Chapter 5

23 3 0
                                    

Patrick’s Post via Samsung Mobile:

 

3 of 3. Last day of final exam na. Pagkatapos nito, graduation na.

God Bless sa amin nina Arvin Esquera at iba pa.

--feeling amazed

 

            Last day of exam at isa na lang ang natirang exam ko. Dahil sa kasa-summer ay isang minor subject na lang ang natira sa prospectus ko. Samantalang sa kanila, may Economics sila. Ito lang naman ang subject na nagbigay ako ng remedial class to help everyone in the class.  Sana naman, pagkatapos ng exam, may chibugan. Treat to the 8 semesters and 2 summer classes that I’ve hurdled.

            “Hi Guys! Ready for your exam. I hope I help you a little,” sambulat ko sa aking mga kaklase nang mapasilip ako sa kanilang exam room.

            “Of course, Arvin. We are more ready than before,” bulalas ng lahat. Nang magpaalam na ako, papasok naman sa loob si Norrain. Nagkatinginan kami pero dahil sariwa pa ang pagkakasampal niya sa akin, umalis na ako para hindi na side to side ang masasampal.

            Pumasok na siya sa loob at tinanong kung ano ang ginagawa ko sa bukana ng kanilang kwarto. Monica said, “He just give us a call of blessing. God Bless, like that.”

            “May puso na pala siya ah. Cold-blooded,” bulong sa sarili ni Norrain.

            “Hindi ka pa ba nagsorry sa kanya,” usisa ni Monica sa kanya.

            “Hindi tumatanggap ng sorry si Arvin. Sasayangin mo lang ang laway mo,” sabat ni Patrick sa dalawa.

            “Bakit, magsosorry ba ako sa kanya? Of course, not. Tama lang sa kanya iyon. Bawi ko na sa mga pagmamayabang niya,” sagot ni Norrain sabay binuklat ang kanyang reviewer.

           

            Halos dalawang oras ding tumagal ang examination ko. Ikaw ba naman ang major subject ang Physics. Hindi ko ba alam kung bakit two hours pero sa pagkakaalam ko, halos isang oras ko lang sinagutan ang exam na iyon. “Hay, tapos na ang college. Ano kayang magandang kainin?” usisa ko sa aking sarili sabay napakamot ng ulo.

            “Mr. Esquera, may I talk to you for a second,” napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses ni Mrs. Baliwna. Hindi ako mapalingon upang tignan ang mukha ni Madam V.

            “Yes, ma’am,” nauutal kong sinabi sa kanya.

            “Congratulations, Mr. Summa cum laude. Manang-mana ka talaga sa tatay mo. So, where are you going to teach after passing the licensure exam,” usisa ni Madam Baliwna sa akin.

            Napigtas ang mga iniisip ko sa mga oras na iyon. Oo nga naman. Saan kaya ako pupunta after the licensure exam? Advance kasing mag-isip itong si Madam Baliwna. Kung makapagtanong, alapaap ang sagot.

            “Mag-aapply muna ako sa private school bago ako kumuha ng masters and doctorate degree ko. Gusto ko sanang magtrabaho sa gobyerno, lalo na sa DOST,” sagot ko sa kanya na parang impossibleng mangyari.

            “That is a very good decision of yours. I hope for your success,” tinapik ni Madam Baliwna ang aking balikat at saka nagpatuloy sa paglalakad papuntang opisina nito.

           

            “--Beep...beep...—“huni ng aking cell phone na ngayon ngayon lang tumunog after 2 months.

#OPPOSITE: When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon