“Oo nga, iba tayo. Pero gawain iyan ng mga lalaki,” kinuha ko sa kanya ang maliit na box at isinara. Kahit gastos niya ang singsing, pinalitan ko ito ng singsing na nasa kwintas ko. Reserve kasi ito kung sakaling magpropose ako ng biglaan sa kanya. At dahil biglaan na nga ang proposal ay ito, kinuha ko ang 24 carat na singsing.
“Ms. Norrain Belmonte, hindi muna ikaw ang liligawan ko,” sambit ko sa kanya.
“Ano!... What!...Ganoon...?”
“Nasaan ang parents mo?” usisa ko sa kanya.
“Ehm, naroroon, naka-upo.” Itinuro nito ang mga nakaupo sa waiting area. Agad-agad akong pumunta sa kanila. Sa pagkabigla nila, pati mga audience naroroon, naki-join.
“Mr. And Mrs. Belmonte. I am Arvin Esquera. And I just want to ask if you can take me as your daughter’s husband,” usisa ko sa kanila. Nag-isip ang dalawa pati na rin si Martha, ate ni Norrain, na nakita ang ex-maliligaw na si kuya Raffy at sinabing, “Sorry pero tanging ang anak ko lamang ang makakasagot niyan,” sumbat ng ama ni Norrain.
Naglakad uli ako sa kinaroroonan ni Norrain at lumuhod, “Sabi na nga sa’yo. Paano ba iyan? Thirty minutes at aalis ka na sa Pilipinas,” sambit niya sa akin.
“Oo. Pero hindi ako aalis hanggang hindi ko naibibigay ang singsing na ito sa’yo,” sambit ko sa kanya. “Now, Ms. Norrain Belmonte, ang babaeng nambasted sa akin minsan sa aking graduation at langing nakikipagkarerahan sa mga bagay-bagay, will you marry me?” dugtong ko.
“As long as magiging competitive ka katulad ko, magiging mabait, at iba pang characteristics ng isang ARVIN ESQUERA, YES. I WILL MARRY YOU!” Agad ko naman isinuot ang singsing sa kanyang daliri. “So, engaged na tayo. Paano ba iyan, kailangan mong bumalik para sa mga bagay-bagay,” sambit sa akin ni Norrain.
“Hanggang ikaw ang babalikan ko, OO, babalik ako.” Hinalikan ko siya at dahil ilang minuto na lamang ay aalis na ang aking eroplano ay nagpaalam na ako sa kanya.
“This is not a goodbye. But a beginning,” sambit ko sa kanya.
Dahil administrative supervisor ang position ko, pabalik-balik ako sa Pilipinas. Kung hindi sa Pilipinas ay ipinapadala ako sa iba’t ibang bansa kasama si Norrain. Si Norrain naman ay naging International Correspondent ng Summit Publication kaya naman NPC siya – No Permanent Country. Si Patrick naman ay naging Education Secretary ng Pilipinas gaya ng pangarap niya. Si Monica ang siyang general manager ng Philippine Stock Exchange, Inc. Si Kuya Raffy naman ay nakuha na rin ang promotion na ihinahangad, Administrative Engineer II ng isang kilalang kumpanya sa Pilipinas.
Napaayos ko na rin ang aming bahay gaya ng aking tinutuluyan sa California na ang design ay may pagka-modern geometrical. Maayos na rin ang Pilipinas dahil tinatanggal na isa-isa ang corrupt. Ang mga corrupt, kung hindi nagkakasakit, ay nagpapa-ospital. Malapit na rin ang open free trade na magbukas sa kalakalan, sa edukasyon at iba pang sektor ng lipunan. Kaya naman mabilis na lang ang pangi-ngibang bansa kung sakali.
Ang Summit Publication naman ay nagtransform na mula sa isang mini publishing company ay naging primere magazine publishing company na. At ang #OPPOSITE naman na isinulat ko ay naisalibro na. Akalain mong may libro na ako. Si Art na EIC ang siya na ngayong Boss ng lahat. Namatay na kasi si old boss sa sakit na diabetes at ipinamana kay Art ang lahat ng pagmamay-ari niya sa Summit. Si Louis naman ay naging tanyag dahil sa kanyang mga layout. Si Carla Mae ay kinuha na ng CNN bilang isang online news correspondent. Si Mayla naman ay naging EIC ng Summit. At si Jorge na aking utusan noon ay naging Editorial Consultant - pinagandang Editorial Assistant.
Fulfilled ako sa mga nangyari. Magmula noong nag-graduate ako, nagtrabaho, naging doktor, nakita si Norrain na nambasted sa akin, naging magkarelasyon, nag-propose, at hanggang sa kami ay ikinasal, sabi ko nga sa sarili ko, Love never dies.
Arvin’s Post:
Walang taong hindi pwedeng umibig. Lahat tayo’y may pagkakataong umibig. Malay mo ang kaaway mo na pala ang the RIGHT ONE.
Hindi paspasan ang pagmamahal. Bigyan mo siya ng espasyo para mag-grow. Kung hindi mo talaga makita si the RIGHT ONE, prepare yourself to have the RIGHT ONE. Kasi ang problema sa atin, lagi tayong sumusuko. Kung binasted tayo, ipagpatuloy mo. Kung wala kang pag-asa, gumawa ng paraan para magkaroon.
“LOVE is not how fast you get it but on how well you cherish it.”
#OPPOSITE #MrandMrsEsquera #newlyWED
-in Eiffel Tower, Paris, France
~THE END~

BINABASA MO ANG
#OPPOSITE: When Love and Hate Collide
Ficção AdolescenteNorrain's Post: Sabi nila, kung sino ang magkaiba ang ugali, sila ang magkakatuluyan. Hindi ko alam kung totoo pero wala naman akong patunay kung ganoon nga ba ang buhay. Alin nga ba ang totoo, ang magkaiba na nagkakatuluyan o ang magkapareha na nag...