Chapter 6

1K 26 7
                                    

A/N: OKAY! PAKSHET! NADELETE KO ANG SIX. KAYA UULITIN KO. SORRY GUYS! I LOVE YOU XDD 

-----

Two weeks nang nakipag-break si Chanyeol kay Baekhyun at alam na rin yun ng buong Exo. 

Pero si Baekhyun, hindi pa rin tumitigil sa pag-susuyo kay Chanyeol. Hindi niya talaga kayang mawala ang binata sa kanya. 

Minsan, naiinis na si Chanyeol sa inaakto ni Baekhyun kaya nakipag-palitan pa siya ng Kwarto kay Kyungsoo. 

.

Gumagawa si Baekhyun ngayon ng cookies para kay Chanyeol. Humingi siya ng tulong kay D.O para mas masarap ang pag-babake niya. 

"Kyung..Do you think, magugustuhan ito ni Chanyeol?" 

"No" simpleng sagot ng kaibigan kaya naman napasibangot siya dito. 

"Kyung naman eh.. Bakit ba hindi mo nalang sabihin na Oo? Bakit ba dinadown niyo ako.."  Napa-buntong hininga si D.O, ang totoo niyan, labag sa kalooban niyang tulungan si Baekhyun na gumawa ng cookies para kay Chanyeo, kasi alam naman niyang hindi rin ito tatanggapin ni Yeol. Ayaw na niyang nakikita ang kaibigan na malungkot kaya gusto niya na mag-move on na ito. 

"Baek..Alam mo naman na ayaw kitang nasasaktan diba? Pero sa ginagawa mo, mas lalo ka lang masasaktan.." Kinagat ni Baekhyun ang ibabang labi niya. 

"No kyung.. Alam kong babalik sa akin si Chanyeol.. Alam kong mahal niya parin ako.. Mahal pa.." Napa-buntong hininga nalang ulit si D.O sa kaibigan. Napaka-kulit talaga nito. 

"No. Kita mo naman na masayang masaya si Chanyeol tuwing kausap niya si Nana sa telepono diba? Mahal niya na si Nana, baek. Hindi na ikaw! At kung ako sayo, mag momove on na ako, At Bibigyan ko ng chance si Chen!" Oo. alam ni Kyungsoo ang tungkol kay Chen, alam niyang mahal na mahal ni Chen si Baekhyun, kaya mas gusto ni Kyung si Chen para kay Baek. 

Hindi namamalayang, napaluha na pala si Baek sa harap ni Kyungsoo. 

"Kyung.. l-last na to.. Pag-ayaw na talaga ni Yeol sa a-akin, mag-momove on na ako.." Napatango nalang si Kyungsoo sakanya at pinunasan ang luha niya. 

Ipinagpatuloy na nilang gawin ang cookies para kay Chanyeol nang may biglang may tumawag.. 

"Kyungsoo hyung! May tumatawag sayo.." sigaw ng nakababatang si Sehun. 

"O sige, pupunta na ako."  Lumabas muna sa kitchen si D.O at kinausap ang tumawag.

Nagulat naman si Baekhyun ng pumasok si Kai sa kitchen ng naka-kunot ang noo. 

"Oh, kai? Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ni Baekhyun.

"Hyung..Sino yung tumawag kay Kyungsoo..?" Napatawa naman si Baek sa tanong ni Kai. 

"Aba! Ewan ko.. Kita mong nandito ako, tas tatanungin mo ako.. Bakit? Ako ba yung nasa telepono ha?" Pang-aasar ni Baek sa kanya. 


"Hyung naman eh!" Napasibangot naman ang binata kay Baek. Naamoy niya ang bangong galing sa oven. 

"Uhmm. Hyung! Ang bango nun ah." Inilabas ni Baekhyun ang cookies na galing sa oven.. Ang bango ngaaa. (Lol, naamoy? XD) 

"Pahingi naman, hyung!" Kukuha na sana si Kai ng isang cookies pero biglang tinapik ni Baek ang kamay nito. 

"Para kay Yeol to.." Napakamot nalang sa ulo ang binata. 

Bigla naman pumasok si Kyung sa Kitchen. 

Promise [BaekYeol FanFic] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon