories made will wash away.
Even though we’ve changed,
I’m still here with you.”
Tama nga. Maski nagbago na kaming dalawa, narito pa rin kami na nakikisalo sa iisang damdamin. Kahit na mawala ang lahat ng mga alaala, ang oras ang siyang magdidikta kung kami nga ba ang para sa isa’t isa.
Dahil sa topak, inulit-ulit ko sa aking isipan ang lyrics ng kanta hanggang sa napakanta na rin ako.
“If music is the food of love, just play it on.” Ito ang sabi ni Shakespeare sa isa sa kanyang mga likhang poem. Libre ang musika kaya bakit hindi mo ito ipatugtog ng ipatugtog. Kung naka-iTunes ka, mag-ipon ka ng $1 para makabili ng isang kanta. Bakit mo ipagkakait ang Php.43 pesos kung para sa puso mo?
Noong bigla ko itong naisip, pumasok sa isipan ko na maaaring ang MUSIC ang siyang magbuklod sa aming dalawa. Napag-alaman ko rin kasing mahilig siya sa music na gaya ko. Magkaiba nga lang ang genre na ihilig namin.
Sa kabilang banda, ngayon lang lumabas ng kwarto si Norrain matapos ang nangyari sa Summit. Ginutom na rin siguro dahil sa isang araw na pagmumukmok. Nag-reheat siya ng lasagna na binili ng kanyang tatay sa isang fast food chain. Iniaalok ito sa kanya bago siya nagmukmok sa kwarto at dahil inayawan, na-ref ng isang araw at hindi ginalaw ng mga kasama sa bahay. Alam kasi nila na gustong-gusto ito ni Norrain at kapag nawala ang inialok sa kanya, hahanap-hanapin niya ito ng sobra-sobra.
BINABASA MO ANG
#OPPOSITE: When Love and Hate Collide
Novela JuvenilNorrain's Post: Sabi nila, kung sino ang magkaiba ang ugali, sila ang magkakatuluyan. Hindi ko alam kung totoo pero wala naman akong patunay kung ganoon nga ba ang buhay. Alin nga ba ang totoo, ang magkaiba na nagkakatuluyan o ang magkapareha na nag...
