Chapter 2

1.1K 36 2
                                    

Chanyeol's POV

Napapansin kong iba ang mga kinikilos ngayon ni Jongdae. Ano naman kayang problema niya? At tsaka bakit siya naglasing? Inihatid ko na siya sa kwarto nila xiumin hyung. At tsaka bumalik sa kwarto namin ni Baek.

"Baek" Tawag ko.

"Oh?" Sagot niya habang nag-lalagay nanaman ng eyeliner.

"May sinabi ba si Jongdae sayo kanina?" Napatigil naman siya sa pag-lalagay ng eyeliner at unti unting tumingin sakin.

"W-wala naman." Bakit parang kinakabahan siya?

"Wala?" Parang may iba eh.

"Wala, lasing lang 'yon kaya ganun." Baka nga.

"Pero baek, bakit kaya siya nag-lasing?"

"E-ewan ko." Nagkibit balikat nalang siya.

Baekhyun's POV

Kinakabahan ako sa tanong ni Yeol. Hindi ko pa naman kasi talaga sure kung totoo yung sinabi sakin ni Chen na mahal niya ko. Baka nga kasi lasing lang talaga 'yon. Pero bakit naman kaya siya mag-lalasing?

"Oh? Lalim ng iniisip natin ah."  Si kyungsoo, katabi ko siya. Andito na kasi kami sa kotse. Pinapatawag kami ni Manager para mapaghandaan daw yung concert.

"Lasing kasi si Chen kanina." Sagot ko.

"Oo nga, nakita ko nga" Sagot naman ni Kai na katabi din ni Kyungsoo sa left side.

"Bakit naman siya mag-lalasing?" Tanong ni Kyungsoo.

"Ewan." Nag-kibit balikat nalang ako. Si Yeol, sa  EXO M muna siya sumakay, pumalit sakanya si Luhan hyung para daw mag-kasama sila ni Sehun. 

***

Pag-dating namin, agad na kaming nag-practice. Sobrang nakaka-pagod. Talagang tagatak ng pawis. Yung eyeliner ko, kumalat na. Bwisit! 

Hinanap ko si Chanyeol, pero wala. Asan naman kaya yun? 

"Hyung, nakita mo si Yeollie?" Tanong ko kay Suho hyung. 

"Ha? Hindi ba nag-paalam sayo? Sabi niya mag-kikita daw sila ng Ate Yura niya." 

"Hindi eh." 

"Baka nag-mamadali lang." Baka nga. 

"Oo, baka nga, sige salamat hyung." Umalis na ko at kinuha yung cellphone ko para tawagan si Yeol. 

~Ring Ring Ring~ ~Ring Ring Ring~ ~Ring Ring Ring~ 

"Hello, Yeol! Asan ka?" 

[Baek wag ka muna tumawag please] 

"Ha? B-bakit naman? Tinatanong ko lang naman kung..--" 

[BASTA! WAG MO MUNA AKONG TAWAGAN!] toot toot toot. 

Third Person's POV 

Nagulat na lang si Baekhyun ng biglang sumigaw sakanya ang kasintahan. Ito ang unang beses na nangyari 'yon. Pinilit ni Baek na intindihin si Chanyeol. "Baka mainit lang ang ulo nun, o baka naman nag-away sila ng ate nya." Yan ang iniisip ni Baek kahit na nasasaktan na siya. 

Kinagat nya ang ibabang labi nya hanggang sa dumugo 'yon, Ayaw niyang maluha. Wala siyang pakielam kung nag-dugo na ang labi nya. Ang tanging nararamdaman niya lang ngayon ay yung kirot sa puso nya. 

Natapos na ang Practice nila, at kumain muna sila sa isang magandang Resto. Masasarap ang pagkain, May magagandang musika din. Enjoy na enjoy ang ibang miyembro, samantalang si Baekhyun ay tahimik. Iniisip niya nanaman si Yeol. 

"Labas muna ako." Paalam ni Baekhyun sa miyembro. 

"Teka? Pagod ka na ba?" Tanong ni Myloves na si Suho. Hehehehe. 

Umiling lang si Baekhyun. "Hindi hyung, mag-papahangin lang ako." Tumango nalang sila at itinuloy ang pag-kain. 

Habang nag-papahangin si Baek ay biglang may tumabi sakanya. 

"Jongdae.." Bulong ni Baekhyun nung makita niya ang mukha ng tumabi sakanya.

"Anong nangyari?" Tanong ni Chen kaya naman nag-taka si Baek. 

"Ha? Anong anong nangyari?" Takang tanong ni Baek. 

"Bakit ka umiyak kanina?"  Napaisip si Baek. Pano naman nalaman ni Jongdae yon? 

"A-ako? Umiyak? Hahaha, hindi ako umiyak no." Pinilit na tumawa ni Baek. 

"Wag mo nga akong niloloko. Alam kong umiyak ka kanina, Nag-away ba kayo ni Chanyeol?"  Bumuntong hininga si Baek. 

"Tinawagan ko kasi siya kanina, pero parang g-galit ata siya e-eh." Tuluyan ng umiyak si Baek. Bigla namang niyakap ni Chen si Baek. 

"Baek, baek, ako nalang, baek." Bulong ni Chen habang nakayakap kay Baekhyun. 

Inalis naman ni Baekhyun ang pag-kakayap ni Chen at pinunasan ang luha. 

"H-ha? A-ano bang sinasabi mo Chen?" 

"Baek, mahal kita, mahal na mahal kita."  Nagulat naman si Baek sa narinig. 

"A-ano kaba! L-lasing ka lang naman nun diba?" 

"Oo, lasing ako nun, pero totoo yung sinabi ko nun Baek, Mahal kita." Biglang yumakap ulit si Chen kay Baekhyun. Pero tinaggal agad yun ni Baek. 

"Chen ano ba! Mahal ko si Chanyeol! Iba nalang chen, wag ako.."

"Pero Baek, ikaw ang gusto ko, ikaw ang mahal ko.."

Umiling si Baek.. "Mahal mo ko? Pwes, itigil mo yang pag-mamahal mo sakin kung talagang mahal mo ko." At tuluyan ng umalis si Baek. 

itutuloy... 

[A/N: Pabitin ulit. Vote and Comment agaaain. ♥ ♫Xoxo♫]

Promise [BaekYeol FanFic] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon